Chapter 3: Meet Red's Kuya

460 7 1
                                    

September 9, 2013

--


Scott:


"Will you just shut up?! Umagang umaga naman, Espie! Pwede ba? Give me a rest! Kung pwede lang kitang paalisin sa bahay na to sana noon ko pa ginawa pero dahil ayaw ni daddy, pinagtyatyagahan kita!"


Nagising ako sa ingay. Si Red yung sumisigaw ah. Eh sino ba kaaway niya? Tss. Haynako! Umagang umaga naha-high blood.


"Huwag na huwag mo akong pinagtataasan ng boses! Hindi ka ba tinuruan maging magalang sa matatanda?!"

"Eh ikaw? Hindi ka ba tinuruan na huwag pakeelaman ang gamit ng ibang tao lalo na sa amo mo! Mayordoma ka lang dito esperenza, wala kang karapatan!"


Lumabas akong kwarto at nakita ko si Red sa nagRered na sa galit at yung matandang sinisigawan niya ganon din. Ano bang pinag aawayan nila?? 

Lalapitan ko na sana si Red ako pinigilan ako ng isang katulong. Medyo nasa mid-30's na. Hawak niya braso ko. Chansing to ah. 


"Ijo, kung ako sayo huwag ka nalang po makielam." Sabi niya sakin.

"Pero, tignan niyo po oh. Parang magpapatayan na sila." Sabi ko naman sakaniya.

"Hayaan mo na. Ganyan naman sila lagi eh. Atsaka padating na po si Sir Realm." Realm?? Sino yun? Ngayon ko lang narinig pangalan nun ah. "Ay ijo, pinag utos po pala sakin ni ma'am Red na paggising niyo daw po kumain na daw po kayo tapos maligo na. Nalabhan na din naman po yung damit niyo, plinaplantsa nalang po ni Ate Alejandra." Sabi sakin nung matanda.

"Sige po." 


Pumunta na akong kusina atsaka umupo. Naghanda naman yung katulong na kausap ko kanina ng breakfast.


"Si Red po ba kumain na?" Tanong ko. Wait, why am I even asking? Malamang kumain na yon. Agang nagising eh.

"Kanina pa, ijo. May pupuntahan daw kasi sila nila ma'am Daniella." sagot naman niya. "Atsaka, ijo, tawagin mo nalang akong Ate Laura."

"Ah, sige po, ate Laura." Sabi ko saka sumubo habang nilalagyan naman ni Ate Laura ng juice yung baso ko. "Uhm, ate Laura, pwede po magtanong?"

"Oo naman, ijo. Ano ba yon?"

"Sino po si Realm?"

"Ah, kapatid siya ni Ma'am Red. Sa pagkakaalam ko, mahigit walong taon siya sa Amerika at ngayon lang siya ulit uuwe ng Pinas. Ang sabi pa nila, mag aaral daw siya sa pinag aaralan ni Ma'am para mabantayan niya kapatid niya."


Kapatid? Bakit walang nabanggit si Red tungkol sa mga yon? Psh! Asa pa ako? Eh di naman open yun sakin noon about sa family niya. Kaya di na ako magtataka.


"Ahh. Edi mag aaral siya sa school namin. Kelan nga po ulit siya dadating??" Pagkatanong ko nun, biglang nagdoor bell.

The BarkadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon