Red:
"Nasaan na ba si Blake?" Sigaw ko. Shit lang eh! Nasaan na ba siya? Bakit ba wala pa siya dito sa Mansion?! Shit lang talaga! Nagkalat ang mga Blackholes sa kung saan saan tapos wala pa siya dito?! Mababaliw na ata ako dahil sa kakaisip kung nasaan siya!
"Red, stop shouting." Awat sakin ni Scott. Dadalawa lang kami dito sa kwarto dahil inaasikaso nila kung paano nila maha-hack ang mga blackholes.
"Shit lang kasi.." Napaupo ako sa bed at tinakpan ang mukha ko ng dalawa kong kamay.
"Tinawagan mo na ba?" Tinanggal ko ang kamay ko at niyakap ang unan ko.
"Nasa cabinet niya phone niya."
"Si Ate Crey, nacontact mo na?" Napatingin ako sakaniya at napatigil. Napapoker face naman siya na parang sinasabing 'Ang tanga mo talaga'.
Kinuha ko yung phone ko at dinial yung number ni Ate Crey. Nakalimang ring pa bago niya sagutin ang tawag.
"Hello? Oh Red, bakit?" Tanong ng nasa kabilang linya.
"Hello? Ate! Ate Crey!" Paghyhysterical ko. Hindi ko alam kung bakit ba ako naghyhysterical ngayon. Ayssh!
"Oh, Bakit?"
"Ehhh? Kasama mo ba si Blake, Ate?"
"Blake? Akala ko ba magkakasama kayo?" Okay, now I'm starting to really worry. Kung hindi sila magkasama, edi nasaan siya?
"Wala siya dito, Ate. Maggagabi na tapos hindi pa siya bumabalik. Delikado pa naman ngayon."
"Natawagan mo na ba?"
"Iniwan niya phone niya dito, Ate."
"Haynako talaga yon. Sige. Hahanapin ko nalang siya. Balitaan ko nalang kayo."
"Huh??" Nanlaki ang dalawa kong mata dahil sa sinabi niya. "Huwag na, Ate! Kami nalang. Baka kung ano pang mangyari sayo."
"Bakit?"
"Ah? Basta, Ate. Promise mo di ka aalis ng mag isa? Please?" Para akong bata. Psh!
"Ah, eh. Sige sige. Tatawagin ko nalang mga kaibigan ko. Hahanapin nalang namin siya bukas."
"Uhm. Sige, Ate. Ingat. Bye."
"Sige, kayo din."
Binaba ko na yung tawag at napatingin kay Scott saka ako napailing.. Lumapit siya sakin atsaka niya pinat yung ulo ko. Ano ako? Aso? Leshe tong Crossfire na to. Sipain ko palabas eh.
"Matutulog na ako. Matulog ka na din. Maaga tayo bukas sabi ni Chandria kanina." Nagtungo na siya sa bed niya at nahiga. Tutulugan niya talaga ako? Seriously? Aysh! Bahala siya!
Daniella:
Maaga kami ngayon. 5am palang andtio na kami, and right now... It's 10 am. Like hello? Kahapon pa kami naghihirap para lang ma-hack ang mga walanjong Blackholes na yan. Mga pa-hard to get.
BINABASA MO ANG
The Barkada
FanfictionWrote this in 2015. Never had the chance to edit. I was just a child when I wrote this so forgive me for any grammatical errors, typos, failed attempt at humor, cliche parts, and etc.