Chapter 4: Brutality

415 5 0
                                        

September 11, 2013


~

RED's POV:


Dito nanaman sila matutulog. Tssss.. Mababagyo nanaman bahay namin. Hayy! At idagdag mo pa ang kaingayan nila. Demanding pa na akala mo bahay nila. Pumayag payag pa kasi si Kuya eh!


"Foods nga dyan!"

"Pizza!!"

"May Nandos ba dito sa Pinas?"

"Ice cream!"

"Fries!"

"Tacos!"

"I need drinks!"

"Burger!"


"WILL THE 5 OF YOU SHUT UP???!!" Nakakabwisit kaingayan nila eh. Iniistorbo ang tahimik kong buhay. Letche. Kaylan pa naging tahimik buhay ko? Hahaha! Patawa!


"Boom panes!" Sabi ni Chasie habang nagcecellphone.

"Sinong nalagot?" Sabi ni Chandria na nagbabasa.

"Tss." Reaction ni Kuya na naghahanap ng magandang panood sa TV.


"Alas onse na ng gabi tapos ngayon lang kayo magugutom?!" highblood ba? Eh sa nakakabwisit kaingayan nila eh.

"Ehh hin" Nagsasalita pa si Daniella pero nagsalita ako.

"Gusto mo bang palayasin kita, Daniella?!"

"H-hin"

"Then keep quiet. ALL of you!" Inemphasize ko pa yung 'all' para lahat sila tumigil.



"GOOD MORNING!!"


Nagising kaming lahat sa sigaw ni Daniella. Umagang umaga naman! Tsss.. Anong oras palang ba? Kulang tulog namin. Madaling araw na ata kami nakatulog kagabi. Nagmovie marathon kami eh. Apat ata o limang movies pinanuod namin.


Napatingin ako sa wall clock. It's 1:45PM. Ugh! Sunday naman. It's okay to wake up late.


"Afternoon na. At nagugutom na ako. Di tayo pinakain kagabi ni Red." Patampo effect pa si Nicolette. May pa-pout pout pang nalalaman.

"Sa ingay niyong yun sa tingin niyo naman papakainin ko kayo kahit lahat ng hinihingi niyo nasa kitchen? Pwede namang wag isigaw eh. Tsss. Tapos ako pa may kasalanan." Bumangon ako at tinignan sila ng masama.

"Ehh?" Sabay sabay nilang reaction.

"Ngayon lang kayo nagsisi? Aba! Kasalanan niyo yan. Osya! Magsilayas na kayo! May pupuntahan pa kami ni Kuya. Chupi!" Pagpapalayas ko sakanila. Mabilis naman nilang inayos mga pinaghigaan nila. Maganda yan! Mga responsableng tao.

The BarkadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon