Chapter 16: Bitches on the Go

341 4 3
                                    

Trust is a great force multiplier. - Tom Ridge

~

CHASIE's POV:

"Guys. CR lang ha." Paalam ko sa mga kaibigan ko na busy magpasikatan ng mga bagay bagay.. 

Nakarating na ako sa CR at naginahawaan naman ako ng konti.. Paglabas ko, nakita ko si Suzi at Xyzma na nagsasalamin..

Napatingin sila sakin kaya nagsmile ako..

"Oh My God. Huwag ka nga magsmile saamin. Nakakadiri ka." bigla nalang nasabi sakin ni Suzi.. Parang iba siya. Ano bang sinasabi niya? Hindi ko maintindihan! >__<

"Huh?" baka mali lang dinig ko. Nabibingi na nga ata ako..

"Nakakadiri ka!" inulit naman ni Xyzma yung huling sinabi ni Suzi pero mas malakas ngayon. At tama nga ako. Hindi ako nabibingi.. 

"Anong sinasabi niyo?!" medyo may inis sa tono ko. Kayo ba naman sabihan ng nakakadiri, dba? Tsss..

"Huwag ka nang magmaang maangan pa, Chasie! Sila Red na mismo nagsabi. Malandi ka pala.. Yuck! Naging close pa naman tayo." sabi ni Suzi na diring diri saakin.. Ano bang sinasabi nila? Ako? Malandi?

"Pumupunta ka daw sa bahay nila Red para magkita kayo ng kuya niya. At para malandi mo siya! Ikaw pa daw nag i-initiate ng kiss. At ang malala pa, sa harap pa ni Red!" ano bang sinasabi ni Xyzma? Ngayon ko lang siya nakita ng ganito. Ngayon ko lang siya nakita nagtaray. Shit! 

Saka, hindi na nga umuuwe si Red sa bahay nila eh. Paano ko naman gagawin yon?! Sobra naman ata si Red! >__<

"Hindi totoo yan!" sigaw ko sakanila. Pero hindi sila nagpaawat.

"Huwag mo nang ideny, Chasie. Si Red na mismo nagsabi saamin. Alam mo naman, close kami.." sabi pa ni Suzi gamit ang bitchy voice niya..

Parang hindi ko kinaya.. Sinabi ba talaga ni Red yun? Sinisiraan niya ba talaga ako? Bakit? Anong kasalanan ko sakaniya? Shit! 

"Oh well, hindi na namin kaya ang atmosphere. Lalo na't may kaharap kaming slut. Ang lakas ng loob pagsabihan si Bea ng malandi eh mas malandi naman pala siya.." pagpaparinig ni Suzi. 

Grabe na! Wala naman akong ginagawa sakanila ah. Ano bang problema nila? Ayaw ba nila akong kaibiganin kaya sinisiraan ako ni Red? Sabihin niya lang! Ako na mismo lalayo. Ang sakit. Siraan ka ng isa sa mga kaibigan mo na tinuring mo na ding kapatid. Shit..

Pagbalik ko ng room, nagtatawanan sila. Nung nakita nila akong umupo sa upuan ko, tumahimik sila. 

"Oh. Ba't ang tagal mo ata sa CR ah." sabi ni Red. Shet you! Huwag mo ko kausapin! Di kita kilala. Fvck you! >___<

"Chasie, okay ka lang? Namumutla ka eh.." sabi ni Chandria. Ewan ko kung pati siya kasabwat ni Red eh..

"A-ah.. O-Oo. Okay lang a-ako.." nauutal kong sagot sa tanong niya..

"Sure ka? Baka naman may sakit ka?" tanong pa ni Daniella. Eto sure ko kakampi to ni Red kasi lahat naman ng sikreto ni Red sinasabi niya kay Daniella eh..

Dumating na yung teacher namin at nagsimula na siyang magturo..

Hindi ko kinayanan tong umagang to.. Hindi nalang ako papasok mamaya.. Magkukulong nalang ako sa kwarto buong hapon. Bahala na. Basta ayoko sila makita! 

CHANDRIA's POV:

Ano kayang nangyare kay Chasie? ba't kaya bigla nalang siyang di namansin kanina. Absent pa siya ngayon.. Baka nga may sakit.. 

The BarkadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon