Chapter 9: Let The Battle Begin!

326 5 0
                                        

September 20, 2013


~


Suzi:


Ilang araw na akong mag isa sa bahay, kasi naman...

 Ilang araw na ding hindi umuuwe si kuya. Alam niyo yung dating sinasabi sakin lahat ng totoo na kapatid ngayon parang halos lahat tinatago na sakin. Ang sabi niya, uuwi daw siya pag ayos na ang lahat. Eh kelan ba maayos ang lahat? 2 weeks na siyang di umuuwi.


Katatapos nga pala ng play namin kahapon, and it was... fun. Kami yung 3rd highest. Madami ngang sinabi Sir eh. Sabi niya, maayos daw yung play namin, kaso nabubulol lang kasi kami. Hindi naman kami nagkulang sa emotion kasi nga feel na feel namin. Hahaha!

Alam niyo yung kahit acting lang yung pagsabi sakin ni jamie na ako mahal niya, parang totoo. Iba kasi yung tingin niya eh.. 

Akala mo matutunaw ka sa titig niya habang nagsasalita. Pero it was fun. Madaming nagsabi na may chemistry daw kami, bagay daw kami, ganon. 


Pero ngayon absent siya.

Nilalagnat raw sabi nila Red. Sabi ko pupuntahan ko siya mamaya kaso sabi nila huwag na daw kasi ayaw daw niyang may bumibisita sakaniya pag may sakit siya. Parang alanganin pa nga sila sa sinasabi nila eh.

Di kaya pati sila nagsisikreto na sakin? Hmmm. Huwag muna ako magsalita ng tapos. Malay nila ayaw lang nila akong mag alala. Ganon.. Ah basta. Ewan..


Hmmm. Ano kaya magandang gawin? Nag iikot ikot lang kasi ako. Nagchecheck kung may mga di kanais nais na pangyayare sa school na to. 

Ang hirap pala pag sainyo pinama tong school eh. Nasa Canada kasi parents namin. Eh saaming dalawa naman talaga ipinamana tong school at dapat dalawa kaming namamahala kaso busy masyado si kuya sa pagsisikreto sakin kaya ako lang. Hmp!


Nung napagod na ako, pumunta akong garden. May mga students din dito pero oonti lang. Naupo ako sa isang swing.

Naalala ko dito.. Dito kami nag aminan ni Jamie.. Hmmm.. Kamusta na kaya siya?

Nakatingin lang ako sa paa ko hanggang sa maramdaman kong may tao sa harap ko kaya napatingin ako sakanila.


"Oh lookie here. Bakit ka mag isa?" Tanong ni Shine na para bang nang-aasar.

"Asan si Knight in Shining armor mo??" Sabi pa ni Leila, isa sa mga kaibigan ni Bea.

"Siguro nagsawa na sayo si Jamie kaya di ka na sinasamahan." Tumawa naman silang tatlo sa sinabi ni Bea.

"Ano bang kaylangan niyo sakin?" Sa pagkakaalam ko, hindi ko naman sila inaano. Sila Daniella at Red lang naman ang kinakalaban niya dati, tapos ngayon pati ako na? What did I ever do to her?

"I want you to stay away from Jamie." Sabi ni Bea ng may pagbabanta sa boses. Layuan si Jamie? Bakit kung makapagsalita siya para sakaniya si Jamie?

"Hindi ko naman kayo inaano ah. At bakit ko sana lalayuan si Jamie? Wala naman kaming ginagawang masama." Sumbat ko.

"Pwede ba?!" Lumakas ang boses niya kaya napatingin saamin ang mga estudyante. "Akin lang si Jamie! Akin lang siya! Kaya lumayas ka sa buhay niya!"

The BarkadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon