September 18, 2013
~
Blake:
"Ble ble ble ble ble!"
Ugh! Kanina pa ako inaasar ng babaitang to ah. Kung di lang to babae pinatulan ko na siya. Kaso mabait kasi ako sa mga babae eh. Lalo na sakaniya.
"Huwag mo 'kong guluhin." Suway ko sakaniya. Trigo namin at wala na akong naintindihan sa lecture dahil sa babaeng to. Buti nalang magaling ako sa Math. Naks! Hahaha!
At ang malala pa, lumipat pa talaga siya ng upuan para lang makatabi ako at maasar.
"Ayoko nga.." Sabay belat pa saakin. Childish. Anong nakain nito?
"Tss."
Nanahimik siya saglit. Pero hindi ata nakayanan. Nagulat nalang ako noong bigla niya akong tusukin ng ballpen sa kamay. Napamura ako sa sakit. "Fuck!"
"Sshh!" Sinubukan ko siyang patahimikin pero tinawanan niya lang ako.
"Hahaha! What are you, a snake?" Loko loko talaga.
Okay.. I admit it. Ang cute niya ngayon. Ngayon ko lang nakita magganito tong batang to eh. Ano ba nakain niya at nagkakaganya siya? Sadistang pusa na isip bata. Dammit! Oo na! Siya na cute. Tama na. Baka maadik pa ako.. Lalo. Hahaha!
Hinila niya bigla yung right hand ko. Ano ba? Nagsusulat ako eh! Ano nanaman ba gagawin niya?
"Huwag ka magulo ha. Magtatatoo ako. Pag gumalaw ka masusugat kamay mo. Masakit." Para talaga siyang batang. Wait, what? Magvavandal nanaman siya sa kamay ko!
Pag ginalaw ko naman kamay ko uulanin ako ng tusok, kurot, suntok, kalmot. Aish! Kaya no choice ako. Jusko! Yung last nga na vinandalan niya kamay ko, nagdrawing siya ng malaking ribbon tapos nilagyan niya ng HELLO KITTY sa baba, kaya nung nakita ni Ate sabi niya bading daw ako.
Kung hindi rin kasi baliw tong pusang to eh. Haynako!
"Oh ayan! Tapos na." Nakangiti niyang sabi. Tinignan ko yung sinulat niya at halos manlaki ang mata ko.
"Anong ginawa mo?!" Medyo pasigaw kong tanong. Buti nalang nasa labas yung teacher namin, may kausap ata na ibang teacher.
Buburahin ko na sana kaso pinigilan niya ako. "Sige. Burahin mo yan makakatikim ka sakin.." pananakot niya.
Napabuntong hininga nalang ako.. Ano pa nga ba? Pag eto binura ko ngayon, kawawa ako. Kaya pagtyatyagahan ko nalang muna.
Kasi naman, naglettering siya ng I LOVE BARBIE sa kamay ko. And take note, pentel pen ang gamit niya. Aish!
Okay. So vacant namin dahil may contest na pinuntahan yung teacher sana namin sa Advanced Physics. May science fair kasi eh.
BINABASA MO ANG
The Barkada
FanfictionWrote this in 2015. Never had the chance to edit. I was just a child when I wrote this so forgive me for any grammatical errors, typos, failed attempt at humor, cliche parts, and etc.
