CHAPPIE 7 ♚

71.8K 2.1K 133
                                    

"1.......2.......3....... Surprise!" Bigla nalang umalis si Kodie sa harapan ko kaya nakikita na ako ngayon ni Andre na nanlalaki na ngayon ang mga mata.

"You two fooled me, grabe!" Bigla niya akong hinug. Urgh, ano ba kaseng meron dito sa dalawang 'to? Agad ko naman siyang itinulak.

For the nth time, fc talaga sila. "You shouldn't hug strangers." Saway ko sa kaniya. Ganyan ba siya bumati ng bisita?

"Hazel! Nandito ka na ulit." Hm? Nakabisita na ba ako dito noon? Ang weird pero hindi ko nalang pinansin yung sinabi niya.

Nabaling ang tingin ko kay Kodie, he nudged Andre at saka pinandilatan ng mata. Pagkatapos nun ay tiningnan na nila ako. Itinaas ko naman ang kilay ko. What now?

"Anong sabi mo kanina?" Tanong ko kasi para silang nagulat sa sinabi ni Andre.

"Ah, wala, sabi ko bukas punta ka dito ulit." Nag'aahh' nalang ako sabay pasok niya sa dining room. I guess I'm a bit deaf or something. Pero kakalinis ko lang naman ng tainga after taking a bath earlier.

"Oh, juice." Kakarating lang ni Andre na may hawak na juice. Pinaupo rin niya ako sa mahaba niyang sofa.

Tinanggap ko naman iyon agad at nagpasalamat. Wala naman sigurong lason ito ano? O gayuma or something? Bahala na, nakikain din naman si Kodie sa amin. At sa tingin ko, hindi naman siya nag-isip ng kung ano. Ang lakas pa nga ng kain niya kanina.

Nagtungo si Andre sa kama sa tapat nitong sofa. Tumabi naman si Kodie sa kaniya. Inubos ko yung juice na nasa glass na baso at saka pinunasan yung bibig ko.

Napansin ko naman yung mga suot nila. Kahit dito sila sa RA nakatira, o kahit mukhang mayaman sila or what, simple lang ang suot nila. T-shirt lang at faded jeans.

Nakagray knitted sweater naman ako at saka black leggings

"Why hug strangers?" I asked, at saka inilapag yung baso sa maliit na bilog na lamesa.

"Excited lang kasi atlast nakita na rin kita." Nakangiting sabi niya.

"Ahh, I thought that's your way to greet people or stuff." Sabi ko at saka ginantihan siya ng ngiti. Pinakiramdaman ko yung sarili ko lalo na yung tummy ko, hm, wala namang kakaiba. Wala sigurong lason.

Tumayo ako at saka umupo na rin sa kanila sa gilid ng kama.

"Does the two of you knew who's Dyana?" I asked. Mabisita nga iyong babaitang iyon. Ang tagal na rin naming hindi nagkikita.

"Dyana Flores? Yung bestpren mo?" Sure naman akong kilala ni Andre si Dyana, kinuha nga nito ang phone nito ng walang paalam at saka nakibasa ng text message ng iba, remember? Naninigurado lang ako kung siya nga.

"Do you know where's her room?"

"Nope." Kodie answered at saka maayos na nagindian seat sa kama ni Andre.

"Hmm, I should text her then." Sabi ko sa sarili ko at magtetext na sana kay Bestie nang,

"Amin na nga yan." Nang..kuhanin ni Andre ang phone ko. Oh great. Nanakawin ba niya yun? Ibebenta?

"Hey! Give me back my phone!" There's no way na hahayaan ko siyang kunin ang phone ko. Nangangapa kaya ako sa pera! Paano kasi, ang pera na naiipon ko nagagastos ko lang agad dahil nilalandi ako ng food. Nakakahiya ding manghingi ng manghingi ng pera kay Auntie.

"Wag mong sasabihin na nandito ka at kasama mo kami." Tinaas niya yung phone at tumayo ako para kunin. Bumaba siya nang kama at tumakbo papunta sa likod ng sofa.

Royal Academy ♚Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon