CHAPPIE 65 ♚

27.3K 701 47
                                    

Hazel's Pov






Papunta na kaming pamilya sa Royal Academy. Kasalukuyan kaming nakasakay sa griffin. Si Mom and Dad nasa isang griffin, at kami naman sa isa ni Kuya. Si Vieve biglang nagkaroon ng biglaang emergency kaya baka daw ma late siya. Sayang naman kung di siya makapunta noh. Balik tayo sa sinasakyan namin, I don't know kung anong tawag dito, basta para siyang kalesa pero griffin, hindi horse. And guess what, traffic dito sa langit. Kidding Hahahaha!

Nakwento ni Dad na mahilig daw sila sa adventure like me. Magpamilya talaga XD

Dahan-dahan kaming pababa and we landed safely sa harapan ng malaking gate ng R.A. Nakabukas ang gate dahil maraming mga pumapasok galing sa iba't-ibang kingdom. And demn, lahat ng nakikita ko maitsura. Ghadness! Sabagay, ano pa bang aasahan ko diba? Pinakamahal at pinakasikat na school 'to duh!

Nilahad ni Kuya ang kamay niya. Hindi ko alam na nakababa na pala siya, busy kasi ako kakalibot ng tingin sa paligid. Ang ganda kasi! Maraming fireflies ang nagkalat sa paligid. Kalat-kalat sila na parang lanterns. ( A/N. Naaalala ko yung scene ng Tangled, ghad😍 And atlast I see the light~😂🎶 *coughs* tama na, tama na😂 )

Agad kong tinanggap ang kamay ni Kuya. Pormal na pormal ang suot niya ngayon. Pang prince talaga na damit. Yung perpektong kilay niya, his dazzling eyes, his pinkish lips, his hair--- mayghad, ang gwapo ng Kuya ko.

"Baka matunaw ako niyan, Little Sissy?" Sabi niya sabay pout. I nudge him na ikinatawa naming dalawa. Hinawakan ni Mom ang kamay ko. Kumapit naman ako sa braso ni Kuya at sabay nang pumasok

"Oh, doon muna kami sa mga amiga namin. Enjoy sweethearts!" Mom kissed our cheecks at niyakap naman kami ni Dad saka sila nagpaalam.

Hinila ako ni Kuya papunta sa isang round table. Naroroon si Luke na may katabing babae. Si Rex naman, nakatayo malapit kay Luke at kausap ang parents niya yata? Hindi naman nahagilap ng mata ko si Kodie at Cymon. Nasaan kaya sila?

"Oh, par! Hazel! Si Grandma and Dad nga pala." Pakilala ni Rex sa kausap niya. Nagbow kami ng 90° ni Kuya habang nakangiti sa kanila.

"Hello po." Bati ko.

"Hi rin po." Bati naman ni Kuya. I can't believe na Grandma niya yun. Parang mid 30s palang! At halatang-halata naman na maganda ito.

Ang tatay naman niya, medyo hawig niya. Pareho rin yung tangos ng ilong. Matipuno ang tatay niya.

"Sila ba yung mga apo ni Harold?" Tanong ng grandma ni Rex sa kaniya at tumango naman ito. I believe that it's my Grandpa, yung tinutukoy niya. I wonder where is my Grandparents? Wala akong matandaan na nakita ko sila. I mean, nakita ko nga si Grandma doon sa paraiso pero hindi ko nakita ang mukha niya kasi medyo nakatalikod na rin siya sakin nun. And si Grandpa naman, boses niya lang ang narinig ko.

"Manang-mana sila sa Lolo nila. Parehas na maitsura." Hindi parin napapawi ang aking ngiti.

"Kahit hindi ho ako magmana kay Lolo, gwapo parin ho ako." Magalang na sabi ni Kuya sabay tingin sakin. Bahagyang napatawa naman ang Lola ni Rex at namaalam na sila.

"Kung ano-anong pinagsasasabi mo *chuckles*" Napailing na rin ako. Ang bongga naman nito. May red carpet sa gitna. Maayos na nakadesign ang stage. May mga estudyante ring malapit doon na nagpapabuga ng iba't-ibang kulay ng usok sa paligid. Yung iba naman, gumagawa ng ilaw at nilalagay sa gilid ng stage.

May mga waiter at waitress din. Medyo malakas rin ang tugtog ngunit hindi naman nakakabingi.

And kung ano ang napili kong Gown? Color purple siya pero hindi gaanong kalobo unlike sa ibang gowns na nandoon. May sparkles din na ikinaganda nito. (*-*)

Kumuha ako ng wine sa dumaang waiter at uminom ng konti.

Umakyat si King Austria sa stage at bumati. Nagbow naman ang lahat pagkatapos niyang bumati, including me.

"Happy 103rd anniversary! Bago ang lahat, mamayang 6:00 sharp, magsisimula na ang fireworks display." Masayang sabi niya habang abot langit ang ngiti nito. Tumigil siyang saglit at nilibot ang tingin sa paligid. Pumalakpak naman ang lahat. "I'm amazed. Even though may mga matitinding war na naganap dito... maayos paring nakatayo ang paaralang pinatayo ng great grandparents ko. Thankyou for axhcjccn" Hindi ko na narinig ang sinabi ng King dahil may tumakip ng kung ano sa mata ko at hinila ako kung saan. Hatak-hatak niya ako pero maingat. Ramdam ko yung lambot ng kamay niya.

At pamilyar din sakin ang amoy niya. Kaya hindi na ako nagabalang tanungin pa siya. Saan naman kaya niya ako dadalhin? Ilang sandali lang at huminto siya at tinanggal ang blindfold. Nakita ko naman ang fountain na may makukulay na ilaw. Maraming mga paru-paro sa paligid, maraming rosas. Ang mga puno nama'y tila sumasayaw ma sumasabay pag-ihip ng hangin. Ang ibang makukulay na dahon nito'y dahan-dahang nalalaglag na ikinaganda ng paligid. Hindi pa naman masyadong madilim. Tingin ko mga 5:30 palang yata.

Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang aking kamay. Seryoso ang kaniyang mukha habang nakatitig sa fountain. What's up with him? It looks like he's not in the mood. Blanko lang ang mukha niya. Wearing his poker face. Tinitigan ko siya. Maayos na nakagel ang brownish na buhok niya, ang mga mahahaba niyang pilik mata, ang matangos niyang ilong, ang maputing balat niya, ang labi niyang mapula at iba pa.

Tumikhim siya at biglang nagsalita na ikinayuko ko. "I remember the first time we met and you were irritated on me 'coz Imma reading your mind and it was cute." Napataas naman ako ng kilay. Sa halip na mainis, na-sweetan ako sa sinabi niya. Pero nananatili paring blanko ang mukha niya. "Yung unang araw na pagtapak natin dito sa R.A., tinitingnan kita and you were beautiful.. yun yung oras na nagsimula na akong mahulog sa'yo. Yung oras na nasa Training Center tayo and Andrei was too close to you holding your hand. I felt like I wanna punch someone that time." My mouth went 'o'. He sighed and shrugged.

"Naisip ko na baka ikaw nga yun kaso I have no proof. Yun pala, ikaw nga talaga. Yung ginamot ko dati sa play ground, yung childhood friend ko. I didn't expect na makukuha ko yung matagal ko nang hinahangad na makuha. But.." tumayo siya palapit sa fountain at sumunod naman ako sa kaniya at dahan-dahang sinawsaw ang kamay niya sa tubig nito.

After minutes of silence, he spoke.

"Let's stop this," sabi niya. Teka, anong ititigil!?

"S-stop what?" Sana hindi itong nasa isip ko. Sana hindi!

"I don't wanna be your boyfriend anymore." Then tears escaped sa mata ko. Hindi ako makatakbo kaya naupo ako sa gilid ng fountain. Tinakpan ko ang aking mukha at humikbi. Kinuha niya yung right hand ko at----



Itutuloy....





***
A/N :

Ge, dadagdagan ko pa ng Chappie bago mag-epilogue para sa inyo. 😘

[ Vote. Comment. Share ]

Royal Academy ♚Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon