CHAPPIE 16 ♚

57.5K 1.8K 31
                                    

Dedicated to : namnemostarrr

------





Umalis na silang lahat, nagpaalam na magtetraining daw sila. Nabanggit na rin naman nila sa akin ang mga rules. Katulad nga ng sinabi nila tungkol sa mga mahika at iba pa.

Nabanggit rin ni Cymon kanina na puros mga teachers daw ang nasa kabilang side na rooms, sa tapat nitong building.

Dito naman daw sa kabilang side yung mga Special Royalty Group o SRG. Pinagsama sama nila ang lahat daw nang malalakas na students at nilagay dito sa parteng ito.

For safety and para wala daw destructions na mangyari. Mahal daw kasi itong school building na ito kaya pinapangalagaan nang lahat.

Hays, sa tingin ko katiting palang ang nalalaman ko sa eskwelahang ito.

I need to go to the library. I need to study history lessons. Kailangan ko rin ng books tungkol sa rules nang school.

So, I ran towards the mirror and scanned myself from head to toe. Baka kasi ako lang ang naiiba, remember, puros mayayaman ang nandito.

Perfect naman ang look ko kaya, pwede na. Teka, saan nga ba yung library? Tsaka saan ko nga kaya nalagay yung phone ko?

Naayos ko na naman kanina pa yung mga dala kong gamit. Kinuha ko ung phone ko sa drawer.

To Andre :

Hey Andre, Where's the library? (>_<)7

Sorry sa distorbo.

Umupo muna ako sa puting puti ko na kama. Ilang minutes bago siya nagtext.

From Andre :

Downstairs. Right corner.

Ano ka ba? Never kang magiging distorbo. ;)

Napangiti nalang ako sa text niya. Nilagay ko yung phone ko sa pocket ko and lumabas na ako nang room. May mga estudyante, inutusan lang yata sila. Kasunod kasi nung iba yung teachers.

Bumaba ako nang hagdan, at nagtungo na sa library. Madali lang naman pala makita. Thanks nalang kay Andre.

Nakahinga ako nang maluwag nang makita na walang estudyante dito sa hallway. Nasa klase yata ang lahat nang estudyante.

Pumasok na ako sa library, may mga pangalan ng mga category ng books na nakafloat sa ere. Kaya madali kong nahanap yung history section.

Karamihan ng estudyante na nandito sa library nakaglassses, adik na rin yata sa libro.

Nagstart akong maghanap. Nakahawak yung isa kong kamay sa mga libro at ang isa naman ay nakababa lang. Patuloy lang ako sa paglalakad. Nakafocus mga mata ko sa title nang book.

Aha! Royal Academy!

Kukunin ko na sana nang,

"Ooops, sorry." Paumanhin niya. Binitawan na niya. Tiningnan ko siya at nagulat ako sa nakita ko.

"Bestie." Bulong ko. Napatingin naman siya sa akin nanlaki yung mga mata niya at nahulog niya yung iba niyang dala na libro.

Tumawa naman ako nang mahina at kinuha yung mga nalaglag niyang libro. Tiningnan ko isa-isa. Tungkol sa Royal Academy at sa mahikang hawak niya.

Bigla niya akong hinug at tumalon-talon pa.
"Oh M Gee!" Tili niya. Then biglang may nag'shhhh' kaya napatakip siya sa bibig niya. Kumalas siya at nagpeace sign.

Royal Academy ♚Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon