CHAPPIE 41 ♚

40.3K 1K 64
                                    

Dedicated to : jorenn_10





Hazel's Pov





Gabi na at nandito na ako sa kama ko, nakahiga. Isa-isa kami ng room dito sa training center kaya sobrang tahimik dito sa room ko. Sinara ko na nga yung ilaw para makatulog na pero hindi parin ako mapakali sa higaan ko.

Naiiyak na ako, hindi ako makatulog!

I'm pretty sure na tulog na yung mga kagroup ko. Hays, buti pa sila. Humihilik na nga yata silang lahat ngayon.

Dahan-dahan akong umupo, at hinawi yung buhok na nakatakip na sa mukha ko. I turned the lamp on.

"Can't sleep." Mahina kong sambit. Tumayo ako at nagsuot ng sweater. Balak kong lumabas o maglakad-lakad kahit saan. Sakaling mapagod ang mga mata ko kakalibot ng tingin at makaramdam ako ng antok.

Dahan-dahan kong binuksan yung pinto at walang ingay ko rin itong sinara. Nagpamulsa ako palabas.

Nandito na ako sa labas ng TC. Hinawi ko yung mga buhok na napunta sa mukha ko, malakas at malamig ang simoy ng hangin. Kailan kaya kami babalik ng RA? Nakakamiss na ring mag-aral ng iba't ibang tungkol sa magics.

"Hey," I heard someone spoke. Dali-dali ko siyang nilingon kung tama ba ang hinala ko kung siya nga. Hinawi ko ulit yung buhok na napunta sa mukha ko at tumingin na sa kawalan. "Why are you here?" Tanong niya.

"I can't sleep, ikaw?" I asked, sabay tingin na sa kaniya. Napabuntong hininga muna siya bago sumagot ng tipid.

"Same." He said then tuminigin na siya sakin. Few seconds kaming nagtitigan at after nun, tumingin na ulit ako sa kawalan. Ilang minutes na ang nakakalipas at hindi parin kami nag-iimikan. Naaawkwardan na ako kaya, tumalikod na ako at nagsimula nang maglakad. But, I suddenly stopped after hearing him speaking.

"Yung feeling na, sobrang kinakabahan ang isang tao na baka talikuran at hindi na siya pansinin kapag nagtapat siya," Sabi niya. Dahan-dahan ko siyang nilingon hanggang sa magkaharap na kami ngayon.

"What do you mean?" I asked, he sighed again then nagpamulsa gaya ko.

"You know a girl and a boy. Once lost but then found. Same feeling parin ang nararamdaman niya after all these years hindi nagbabago." Pagpapatuloy niya and then, nilagpasan na niya ako at bumalik na sa Training Center. Bigla naman akong naguluhan sa mga sinabi niya.

Ano daw? Bakit parang bigla nalang siyang naging weirdo.




----Kinabukasan---





Nandito na ako sa harapan ng pinto ni Kodie. Nag-aalanganin kung bubuksan ko ba o hindi. May gustong-gusto kasi akong itanong sa kaniya. About doon sa sinabi niya kagabi urgh! Yeah, si Kodie yung kausap ko kagabi.

Anyway, I feel something about sa thingy na yun, aish! Nakahawak lang ako ng matagal sa door knob. Nakasandal ang ulo sa pinto at hindi alam kung bubuksan ba ito o hindi.

Then, bigla nalang akong muntik nang mapadapa. Glad na na-stop ko yung pagfall ko by flying. Nakalutang na ako ngayon at siya naman nakaquestioning look habang nakatitig sakin.

Nakagloves siya na pangluto, at nakaapron siya na ikinataka ko. Magtatanong na sana ako nang bigla siyang magsalita.

"Look what you did." Sabay turo niya kung saan at sinundan ko gamit mata kung saan siya nakaturo. Nanlaki nalang ang mga mata ko nang makita ko yung door knob.. kulay pula at orange na dahil sa init. Bakal kasi, mabuti hindi na melt.

Luh, biglaan nalang ba yung pagapprove samin ng teachers na gumamit ng mahika? Wala nang sabi-sabi ah.

"Sorry!" I said, then, hinawakan ko nang muli yung door knob at hinigop sa kamay yung init. Nang mawala na, nakatitig parin ako doon.

"Why are you here?" He asked. Dahan-dahan akong napatingin sa kaniya.

"I have a question, about doon sa sinabi mo kagab--" he cut me off, by covering my mouth. Kaya hindi na ako nakaimik pa. Napangiti nalang siya at tinitigan ako for few minutes tsaka siya nagsalita.

"Forget it." Ang tangi lang niyang nasabi at nagtungo na sa kusina. Napakamot nalang ako sa ulo ko, at sumunod na sa kaniya.

"Kapag ba may nalaman kang masakit tungkol sa lahat, kaya mo bang magpatawad?" He suddenly asked, hindi pa ako nakasagot agad dahil busy ako kakatingin sa niluluto niyang pangbreakfast.

"Teka, marunong ka na?" Gulat na tanong ko. Last time hindi pa siya marunong nun ah. Ngayon, mukhang easy-easy nalang siya sa pagfry.

"Frying palang talaga still studying." Nanlaki naman akong napatingin sa kaniya. He glanced at me and then he chuckled.

"Self-study?" I asked then he nodded. Then, pinanood ko lang siyang maghain. Ang hot niyang tignan with his fitted shirt.

"Yeah."Ang galing naman niya kung self-study lang.

"Hey, mind to answer my previous question?" Tanong niya, and napakamot nalang ako sa batok ko.

"Idunno. Depende na siguro yun sa sitwasyon." Sagot ko na ikinibit balikat lamang niya at inurong niya paatras yung upuan at tinitigan ako. Ginalaw niya yung upuan at naggesture na umupo na ako doon. Umupo naman ako at agad siyang nagtungo sa harapan ko.

"Hey, paano nalang kung hindi ako pumunta dito? Edi sobra-sobra yung niluto mo." Then, sabay pa kaming sumubo ng pagkain.

"Napansin ko kasi yung door knob na gumagalaw pero, hindi naman bumubukas.  And alam ko na naman na ikaw yun dahil nabasa ko." Napatakip naman ako ng mukha sa kahihiyan. Tsk, here he goes again.

"Haha." Napaface palm nalang ako. Bwisit kasi, bigla-bigla nalang iaapprove yung paggamit ng mahika ng hindi sinasabi sa amin. Okay sana kung may warning.

Mahina siyang natawa na ikinainis ko naman.

"Takte, nagbabasa ka nanaman." Binilisan ko nalang yung pagkain ko.

Nang matapos na kami, tumayo na kami at niligpit ko na yung pinggan. Tumulong na rim siya. Nagsimula na akong maghugas at tumulong na rin ulit siya. Tumabi siya sakin, at siya na nagbanlaw.

"Okay ba luto ko?" Tanong niya na agad ko namang sinagot sa pamamagitan ng pagtango.

Biglang may tumikhim sa likuran namin at paglingon namin nakita namin sila Luke, and Rex.

"Ang saya niyo ah." Pang-aasar ni Rex at inirolyo ko naman ang mata ko.

"Psh." Poker faced na sabi ni Luke. Then, tumalikod na siya at lumabas. Nagtinginan kami then we all shrugged.

"Teka," Excuse ko kay Kodie, nagpunas na ng kamay at dali-dali nang hinabol si Luke. Hanggang sa makita ko na siyang nakaupo sa puno. Naglakad ako papunta doon at tumabi na sa kaniya.

"Why?" Bumuntong hininga siya. In-activate niya yung weapon niya saka isinaksak yung sword niya sa... lupa sa tabi niya.

"I don't know," Tinuro niya yung part ng chest niya kung nasaan yung heart. "Maybe this knew why." Tiningnan ko yung tinuro niya at ngayon, alam ko na kung bakit.





____
A/N :

I don't know kung bakit ang hilig kong mambitin xD I'm sorry royalties.

Royal Academy ♚Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon