Biglang tinakpan ni Kodie and Luke yung bunganga ni Cymon. Ewan ko nga kung bakit. Teka, baka alam na nilang gusto ako ni Luke?
"NINO!?" Sigaw namin nila Andre and Rex. Ipinaglipat lipat pa ni Andre ang tingin niya sakin saka doon sa tatlo.
Wala ni isa sa kanilang tatlo ang nag-salita. Pinagbantaan nilang dalawa ni Kodie and Luke si Cymon na 'wag magsalita at binaba na yung kamay nila.
"Kaya nagustuhan ka ni Gerda e." I raised my eyebrow. Nagtinginan kaming tatlo nila Kodie and Luke.
Who the heck is Gerda? Girl na name yun ah?
"Who's Gerda?" Biglang tanong ko sabay hawi ng tumakas na buhok papunta sa mukha ko.
"Pinsan ko. Pinakita ko yung picture mo sa kaniya. Sabi niya she likes you daw. Number one fan kuno ng group natin. Tch." Napayuko nalang kaming tatlo while ako nakahawak pa sa ulo. Akala ko si-- urgh, nevermind. "Teka, bakit ganun nalang kayo magreact? Sino bang nasa isip niyo?" Napatingin nalang ako kay Cymon. I was about to react when Andre spoke.
"Hmm. Kayong tatlo ha, may tinatago ba kayo sakin, sa amin?" He asked. Masyado na ba kaming pahalata? Ewan ko naman kay Kodie, bakit kasama siya sa nagtakip sa bibig ni Cymon? Teka, wala naman sigurong alam si Kodie sa amin ni Luke noh?
Napatingin ako kay Luke. Posible kayang sinabi niya kay Kodie yun? Teka, hindi naman siguro dahil mukhang hindi sila close.
Lumabas nalang kaming tatlo. Then, no choice nalang sa kanila kasi hindi talaga kami sasagot. Napakamot nalang sa ulo si Andre.
May nabunggo naman ako kasi, nakatingin lang ako kay Andre. Nilingon ko siya at nanlaki yung mga mata namin.
"Bestie/bes?" Sabay naming gulat na tanong, napakamot nalang ako sa ulo ko. Tiningnan niya kung sino yung mga kasama ko. Nakataas na nga ang kilay niya ngayon.
"So tama sila. Kailan pa bes?" Tanong niya nang blanko ang mukha. Mukhang galit na, lagot ako nito.
I sighed, "Since nung nasa mansion palang ako ni Auntie." Napanganga nalang siya.
"Ang tagal na ah? akala ko ba walang sikretuhan? Anyare dun sa promise natin noon? Ha?" I was about to answer when she run away, crying. Napataas nalang ako ng kamay ko. Pipigilan ko sana kaso, pinigilan naman ako ni Kodie. Dahan-dahan kong binaba yung kamay ko.
"My fault." Mahina kong sambit. Inakbayan naman ako ni Andre.
"Cymon, pakisabi nalang sa kaniya 'sorry'." Sabi ko kay Cymon nang mapansin nakalabas na pala ang lahat. Tumango lamang ito saka sandaling tinapik ang balikat ko. Sana hindi pa huli na mapatawad niya ako.
'Hazel.' Narinig kong pagtawag ni Luke sa pangalan ko. Agad ko naman siyang nilingon pero agad naman siyang nag-iwas ng tingin.
'Why?' Nagsimula na kaming maglakad papunta sa elevator. Akbay parin ako ni Andre.
'Hm, sorry nga pala.' Napayuko naman ako doon at pinagsiklop yung kamay ko. Remembering that scene m-- *sigh* Hindi ako umimik. I wonder why did he left me there. Masakit kayang mag-isa. 'Sorry kasi, iniwan kita doon. Masakit kasing nakikita kang umiiyak.' Ah, so that's why. Pero medyo kinilig ako doon ah? Ng very very slight.
Nakapasok na kami sa elevator. Hindi pa ako sumagot hanggang sa palabas na kami nang exit. 'Okay lang.' Nakita kong nagcurve medyo yung bibig niya pero maya-maya'y bumalik lang ito ulit sa dati.
"Hay, panibagong sugat nanaman sa katawan!" Sigaw ni Andre saka sandaling nagunat, maya-maya rin ay ibinalik niya yung braso niya sa balikat ko.
BINABASA MO ANG
Royal Academy ♚
FantasyThis is about a girl with a very simple life. Until that day came... A day she needs to face... That day changed her life... That day was entering the ROYAL ACADEMY... ENJOY! #ThisIsTrash #NoToSpoilers Start : [ April 14, 2016 ] End : [ Dec. 14, 201...