CHAPPIE 27 ♚

46.1K 1.4K 97
                                    

Biglang may naramdaman akong natapik sa balikat ko. Dahan-dahan akong dumilat. Si Kodie pala.

'Why?' I asked, nakadagan na yung ulo ko sa balikat niya kaya inalis ko agad yung ulo ko doon. Kinusot-kusot ko yung mga mata ko. Nakaidlip pala ako, hindi ko na namalayan.

'Magready ka na, we're almost there.' Tumango lang ako bilang sagot. Tiningnan ko yung view sa labas. Wow. Ang ganda! Pababa na kami! Yieeee!

'Kakagising lang ang ingay na ah.' Tiningnan ko agad si Andre. Nagpeace sign nalang ako. Then, binaling ko na ulit yung tingin ko sa labas.

"Almost there." Kinakabahan na bulong ko sa sarili ko. Tiningnan ko yung mga kamay ko, nanginginig. Ngayon lang yata ako kinabahan nang ganito.

Pinatong ko nalang yung mga kamay ko sa lap ko. Ayaw tumigil sa pagnginig eh.

Hinawakan naman ni Kodie yung kamay ko, squeezing it. Medyo nalang yung kaba ko ngayon sa ginawa niya.

'Thanks.' I said, smiling. He smiled back naman at ganun lang ang posisyon namin hanggang sa makababa na kami nang tuluyan.

Napatingin ako saglit kay Luke. I caught him staring at our hands na magkahawak. Tumayo na si Kodie at tinanggal ko na yung kamay ko, then tumayo na rin kami nila Andre. Last na tumayo si Luke. Lumabas na kaming lahat, pati yung mga teachers.

Nasa likod ko ngayon sila Cymon at Rex na mukhang excited na sa pitong araw na paglalaban.

'Ganda.' I said, smiling at Andre.

'Yeah right.' Ani Andre. Kung umakto siya para siyang isang kuya or ka-relationship ko. Parang sanay na siya sa mga ganito.

'May kapatid ka ba?' Tanong ko sa kaniya na ikinakuha ko sa atensyon niya. Pabalik-balik lang yung tingin niya sa magkabilang mata ko.

'Yes?' Nagtataka naman akong tumingin sa kaniya. Bakit patanong? Bakit hindi naman siya sigurado?

'Parang hindi mo yata alam kung may kapatid ka o wala?'

He sighed for a moment.'Ang sabi nila kasi, nagkahiwalay daw kaming magkapatid. Babae daw yun. Ewan ko, namin.. kung nasaan na siya. Sana nga makabalik na siya sa castle, sa amin.' Napahawak naman ako sa chin ko. Kung ako kaya may kapatid na hindi ko kasama ngayon, ano kaya ang mararamdaman ko? 'Kaya nga tinuturing kitang kapatid kasi kasama ka dito sa grupo at isa pa babae ka.'

"Woah. Thanks." Hinug niya ako patagilid, nang saglit lang.

"Welcome." Sabi niya then nakapasok na kami sa isang malaking glass door. Pagkapasok namin, napanganga nalang ako.

"Deeeeng! Are you Alzea!?" Biglang sumulpot sa harapan ko ang isang cute na babae. May hawak itong phone saka may dalang shoulder bag. Hindi siya nakauniform katulad namin kaya nakapagtataka lang.

"Yes. Why?" Siguro 14 years old na yata siya. Kanina pa siya nakangiti ng malapad, ang cute talaga niya! >•< Ang sarap niyang kurutin!

"I'm Gerda po, kuya Cymon's cousin!" Then she hugged me. Binaba naman ni Andre yung kamay niya. Kumalas na si Gerda pero talon parin siya nang talon. May hawak siyang phone at binigay sakin. Nagtaka naman ako doon. "Pwedeng makuha yung number mo po? Magselfie na rin po kayo diyan para mas maganda. Kyaaaaah!" Napatingin ako kay Cymon na ngayon ay nakasapo na sa noo niya saka umiiling iling.

'Ginawa niya rin ba 'to sayo?' Tanong ko kay Andre while typing my number sa phone ni Gerda.

'Oo noh. Lahat kaya tayo ginaniyan niya. Baliw na bata, nabaliw sa kagwapuhan ko. HAK HAK HAK.' Sinave ko na yung number ko at nagselfie. Pero, sa pangalawang shot. kaming dalawa ni Gerda, nahiya pa nga siya. Tapos, sa pangatlong shot, kaming dalawa nalang ni Andre.

Then, binigay ko na sa kaniya yung phone niya sabay tapik sa balikat niya. Para siyang kinkilig o naiihi na ewan. xD

Biglang may lumapit sa amin isang grupo sila. Nanlaki yung mga mata ko. Bakit sila nandito!? :0

"Whoa. Alzea!"

"Hazel! Woooo!"

"Hai classmate!"

"Hazel namin!"

"Classmate!"

Lahat ng kaklase ko nandito! Huwaw bakit sila nandito? Anong meron?

"Why are you all here?" Masayang sambit ko. Abot langit ang ngiti. I kinda miss them, well some of them. Lalo na si Alexandra na dating seatmate ko na kinawayan ko. Sinuklian niya lang ako ng mahiyaing ngiti.

"Bakit? Ayaw mo? Lol!" Napangiti nalang ako sa sinabi nung isa.

"Alzea!" Narinig kong tawag ni Syndie. Lumapit siya sakin then she hugged me. Bati na talaga kami.

"Hi!" Bati ko sa kanilang tatlo. Ngumiti lang naman sila.

"Mga Hazel fans 'to!" Sigaw naman nung isang lalaking nagngangalang Karlos.

"Tsk. Mga plastic! Parang dati lang hindi niyo pinapansin masyado si Hazel ah?" Sigaw ni Andrei at hinawakan yung kamay ko. Nagsitawanan naman sila. Tapos dinumog naman ng mga babae yung mga kagrupo ko. Pero maya-maya rin ay inawat sila nung mga teachers. "Nahawakan ko ulit yung kamay mo." Bulong niya. Binatukan ko naman siya.

"Loko ka." Sabi ko.

"Miss us?" Tanong niya agad naman akong tumango.

"Yes, pero, ikaw? Hindi." Natatawang sabi ko. Napataas naman yung isang kilay niya.

"Weh? Namiss mo ako e." Siniko niya pa ako ng marahan sa gilid.

"Oo nalang." Nag'yes' naman siya at sumuntok pa sa hangin.

'Hazel!' Sigaw ni Kodie. Nilingon ko naman siya at naggesture siya na lumapit na ako sa kanila. Tumango naman ako sabay okay sign then, binitawan na ako ni Andrei then, nagpaalam na ako sa kanila. Umupo silang lahat doon sa taas. Parang arena kasi dito. Then, tumakbo na ako papunta kay Kodie.

"Lumalandi ka ha." Sabi ni Andre. Binatukan ko naman siya pagkatapos niyang sabihin yun.

"Luh, hindi noh." Angal ko. Hindi naman talaga e. :3

"HHWCC." Singit ni Cymon. Ang sarap nga batukan eh. Nagtungo naman ako kay Kodie.

"Oh? Bakit?" I asked him. He's glanced sa classmates ko then he looked at me.

"I heard lumalandi ka daw." He teased. Binatukan ko rin siya. Hmp!

"Kung umasta kayo parang mga boyfriend ko kayo ah?" Naggesture ako na parang hinahamon siya by leaning closer sa kaniya. He just smirked then, lumayo na ako.

Hinawakan niya yung kamay ko na hinawakan ni Andrei kanina. Then, pinagpagan niya yun. May parang kung ano naman akong naramdaman na hindi ko maintindihan.

"May germs na tuloy yung kamay mo." Natawa naman ako doon. Ang oa nila, pramis.

"Dati pa naman may germs 'to ah." Pinapagpagan parin niya.

"Nah. Wala yan dati." Binawi ko na yung kamay ko. Binatukan ko siya ulit. Bigla naman akong hinila ni Luke papunta sa tagong lugar.

Nakarating na kami doon at hawak-hawak niya parin yung kamay ko. Nakasandal kaming dalawa dito sa dingding.

"Nagseselos ako." Share niya. Nakakapanibago lang kasi, nagshe-share na siya nang feelings niya pati madalas na rin siyang magsalita.

"Magkaibigan lang naman kami." Pagsasabi ko ng totoo.

"Chumachansing yun eh. Ang manhid mo talaga." Nanlaki ng bahagya yung mata ko. Manhid nga siguro talaga ako. Hays.






"So tama nga ang hinala ko na gusto niya ako?"

Royal Academy ♚Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon