CHAPPIE 38 ♚

40.2K 1.1K 17
                                    

Pabalik na kami ng R.A. dala si Empress. Kumirot kanina ng konti yung likod ko sa hindi malamang dahilan. Hindi ko lang yun pinansin.

Siguro nga kasi kaya sumakit, kasi binigla ko ang katawan ko. Plus binuhat pa ako sa balikat. Hindi pa nga tuluyang gumagaling ang sugat na natamo ko.

"Saan niyo ako dadalhin mga brats? Pamangkin, tulungan mo ako." Kung kanina, nagdadalawang isip pa ako sa desisyon ni Kodie na makaharap niya si Auntie.

Hindi ko kasi nun matanggap na kay Auntie ang balang yun. Pero ngayong may pruweba na—na ginamit ko pa nga sa pakikipaglaban—wala na akong nararamdamang awa sa kaniya.

I did not respond. Manigas siya diyan, pwe.

Andre—who's near me—suddenly grab me palayo sa malapit sa pwesto ni Auntie. Nagulat nga ako doon at muntik nang mapatumba, mabuti na nga lang at napakapit ako sa kaniya sa gulat.

Saka hinigpitan niya yung hawak sa akin kaya pasalamat at hindi ako lumanding sa lupa. Nang ibalik ko ang tingin ko sa pwesto ko kanina mas nagulat ako sa nadatnan, muntik na pala akong masaksak ni Auntie. That was unexpected! Saan galing ang kutsikyong yan? Hindi siya ordinaryong kutsilyo.

Ang hawakan niya gaya ng ordinaryong kutsilyo pero imbis na matalas at kumikinang na knife blade, isa itong parang lighting na kakulay ng mahika niya.

Nagulat kaming lahat doon dahil hindi talaga namin yun inasahan, pasalamat nalang ako at mabilis kumilos si Andre, kundi magkakaroon nanaman ako ng panibagong sugat or worse.

Hindi namin namalayan na dalawa pala yung kutsilyong hawak niya. Nahiwaan niya yung kamay ni Kodie na nakahawak sa posas niyang kamay. Mabilis na gumalaw si Cymon, para nga siyang si flash. Pasalamat ako at nakuha niya yung dalawang kutsilyo.

Nasira ni Auntie ang posas na hindi ko alam kung paano niya nagawa. Basta nahuli ko nalang ang nakakuyom na kamao niya sa magkabilang gilid.

Nilabas namin yung mga weapon namin at sabay na tinutok sa kaniya. Pero, bigla nalang nagdisappear yung mga weapons namin na ikinasmirk ni Auntie.

Pauulanan na sana namin siya ng iba't ibang hawak naming mahika nang bigla nalang siyang nawala, at may kung anong tunog kaming narinig, nakakabingi at nakakatindig balahibo.

Habang palipas ang mga segundo, palakas ng palakas ito. Napatakip ang iba sa tainga at napakusot naman ako sa mga mata ko. Nawawala siya. Nasaan siya?

Alertong inilibot ko ang tingin sa paligid. Wala ni anino ni Auntie ang nakikita ko. Napatakip na rin ako sa tainga saka napangiwi nang parang masasabog na ang eardrums ko sa lakas ng tunog.

"Where the heck is she?" Naiinis na tanong ni Kodie. Nilibot naming lahat ng tingin ang paligid. Ngunit, hindi na namin nakita si Auntie.

"Ano bang hawak na mahika niya? Wag naman sana sa armpit, nakakaiyak yun." Kahit papano nakakatawa naman yun pero hindi ko magawa ni ngumiti. Panay lang ang pagngiwi ko at pagdiin ng kamay ko sa tainga dahil nakakabingi na talaga ito. Ayoko na!

"Music!" Sigaw ko, hindi sigurado kung maririnig niya ako or what. Napaupo na siya sa sakit ng magkabilaang kamay niya. Agad naman siyang nilapitan ni Andre.

"Sh*t, sh*t, sh*t, sh*t." He cussed. Nako, lumalaki yung sugat ni Kodie sa kamay niya habang palakas ng palakas yung tunog na alam ko'y nanggagaling kay Auntie.

"Let's go back! Mamaya nalang natin hanapin si Auntie." Kinakabahang sambit ko. Walang tigil na yung tulo ng dugo ni Kodie sa kamay niya kaya medyo nag-panic na rin ako.

Nagawa niya pa akong taasan ng kilay nang punitin ko yung manggas ko saka itinali iyon sa may sugat niyang kamay. Kahit papano naman ay may pake parin naman ako sa kaniya kahit hindi ko siya bati.

Royal Academy ♚Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon