CHAPPIE 46 ♚

30.9K 1K 39
                                    

Dedicated to : FlameKyoJun

Hazel's Pov



I started walking... every step I make, it feels like I'm just floating. I wander around for because I don't know how to get out of here. I'm in a royal castle. Yung palasyong napuntahan ko nung nasa ilusyon ako.

I was a bit shocked and stood still for a sec when the setting suddenly changed in a blink of an eye. Nandito ako ngayon sa isang pamilyar na playground. I continued walking until I saw two cute little fellas—a boy and a girl.

Ito ang halos lagi kong napapanaginipan, ang laging gumugulo sa utak ko.

Nag-iba nanaman ang setting. Nandito ako ngayon sa royal ceremony ng mga exalted persons. And suddenly a familiar book caught my whole attention. Ang librong sinira ko sa ilusyon. At ang librong nasa bookshelf ni Auntie sa kwarto niya. That book made me curious about everything, alam ko na kasi kung ano ang nilalaman niyan. Tungkol sa buong pagkatao ko, at tungkol sa pamilya ko.

Simula palang, alam ko nang may kakaiba doon, may kutob ako pero binalewala ko lang. Alam kong lunod parin ako sa karagatan ng mga kasinungalingan, at sarili ko lang din ang makakasagip sakin.

The royal ceremony just ended and the visitors gave a round of applause for the exalted persons. The visitors are well-dressed, masyadong pormal. Kung sabagay, royal ceremony nga naman kasi.

May tumapik sa akin na agad ko namang nilingon. "Hi! I'm Prince Andre. Why are you not well-dressed, Ate?" Mga 8 years old na yata siya? At kapangalan niya ang big bro ko, parehas pa silang prinsipe.

I gave him my sweetest smile, I was about to answer when he pulled me towards the majesties. Oh crap, anong gagawin ng batang 'to?

Hindi parin niya ako binibitawan nang makarating na kami, ang lambot ng kamay ng bata.

Nagbow ako sa harapan ng hari at reyna at sinuklian naman nila ako ng tipid na ngiti.

"Mommy! I want to marry her! Hihi!" Agad akong napatingin kay Andre. Huwaw ang bata niya pa para magganiyan! Ay grabe 'to! Tumingin naman ako sa tinawag niyang mommy na karga ang parang 5 years old palang na batang babae... hawig nila yung pamilya sa ilusyon doon sa training center.

"You're too young for that, sweetheart." My ears were blessed. In my opinion, his mom has the most angelic voice. Nakaramdam ako ng inggit sa prinsipe't prinsesa. Mabuti pa sila't kasama nila ang mga magulang nila. Napakaswerteng nilalang.

Teka... may naalala ako hindi ba patay na ako? How come nandito ako? Tsaka, nasaan ba ako? I mean, hala... baka nasa heaven na ako. Pero parang hindi naman, pakiramdam ko naglalakbay ako ngayon sa mga panaginip ko.

Biglang kumirot ang ulo ko. Then, bigla nalang dumilim ang paligid, puros itim na kapag pumikit ka man o dumilat, walang pinagkaiba.

Napaupo, saka napangwi nang sumakit yung ulo ko, at napapikit. Pagkadilat ko nakita ko yung libro. Agad ko itong kinuha dahil sabi na nga nila na curiousity kills, baka mamatay nalang ako at hindi ko pa nalalaman ang tungkol sa librong 'to.

Royal Academy ♚Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon