CHAPPIE 43 ♚

36.6K 1K 180
                                    

Dedicated to : millana-chan






Nakalanding na kami dito sa airport. Siguro mga 1 hour ang biyahe namin sa tulong na rin ng mahika ng piloto na siyang nagpapabilis sa eroplano. Medyo malayo pa ang biyahe namin dahil, kapag gumamit kami ng portal, siguradong malalaman na ng mga tao ang lahat. Nakapagtataka lang dahil nandoon parin sila sa Panay Building, siguro may din meeting sila o ano. Tss, weird.

Bumaba na kami ng airport at nakapagtataka dahil pinagtitinginan kami ng maraming tao. May nagtilian pa. Oh, halos mga babae ang nandito. Kaya ayun, dinagsa ang dalawang ugok kong mga kasama.

Para silang mga artista. Kung sabagay, mas mataas pa nga doon ang posisyon nila bilang mga prinsipe ng SC.

"Ang gwapo!" Tilian ng ibang mga babae. Ayy, hindi pala ako kasama diyan, my bad.

'Psh,' I heard Kodie reacted, pagtingin namin sa kaniya ni Andre, may nakakapit na sa kaniyang babaeng nakablonde. Sa likod naman niya may dalawang babaeng nakamaiksing damit na parang kinulang sa tela. Nagtitipid siguro.

"Get off me!" Inis na sambit ni Kodie. Pero, non-stop sila. Napakamot nalang kami ni Andre sa batok. Siniko naman ako ni Andre sabay turo kay Kodie gamit yung bibig niya. Tss. AKO NANAMAN?

Bigla nalang may nanghila kay Andre kaya, naiwan ako. Tss. Pinagmamasdan ko silang madumog ng mgs babae. Para silang mga sikat na artista... Psh.

Sa inis ko, "ALL OF YOU SHUT THAT FVCKIN' MOUTH OR ELSE--!" Then, silence filled the air. Pati yung mga guards at iba pang staffs dito sa paligid namin ay napatingin din sakin. Galit kong tinanggal ang mga nakakapit na mga kamay ng mga babae at hinila ko na silang dalawa nila Andre.

Saka dali-dali na kaming lumabas.

'Oyy, wag niyong galitin si Hazel, masama yang magalit. Hak hak hak.' I rolled my eyes in disappointment.

'Ang lalandi niyo po!' Sigaw ko sa kanila saka inirolyo ang mata sa pangalawang beses. Mahina silang natawa. Nandito na kami sa labas at binitawan ko na sila.

"Hak hak hak, ang gwapo kasi namin e." Sabay kindat ni Andre sakin. Ikrinus ko naman yung mga braso ko sa dibdib saka sila inirapan.

"Landi niyo, grabe." Naiinis na sabi ko at tinalikuran na sila.

'Psh, don't worry.. ikaw lang.' Biglang sabi ni Kodie. Nacurious naman ako doon.

'What?' I asked.

'Wala, masyado kang slow~' I raised my eyebrow at nilingon siya. Psh takte ang slow ko nga ata. Ano bang ibig sabihin niya dun?




------




Nandito na kami, sa tagong lugar ng Panay Building. May mga nakabantay kasi na mga members sa main door kaya, hindi kami makapasok agad.

'Can't we use the portal? Oh straight english yun! Hak hak hak.' Sabi ni Andre sa isip namin.

'Psh, masyadong malakas yung barrier nila.. hindi tayo makapasok gamit yun.' Sagot naman ni Kodie.

'Ngek, paano na?' I asked. Hindi siya sumagot, may sinilip siya. Si Andre naman hinanda na yung armas niya.

'Distract them when the bell rang. After the chaos—no kidding—I mean kapag nataranta na silang magbantay, pumasok na rin kayo sa loob. Magkita-kita tayo sa main base nila. Nasa 2nd floor yun, right?' Sabay tingin niya sakin, agad naman akong tumango.

Saka dali-dali siyang pumasok sa fire exit.

'Let's go.' Andre said. In-activate na namin yung mga weapons namin at lumipat ng pwesto pero, mas malapit na kami ngayon sa kanila. Tiningnan niya yung wrist watch niya.

'6...5...4..3...2...1.SHAKALAMAMOOMOOO~!' Natawa nalang ako sa binanggit niya. Shaka--what? 'Pfft. Wala, tara na nga.'  Nagring na yung bell ng malakas at alisto ang mga taong nakabantay dito sa labas.

"May nakapasok!" Alertong sabi ng isa at hinanda na yung armas nila. Palingon-lingon yung iba habang yung isa naman ay nakahawak sa tainga niya; tumatango-tango at maya-maya'y nagsasalita.

'Tingin ko kausap nila yung boss nila.' Napatango nalang ako habang nakatingin parin doon.

'Ano nang gagawin natin?' Tanong ko, pokus parin ang tingin sa mga bantay. Naramdaman ko na parang wala na sa tabi ko kaya agad ko naman itong nilingon. Hindi ko na nakita si Andre.

'Where the heck a--' I cut myself off. Nakita ko kasi si Andre na buhat-buhat na yung pabox shape na gawa sa metal. Sigurado akong napakabigat nun.

'Minsan ko lang gamitin 'to eh.' Napa'Ahhh' nalang ako. Napahanga rin sa ability niya. Lakas ni big bro ah. 'Ang macho ko kase~ hak hak hak.' I wanna nudge him now, per kapag umalis ako dito sa pwesto ko, makikita nila ako. 'Psst!' Then he guestured na lumapit ako sa kaniya and I did.

"Kapag binato ko 'to, tsaka mo lang siya batuhan ng giant fire balls ha? Kaya mo?" Mahina niyang sambit. Gawd magiging pangalawang time na 'to, na gagamitin ko ang giant fire balls. Bihira lang ang may kayang gawin ito. Tsaka, ginamit ko 'to first time doon sa EX ni Bestfriend.

"Kakayanin~" I said in a singsong voice.

"Caught you." Then, kinapitan ng lalaki yung batok ko, at niyuko. Nagpupumiglas ako pero, dalawa na silang nakahawak sakin.

"Oh crap!" React ko at saglit na napahawak sa kamay nitong isang 'to na nakakapit sa batok ko. "Throw!" Nag-alanganin pa si Andre kung ibabato niya.

'Matatamaan ka!' Sinamaan ko siya ng tingin.

'Just trust me, go!' Kasabay ng pagsigaw ko ay yung pagkawala ng mahika ko. Nakahawak parin ng mahigpit yung dalawa sa magkabilaang kamay ko. Ipinokus ko ang sarili sa metal box, nagpalabas na ako ng malaking apoy galing sa puso ko. Since sobrang init na ang buong katawan ko, binitawan nila ako at nagtangkang tumakbo habang ako ay nagroll sa sahig patungo kay Andre.

Mabilis ang pangyayari, hinablot ko agad si Andre at sabay kaming tumalon patago doon sa malaking metal box at nakadapa na kami ngayon. Napapikit nalang ako at napatakip ng tainga nang lumiwanag at narinig ang malakas na pagsabog ng Giant Fire Ball. Nagsigawan pa sila kanina.

Napabuntong hininga nalang ako, at pinagpawisan ng marami. Dali-dali kaming tumayo at muntik na akong masuka sa mga nakikita ko ngayon.

'I can't look.' Tinakpan ko yung view gamit yung kamay ko.

Kitang-kita na kasi ang mga laman loob nila.. kumalat pa yung brain, liver, heart, at kung ano-ano pang internal organs sa paligid. Marami ring talsik ng dugo. Tiningnan ko yung sarili ko, may sugat, pasa at mainit parin ang katawan ko.

Nagkatinginan kami ni Andre at natawa sa hindi malamang dahilan.

"Ang hot ko talaga." I said na parang wala lang sa akin ang lahat. Na parang hindi naging 50:50 ang buhay ko/namin ni Andre kanina. Muntikan na kaming matigok for pete's sake!



"Napahanga mo ako."



____
A/N :

안녕하세요! 독자!

Royal Academy ♚Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon