CHAPPIE 21 ♚

55.5K 1.5K 3
                                    

Dedicated to : AlliyahFernandez
---------




Nandito parin kami sa training room. Well, matagal pa ang oras bago kami pumunta sa ibang subject.

Pero nung pagkatapos kaming bigyan nang weapons, sabi ni ma'am na magbihis daw muna kami ng komportableng kasuotan. Wala kaming ideya kung anong gagawin. Hindi naman kasi niya sinabi.

Kanina, nagtungo ako sa locker ko at nagbihis. Mabuti nalang at lahat nang locker ay may mga extra uniforms. Hindi nga ako makapaniwala kanina kasi nga, kinuha ko na yung PE uniform ko. Sinara ko na yung locker. Tapos, nakalimutan ko palang kunin yung rubber shoes. Nang buksan ko ulit yun sa ikalawang pagkakataon, biglang may lumitaw na panibagong uniform. Napanganga nalang ako ng bahagya habang isinara ko yun ulit.

"Shall we start? Are y'all ready!?" Napatalon naman ako sa gulat nang biglang sumigaw si ma'am. Tinawanan nga ako ng lahat—except for Luke na mukhang hindi uso sa kaniya ang pagbibigay ng reaksyon of course.

Inirapan ko nalang sila pero, waepek. Tumatawa parin ang mga loko.

"Yes!" Sigaw rin namin sa kaniya.

"Okay, lahat nang ID dito!" Sigaw niya ulit, paano ba kasi ang layo niya sa amin. Kinuha niya yung isang golden box. Ang hilig nila sa gold ano?

Tumakbo kami papunta roon at bigla nalang kaming napunta sa ibang lugar. Teka, ilusyon? Wow.

"Alalahanin niyo yung TEAM WORK ha? Magtulungan kayo. This is not a game. Hindi paunahan. Good luck!" We could hear her voice pero wala na siya sa paligid. Hindi na namin siya makita.

May lumitaw na color yellow na fog. Naka-arow sign siya. Direksyon siguro namin yun. Tingin ko nga, nasa gubat kami ngayon. Tumakbo kami habang sinusundan yung fog.

"Wahh!" Nagulat kami nang bigla nalang may lumitaw na malaking ahas sa harapan namin na yun namang ikinaatras namin. Gumagawa siya nang malakas na ingay. Napatakip nalang ako sa tainga, same sa iba kong kagrupo.

'Weapons, out! 'Wag kayong gagawa nang ingay. Hindi tayo nakikita niyan but malakas yung pandinig niya. Tamaan niyo sa noo.' Kodie said. Okay? Ang creepy naman nitong ahas na 'to. 'Nga pala ang isang Racass na yan ay hindi tinatablan ng mahika.' Paalala ni Kodie bilang leader. So racass pala ang pangalan ng ganiyan? Hindi bagay sa itsura niya. Masyado kasing nakakatakot at parang kadiring hawakan.

Kinuha ko yung cube sa pocket nang jogging pants ko. Umatras pa ako nang konti. Inactivate ko na yung weapon ko. Si Kodie sinuot na niya yung laser mask niya. Nakaaim na kaming lahat sa ahas.

'Ang likot niya!' Sabi ni Andre habang nakatutok yung bow niya sa ahas at sinusubukan nang tamaan.

Si Kodie natamaan yung bandang bibig. Pero, mas malakas na ingay pa ang ginawa niya. Nakakabingi!

Nagtutumbahan yung ibang mga puno dahil sa pagwagayway ng snake nang buntot niya. Halos hindi ko na makita si Cymon na umaatake sa higanteng ahas. Ang bilis kasi niyang kumilos.

Binaba ko yung weapon ko. Hindi ko kasi masakto sa mata eh. Tinamaan ni Andre sa may leeg. Tapos bigla niya akong hinila palayo. Pati yung ibang kasama namin nagiba rin nang pwesto.

Habang tumatakbo kami palayo, pinatamaan ko siya sa may bandang noo. Aish. Sayang! Malapit na yun ah? Pero parang ang kapal ng balat niya. Hindi agad siya natatablan.

Patuloy lang sa paggalaw yung ahas. Tumakbo si Cymon papunta roon sa gitna at sinapak yung bandang tiyan sabay nang pagsaksak ni Luke sa may buntot.

Napahiga naman yung ahas at agad kong natamaan sa mata, bulls eye. Nilaser pa ni Kodie yung katawan kaya nahati na yung ahas pero nagulat ako, bigla-bigla nalang magdidikit yung katawan niya. Aba, tibay natin ah.

'This racass need to stay still. Grab some trunks or branches. Tapos ilagay niyo yun sa tabi niya. Cymon, hawakan mo yung buntot niya.' Ginawa namin yung inutos ni Kodie. Binabatuhan ngayon ni Rex ng bomba yung ahas para pahinain. Pero patuloy parin yung paglikot nito.

Dalawang branches yung hawak ko. Malikot parin yung ahas kaya hindi ako makalapit. That's why I threw the branches papunta sa racass.

Teka, diba five minutes bago mapatay yung ahas kapag kumalat yung poison sa internal body? Bakit kanina, nahiwa na nga't nasaksak waepek parin?

'Hindi siya tinatablan nun kasi yung katawan niya gawa sa poison.' Paliwanag ni Rex. So ano palang mayroon sa noo niya na kailangan naming patamaan?

'Don't let it go.' Utos ni Kodie sabay pahawak sa amin nang rope. Ewan ko kung anong gagawin pero sinunod ko nalang siya, ganun din yung ginawa nang iba. Parang tag of war lang. Si Cymon hawak-hawak yung kabilang dulo nang rope. Medyo malayo siya kasi sobrang haba talaga ng lubid na hindi ko alam kung saan galing. Tinanguan ni Kodie si Cymon.

Then mabilis si Cymon na nawala. Hindi ko alam kung nasaan na siya. Nakita ko nalang siya na nakaikot na nang ilang beses doon ahas hawak-hawak yung lubid. Ah, gets ko na. So, super speed nga talaga yung kay Cymon. Ang astig.

Tinali namin yung magkabilang dulo nang lubid pagkatapos ni Cymon tumakbo nang paikot-ikot sa racass hawak ang lubid. Bilib ako kasi parang hindi siya nahilo. Kung ako siguro yun, kanina pa ako bumagsak sa hilo.

Bumagsak yung ulo ng racass. Hindi na kasi siya makagalaw gawa nang mga trunks and branches na kasama niya sa pagkakatali.

Tumakbo si Luke doon sa ulo nang ahas sumunod kami. Sinaksak ni Luke yung noo ng ahas. Gumalaw yung ulo nang ahas at napaupo kami habang nakahawak sa magkabilang tainga. Ang lakas nang sigaw niya gawa nang pagsaksak ni Luke. Ilang minuto lang at napatay na rin ito.

"Nabingi na ako." Napahawak si Luke sa tainga niya. Oo nga pala diniinan niya yung pagsaksak kaya hindi siya nakatakip sa tainga niya. Mabuti nalang at natakpan ko yung akin.

'Pagamot mo nalang mamaya.' Narinig kong sabi ni Cymon. Tumango lang si Luke bilang sagot.

'Tara na!' Sigaw ni Kodie. Tiningnan ko yung wrist watch ko. Almost 25 minutes bago namin napatay yung ahas? Tindi ah.

Tumakbo kami. Nandoon parin yung arrow. Bigla nalang may babaeng lumitaw habang tumatakbo kami. Napatigil nalang ako. Nandito na kami sa parang bridge papunta sa kabilang puno parin ng mga puno. May nakaharang na babae doon sa bridge kaya lahat kami napastop sa harap niya.

Para siyang mangangain kapag ngumingiti siya, nakakatakot.

Dadaan sana sa gilid si Kodie nang harangan siya. Tinulak siya nito bigla at sinalo naman siya agad ni Andre.

Sasaksakin sana ni Luke yung babae kaso biglang nakita namin yung shield na lumitaw. Nilagyan niya kasi nang kulay, tapos maya-maya'y binalik na niya ulit sa pagiging colorless yung shield. Hindi ka talaga makakadaan kahit anong gawin mo kasi sakop nun ang buong daanan. Kahit sa ibang pwesto. Kahit hindi doon papunta sa bridge.

"Let us in." Nakakunot noong utos ni Kodie. Nainis siguro kasi bigla-bigla nalang siyang tinulak.

"Nah. Answer my logic riddles/brainteasers, first." She said, still wearing her creepy smirk. Err, Goosebumps here tho. Tbh mas bagay siyang maging panggulat sa mga horror films or what. Ganiyan palang ang mukha niya nakakatakot na, paano pa kaya kung duguan na siya?




"Spill it."

Royal Academy ♚Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon