CHAPPIE 17 ♚

57.5K 1.7K 39
                                    

Dedicated to : gwen_saisumi

-------





Until now, I can't believe na isa na ako sa mga members ng SRG.

Nandito kaming dalawa ni Andre sa bush si Kodie and Rex nasa taas nang puno. Si Cymon and Luke nasa kabilang bush naman, medyo malayo samin.

Nagkalat kalat kasi kami para madali naming mahanap kung saan nanggaling yung tunog.

'Guys, may lalaking nakacoat.' Nagulat naman ako sa narinig kong boses sa isip ko. Boses ni Kodie. 

'May dalang baril.' Boses naman ni Rex. Atleast tahimik kami noh?

Naglakas loob akong sumilip, may lalaki nga. Nakacloak kaya hindi namin mamukhaan. Nakatayo siya sa exit. Tingin ko gusto niya pumasok. Teka, wala bang invisible barrier diyan sa exit?

Bigla namang may dalawa pang lalaking lumitaw ng parang kabute from nowhere.

'Meron, Hazel. Pero, I think nag-iisip siya ng paraan kung paano siya makakapasok dun.' Si Andre nagsabi nun sa isip ko. Ni hindi ko nga alam kung marunong ako nun.

'All students here can, including you.' Kodie said. Err, mind reading again.

Tinaas niya yung kamay niya papunta sa puno na tinayuan nila Kodie and Rex. Nagpalabas siya ng energy blast, yung nasa gitnang nakacloak.

Nahulog naman ang dalawa dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Nakaharap na ang tatlo dito. Tapos may dalawa pa ulit na lumitaw bukod sa kaninang dalawa. Kaya lima na sila ngayon. Cloning yata ang isa sa mga mahika niya. Not bad for an anonymous cloak guy.

Dahil sa malakas na energy blast na iyon, naputol ang puno at bumagsak, pero nakapagtataka dahil hindi yun gumawa ng ingay. Tahimik parin ang paligid.

Yung isa naman, bigla bigla nalang nagpapalabas ng apoy patungo sa bushes namin. Kaya napaalis na kami doon, ayun, nagliyab na ang mga bushes.

Nang mabaling sa akin ang tingin nila, kinilabutan ako.

Hinila naman ako ni Andre papunta sa likod niya. Bigla nalang napunta malapit sa amin yung lalaki. Still wearing his creepy evil grin.

"Look who's here? Some little brats." The guy na nasa dulo said, also grinning. Brats? Agad kong itinapat sa nagsalita yung kamay ko.

"What do you fags want?" Cymon scornfully said. He stepped forward; then we, the whole group took a step backward.

"May plano lang naman ako na magtatagumpay." Sabi naman nung nasa kabilang dulo na malalim din ang boses. Pare-pareho sila ng boses at kung paano manamit, what I mean is the cloak. So posible kayang clone ito?

"What the jam is your plan?" Tanong ko nang may pagkairita. Share mo lang? Ganern?

Bigla nalang siyang nawala sa harapan namin. Napadapa kaming lahat dahil sa energy na nilabas niya sa likod namin.

Hinablot niya ako sa braso saka hinawakan ang magkabilang kamay, tapos naramdaman ko nalang na parang tinutusok-tusok yung kamay ko ng parang matatalim. Masakit pero wala naman akong nakikita at hindi naman ito nagdudugo.

"Argh!" Pagdaing ko saka ako biglang hinila ni Kodie. Kakasuntok lamang nito sa isang lalaking nakacloak din. Nadagdagan ang mga kalaban ng hindi ko nalalaman.

Nabitawan naman ako nitong lalaki saka ako nakahinga. Feeling ko kanina hinihiwa niya ang kamay ko sa pamamagitan lamang ng paghawak dito.

"Mabuti't nandito ka. Hindi na ako maghihirap kung paano ka makukuha sa RA." Napadaing si Kodie at nabitawan ako ng may nagpalabas sa kaniya na energy blast. Saka ako kinuha muli nung lalaki saka pinulupot niya ang braso sa leeg ko sabay tutok sakin ng baril.

Royal Academy ♚Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon