CHAPPIE 14 ♚

58.9K 1.7K 151
                                    

Nag-iimpake na ako nang damit ko. Si Kodie wala pa muna, may aasikasuhin daw muna siya sa RA. Ewan ko kung ano yun pero hindi ko na siya tinanong.

Natapos na rin akong mag-impake nang dalawang maleta. Phew! Kapagod!

Ano pa bang dadalhin ko? Oh, yung chest ko pa pala!

Tumakbo ako at mabilis na binuksan yung closet ko. Wait, nasaan na yung chest box ko?

Bigla akong may narinig na kumatok. Binuksan ko naman agad. Ay, si Auntie. Nakalimutan kong sabihin sa kanya na mapupunta ako sa ibang school! Pumasok si Auntie at tiningnan yung maleta sa kama ko.

"Auntie," Tinaas lang niya yung kilay niya.

"Ano ito?! Saan ka pupunta nang hindi ko nalalaman?!" Sigaw niya. Medyo napatalon nga ako nang konti sa lakas.

Binigay ko sa kanya yung brown envelope na binigay nung principal. Nakasulat dun na mapupunta ako sa RA. Nandun din yung kailangan ko daw na dalhin.

Hihingian yata ako mamaya pagpasok ko sa RA. Isa-isa niyang tiningnan. Bigla nalang niyang binato sa sahig yun, mabuti hindi niya pinunit myghad. Don't tell me na--

"Hindi, dito ka lang. Walang aalis!" Sigaw niya, kinuha niya yung susi ng room ko at nilock niya yung pinto. Paano na ako makakalabas nito?!

"Auntie!" Sigaw ko. Pinukpok ko pa yung pinto. "Auntie, please naman pumayag ka na oh, Auntie, buksan mo po yung pinto!" Patuloy ang pagpukpok ko sa pinto.

Kapag ginamitan ko naman ito nang mahika, masisira ito at ako ang pababayarin niya para sa pang-ayos. Pano ba yan? Wala akong pera pambayad kung sisingilin niya ako.

"Hindi! Hindi ka aalis! Bawal kang pumunta dun!" Sigaw ulit niya.

"Bakit po Auntie?" Narinig ko yung footsteps na palayo. Walk out! What the heck!

"Auntie! Auntie!" Patuloy parin ang pagkatok ko. Pero wala nang response.

Biglang may umilaw. Alam ko kung saan galing yun, sa portal ni Kodie. Agad akong lumingon.

Nakita kong dala niya yung chest ko. Wait, bakit niya dala yun?

"May inasikaso lang ako." He said.

"I know. Pero, with that?" Tanong ko sa kaniya, sabay turo dun sa chest ko. Lumapit ako sa kaniya at agad kong kinuha.

Binuksan ko kung kumpleto pa ba o may nawala.

Bigla akong kinabahan nang hindi ko nakita yung mga piraso ng headphone. Where's my headphone? No way, hindi yun pwedeng mawala. No way!

"Kodie." Pagbabanta kong sabi ng pangalan niya. Ngumisi naman siya, at pinakita yung ayos na headphone.

"Teka, akin ba yan?" Ganung-ganun yung itsura at kulay, pati yung size. Sinubukan kong kunin sa kamay niya pero nilayo niya.

"Oo." Aniya. Inabot ko pero mas lalo niya pang nilayo. Tch, ano ba?

"Akin na kasi!" Napipikon na sabi ko. Tinaas niya pa niya.

"Say please muna." Urgh, kailangan pa ba nun?

"Uh-huh." Aniya sabay tango. Nakapamulsa pa yung isa niyang kamay. Kailangan ko ng plano!

Lumipad ako pataas at hinablot kay Kodie yung headphone na nabitawan naman niya. Umikot-ikot pa ako sa ere habang hawak yung headphone ko. Tiningnan ko iyon ng mariin. Akin nga.

Lumipad ako patungo sa kaniya at niyakap siya nang mahigpit. Hoy, walang malisya 'to.

"Thank you!" Habang yakap siya at unti-unti na akong tumapak sa sahig. Kumalas na rin ako at sinabit ko sa leeg yung headphone ko.

Royal Academy ♚Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon