CHAPPIE 56 ♚

27.3K 811 43
                                    

"What brought you here?" Biglang tanong ng matandang nakatayo malapit sa tubig. May dalawang bangkang nakalutang at nakasabit sa tali ang nasa tabi niya. Inilawan ni Cymon ang paligid gamit ang mahika niya. Kakaunti lang pala ang parteng may lupa. Puros tubig na. Namangha naman kami dahil sa kulay berdeng glowworms na nagkalat.

"May mission lang ho kami. What's the edge of this cave btw?" I asked. He slowly walked papunta sa amin and finally, he answered.

"Matagal na ako dito. At sa maniwala kayo o hindi, marami nang namatay dahil sa takot na bumalot sa mga taong nagpunta doon sa dulo ng kweba. Ang sabi ng mga galing doon na nakabalik, puno daw ito ng mga espiritong hindi makapunta sa langit. Mayroon daw kumakantang babae na bigla nalang mag-iiba ang boses sa dulo sabay pakita niya sa'yo ng harap-harapan. They said, some ghosts killed hundreds of people na nagpunta doon. So, are you brave enough to go there and accomplish your missions? I already warned you guys... desisyon niyo na yan kung itutuloy niyo ang missions niyo." Aniya. Nagtinginan naman kami at tiningnang muli yung matanda nang walang bahid ng takot ang gumuhit sa mukha. Ngumiti ako ng kaunti at ngumiti naman sila ng malapad. Mukhang nagulat ang matanda sa expression namin. Parang gusto naming manghamon. We didn't answer but instead, naglakad kami papunta doon sa bangka at sumakay na. Ako, si Cymon, at si Andre dito sa isang bangka at si Luke at Rex naman sa kabila.

"Wala tayong first aid kit." Sabi ni Cymon.

"Hayaan mo na! Nandito naman si Doc. HAHAHA!" Sabay turo niya sakin gamit ang thumb niya. I just shrugged.

"Not scared, eyh?" React ng matanda.

"We're not." I said, Andre nudged me.

"Ako! Takot ako!" He whispered but, tamang-tama lang naman na marinig naming lahat.

They chuckled, "Tsupe na, iwan ka nalang." Taboy ni Rex.

"Abuhhh! Ako nanaman iwan? Pak Ganern?!" At binatukan kami ni Cymon. Natawa naman si Rex dahil hindi siya maabot ni Andre.

"I'll save yours for later. Hak hak hak." Then he grinned.

Tinanggal na ng matanda yung lubid na nakatali rin sa bangka namin. Maya-maya'y nagsimula na kaming magsagwan.

Nakaabot na kami sa dulo ng Kweba at habang palabas na kami, bigla nalang kaming napalingon sa gilid namin dahil biglang humangin ng malakas.

Andre slowly stepped backwards. Pati na rin kami. May dalawa kasing white lady na masama ang tingin samin. Ilalabas na sana nila ang weapon nang pigilan ko sila.

'Wag nalang natin pansinin. Kapag hindi natin pinansin yan, hindi yan aatake or somethin' Sabi ko. Dahan-dahan silang tumango at nagpatuloy na rin kami sa paglalakad.

'HuMayGhad!' Narinig ko naman si Andre. Agad namin siyang tiningnan at nanlalaki lang ang mga mata niyang nakasteady.

'Tara!' I tried to pull him but I can't. Nagtulungan pa kami ni Cymon pero, di siya natinag. Nanginginig siyang nagturo sa harapan namin. Dahan-dahan kaming lumingon at.. ganun nalang ang takot namin nang makita siya. Nandito na kami sa labas ng kweba at naroroon siya, nakatayo malapit sa ilog kasama ang isang espirito na kulay black.. babae din.







Andre's Pov






Na-estatwa ako sa sobrang takot at sakit ng nararamdaman ko ngayon. May kasama siyang black lady at pareho silang nakatayo malapit sa ilog. Malakas ang hangin. Napahawak naman ako kay Kodie.

Napatayo lahat ng balahibo ko at napahawak nalang sa bibig nang biglang natanggal ulo niya. ABA! WAHHHH! agad akong tumakbo palayo at naupo roon sa bangka. Muntik pa akong madapa dahil bigla bigla nalang may putol na kamay na hahawak sa paahan ko. Lintek.

Naupo ako at niyakap yung tuhod ko.

It still hurts. Ang makita siyang multo na. Ang makitang bigla nalang siyang mapupugutan ng ulo. I am hurting, pero, mas malala ngayon.. mas masakit kaysa sa break up namin ni palaka noon.



Cymon's Pov



Nakatitig lang ako sa multong Hazel. Inoobserbahan ko siya. Medyo nakakaramdam ako ng katiting na takot ngunit nangingibabaw parin ang pagkacurious ko sa kaniya. Ako lang yata ang nakakapansin since light ang mahika ko. May katiting na ilaw sa may bandang gitna niya. Nakapagtataka. Bigla nalang may humila sakin ngunit nakapagtataka muli dahil hindi naman napapansin at naririnig ng mga kasamahan ko ang aking pagsigaw.

"Tangna mga tol! Tulong!" Sigaw ko. Hinablot ko yung weapon ko sa bulsa; inactivate ko ito at dali-daling sinapak yung pangit at dugo-dugong mukha nung bruhang naka-itim. Nang mawala ito ng parang bula, agad akong tumakbo sa kinaroroonan ng mga kasamahan ko at nagulat ako at napaupo nang sabay-sabay silang lumingon sakin nang iba na ang mukha. Tangna! Nakakatakot amputs! SINONG MAY KAGAGAWAN NITO?! PUTSPA. Hindi.. hindi sila yan. Kailangan kong hanapin muna si Andre para matulungan niya ako.

Tatakbo na sana ako palayo ngunit... May humarang namang kapre sa harapan ko at may dalang malaking palakol na nakataas at nakatutok sa akin.

"Cymon! Tulungan mo ako!" Rinig ko namang sigaw ni Hazel. Agad kong sinapak nang malakas yung kapre at tumakbo palayo. Hindi yun si Hazel. Patay na si Hazel at siguradong mapapatay ako nun.

Naginhawaan naman ako nang makita ko si Andre. Dali-dali akong umangkas sa bangka na ikinagulat naman niya. Agad niya akong pinalo.

"Leche ka! Akala ko multo nanaman!" Sigaw niya. Tsk, iiyak na yan. IIYAK NA YAN! Teka, umiiyak na pala. Dineactivate ko yung weapon ko at nilagay na sa bulsa ko.

"Tumahimik ka nga diyan. Yung ibang kagrupo natin babalikan natin.. ewan ko kung nasaan sila. Basta nasapian yata sila o baka may gumaya sa anyo nila. Tangna, di ko man lang sila naligtas dun sa mga espirito... hinila pa kasi ako eh." Bigo kong sabi. Hinablot ni Andre agad-agad yung sagwan na parang nagmamadali.

"Dali! May papunta dito sa direksyon natin! WAAA! PUGOT NANAMAN ANG ULO! MAY PUGOT PARTY BA?!" Sigaw niya at mabilis kaming nagsagwan pabalik doon sa matanda. Yung feeling na ang ganda ganda ng pambungad tapos ampangit at sobrang nakakatakot yung huli.

Mabilis naman kaming nakarating sa matanda. At nanlaki naman ang mga mata niya at naglibot ng tingin.





"Nasaan yung iba?!"





Royal Academy ♚Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon