EPILOGUE

47.1K 896 166
                                    

HULI KA!😂 Inuuna mo nanaman ang epilogue, ano? Sige, silip pa sumbong kita kay gemma ee ̄ω ̄







——->>






Hazel's Pov







Nandito kami ngayon sa isang room. Nakaharap ako sa malaking salamin na may ilaw sa gilid nito. Inaayusan ako ng dalawang magaganda 'daw' na professional make-up artist. Nasa gilid naman yung gumawa ng gown ko. Chinecheck niya yung gown at inaayos. And parang luluwa yung mata ko sa sobrang ganda nito.

"Ay pak! Ang bonggeyshus naman ng kasalang itech!" sabi nung isang---guess what? They're gays! Yung isa nag-aayos ng buhok ko and yung isa, may ginagawang kung ano sa mukha ko. Binaba na niya yung make-ups at inikot ung upuan na inuupuan ko paharap sa kaniya. He—Err, I mean—She's.. err ay bahala na! Basta tinitigan niya ako habang nakapameywang.

"Ganern talaga bes, prinsesa kasi." hinarap na niya akong muli sa salamin at niligpit niya yung mga make-ups na nakakalat.

Yung hairstyle ko, simple lang. Braided paikot ang kalahating part na parang pa-crown awhile yung kalahati namang nasa babang part, nakalugay lang pero nakacurl. Pinalabas na yung mga gay nung babae na gumawa ng wedding gown ko. Nilock niya ang pinto at hinarap ako.

"Uhm, ma'am? What time is it?" I asked. She checked her wristwatch habang naglalakad patungo dito sa pwesto ko.

"1:30 na. By the way, call me Celyn." Tumango nalang ako habang nakangiti.

Okay! Isinuot niya sa akin yung wedding gown. Ayoko sana ng palobo. But since prinsesa ako, kaya ito. Pero okay lang naman. Sabi nga naman ni mom, sigurado daw siyang bagay na bagay sa akin ito. At maganda rin naman.. sobra. (*-*)

Medyo nakakaramdam ako ng katiting na kaba pero mas matimbang parin yung saya ko ngayong araw.

Grabe, hindi ako makapaniwala na ikakasal na ako ngayon.

Nang masuot ko na ang aking wedding gown, humarap ako sa malaking salamin at tiningnan ang sarili mula ulo hanggang paa. Ako ba 'to? xD

Hindi hamak na sobrang galing ng mga nag-ayos sakin. Pinapasok na ulit ni Celyn yung dalawang bakla at nag apir sila at tumili.

Niyakap ako nung isa pero hindi naman mahigpit, lobo kasi yung gown kaya di siya masyadong makadikit talaga sakin xD "*flips hair* Oh my glob. Just oh my glob." Maarteng sabi ng isang bakla habang nakapameywang and scanning me from head to toe. Hinawakan naman ng isang bakla yung kamay ko at dahan-dahan akong pinaikot. Pagkatapos kong umikot, nagtilian ulit sila.

"Ang gorg naman nitech! Nahiya naman mukha ko! Pero okay lang, gende ke peren." Sabi niya while flipping his invisible hair. Yung isa kasi, long haired na blonde while itong isa, panglalaking hairstyle lang.

"Ano ba bes, kung may pinakagorg man dito sa room, aketch lang yern." sabi niya and bigla naman siyang sinabunutan sandali nung isa.

"Asa pa bes. Hahaha. Oh dali na't sakay na sa kotse!" Sabi nung long haired at lumabas na kami ng room patungo sa sasakyan.







Kodie's Pov





Walang kabang bumabalot sakin. I'm just happy. Ilang sandali nalang at gagawin na niyang surname niya ang sakin.

'Mrs. Austria'. Music to my ears. I'd waited for years and finally! Ang babaeng pinapangarap at hinihintay ko lang noon, ay magiging asawa ko na.

Nandito na ako sa simbahan. Naglakad ako sa red carpet na papunta malapit sa altar while playing the song 'XOXO' . Nagtilian ang karamihan sa mga babae. Maraming tao. HALOS lahat ng estudyante ng Royal Academy ay naririto. Ang mga teachers, principals, kings and queens from other kingdoms and etc., ay naririto rin. Malaki ang simbahan. Maayos na nakalagay ang mga bunch ng white, pink and red roses. Nakarating na ako sa harapan, at sumunod na ang iba. Maraming macu-cute na flower girls and boys... some are sons and daughters from a royal family at yung iba naman ay mga estudyante lang sa R.A.

Royal Academy ♚Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon