CHAPPIE 29 ♚

45.4K 1.3K 81
                                    

Dedicated to : JustWhoIWannaBe

Bes. 😂
-----


Hazel's Pov



Pinaupo muna kami dito sa gilid. Woah, napakalaki nang space sa gitna. Nakakakaba tuloy.

May dalawang babaeng naglalaban doon sa gitna. Ang galing nila, parang kabisado na nila ang bawat galaw ng mga kinakalaban nila. Napatay nga nila yung dalawang giant monsters sa loob lang ng 18 minutes, I guess?

Huwaw, ganito pala ang feeling ng nanonood sa isang laban sa loob ng ilusyon? Nakakakaba pero nakakaexite parin naman.

Nang matapos na sila sa training nila, pinalapit kami doon nang teachers namin. Tumayo kami at nagtungo na doon.

"Hi! We're the leviduo!" Sabay nilang dalawang sabi. Ang ganda naman nila. :3

"I'm Vieve, nice to meet you." Sabi nung isang babae na curly yung dulong part nang hair at medyo brownish yung kulay.

"I'm Lemia." Sabi naman nung isang parang mataray. Nakapameywang pa nga ito.

"Okay! Kodie and Lemia muna!" Sigaw naman ni ma'am Zoe kaya bumalik na kami agad sa pwesto namin. Si Kodie agad na nagtungo doon sa harapan. Saka sumunod sa kaniya si Lemia.

Katabi ko ngayon si Andre at sa kabila naman si Vieve.

'Mga chicks. Hak hak hak!' I heard Andre said, Loko talaga oh. XD

'Tumigil ka nga diyan, landi mo.' I said.

'Selos ka naman?' Agad ko siyang tiningnan habang nanlalaki yung mga mata. Ngumisi lang naman siya ng nakakaloko. Anong selos?

'Mahangin na. Nililipad na ako.' I teased at siniko ko siya ng marahan.

'Hak hak hak, 'wag na kasing aangal! Gwapo nga kasi ako.' I was about to react nang tinapik ako ni Vieve. Nilingon ko naman agad siya na ngayon ay nakangiti sakin.

"So bago kang member? The last time I knew, puros lalaki daw itong grupo. Don't tell me na tomboy ka!? Sa ganda mong yan?" Natawa naman ako doon, napalo ko pa nga si Andre. Tomboy talaga?

"Hindi ako tomboy. Hazel nga pala, mew member ng SRG." Saka ko inilahad yung kamay ko para sa handshake. "Kaano-ano mo si Lemia?" Tanong ko na agad naman niyang sinagot.

"Bestfriend ko."

"You know what? I'm starting to like you na." Dugtong niya pa. Oh baka matomboy na siya sakin niyan? Huwag naman sana, kay ganda niyang babae. xD charot.

"Magkasing-age lang ba kayo ni Lemia?" Tanong ko, agad naman siyang tumango. Akala ko magkapatid sila nung una. Sandali siyang napatingin kay Andre kaya napangisi ako ng pasikreto doon.

Tumayo ako at tiningnan lang nila ako. Then, lumipat ako sa kabilang upuan sa tabi parin ni Vieve. Nakaisip nanaman ako ng kalokohan. Wala pa kasing lovelife itong si Andre, malay mo diba?

"Mag-usap kaya kayo." Inosenteng tanong ko saka tiningnan silang dalawa. Umiling naman si Andre at pinilit kong ipaupo si Vieve sa tabi ni Andre. Syempre hindi naman ako papayag na hanggang tinginan lang silang dalawa noh.

Nanood nalang ako sa naglalabang Lemia and Kodie. Ang astig nilang maglaban. Plus the fact na napapantayan ni Lemia si Kodie sa galing kahit na babae siya.

Nasa kabilang side yung mga kaklase ko. Kumaway pa yung iba sakin, napangiti nalang ako.





Andre's Pov





Bigla nalang akong tinulak nitong katabi ko, si Rex at inaagaw na niya yung pwesto ko hanggang sa makaupo na ako sa tabi nang MAGANDANG BINIBINI. Haha! Takte, ang landi ko na nga. (⊙﹏⊙)

Narinig ko siyang napatawa ng mahina. Pati yung pagtawa niya, ang ganda. I kennat T^T

TAKTE NAMAN OH! ANG LANDI KO NA NGA TALAGA! (ʘ.ʘ)

"Uh, hi?" Bati niya sakin, pakiramdam ko nalusaw na ako sa boses niya. Ay leche, stupid heart. TAKTE, NABABAKLA NA AKO DITO OH!

"Hello." Bati ko sa kaniya pabalik saka tiningnan na siya. Pero maya-maya rin ay ibinalik ko na ang tingin sa harapan.

"Matanong ko lang ha, ilang taon ka na nga pala?" Tanong niya. Kasalanan mo ang paglandi kong 'to, Hazel! Huhu.

"53. Ang bata pa nang mukha ko noh? Baby face kasi 'to. Hak hak hak." She chuckled naman, nahuli ko nalang yung sarili ko na nakatitig lang sa kaniya.

"Ano nga kasi?"

"53 nga. Kulet lang?" Natawa nanaman siya at napangiti ako doon. Pinagsiklop ko yung kamay ko sa gitna ng hita ko saka saglit na tumingin sa harapan.

Napailing nalang siya habang nakangiti at tumingin na sa harapan. Tapos na rin sila Kodie sa paglalaban at tumayo na si Vieve at nagtungo na kay Lemia.

'Aysus! Malandi nga.' Pang-aasar ni Hazel saka tumabi na ulit siya sakin.

'Huy, hindi noh ginawa mo akong malandi e.' I said, then, pinalo niya yung sexy and flawless kong legs. Hahahaha! ( ^∇^)

"Edi inamin mo rin. Hahaha!" Inakbayan ko nalang siya at sinandal ko yung ulo ko sa ulo niya. Gusto ko lang kasi na maramdaman yung may kapatid na babae sa tabi ko, which what my parents told me na may kapatid daw akong babae. I don't know kung patay na ba yun or what.

Sana mahanap na yung kapatid ko kung buhay pa siya.

'No worries par mahahanap din natin yun.' Rinig kong sabi ni Kodie na nakalapit na dito dala yung towel saka tubig sa bote. Naupo siya sa pwesto ko kanina.

Tiningnan ko kung sino na yung maglalaban. Si Cymon pati si Vieve na.

"Kuya," Tawag ni Hazel sakin. Ang sarap sa pakiramdam na tinatawag niya akong kuya. Sana nga si Hazel nalang yung kapatid ko.

"Hm?" Tanong ko saka tiningnan siya. Nakangiti ito ng nakakaloko.

"Crush mo ba si Vieve?" Tiningnan ko siya ng diretso sa mata. Siguro gusto niyang kami ni Vieve. Mabait naman kasi ang babaeng yun. Pero syempre mas mabait ako :P

"Hindi." Bumuntong hininga ako, parang gusto ko munang mahanap yung kapatid ko bago intindihin ang lovelife ko.

"Bakit iba yung pinahihiwatig ng mga mata mo?" Pinaningkitan ko siya ng mata sandali.

"Hahanapin ko muna yung kapatid ko bago ako lalandi. Hak hak hak." Nalungkot naman ako. Ilang taon na rin ang nakalilipas, pero hindi parin namin siya mahanap. Sinusubukan namin ng mga magulang ko pero parang may malaking dingding na naghaharang sa daan papunta sa kaniya.

"'Wag ka nang malungkot kuya, mahahanap din natin siya." Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Hindi ako sanay sa mood kong 'to, pero nakakalungkot lang talaga.

"Natin?"

"Yes, NATIN. Tutulong tayo, diba Kodie?" Tanong niya kay Kodie na tahimik na nakatingin sa labanan sa harap. Tumango lang ito bilang sagot.

Ang bait nitong babaeng 'to. Magandang pandagdag sa grupo namin. Mabuti nga at siya ang napili kaysa sa Porsh na yun na mukhang tuhod.

Ewan ko nga kung nasaan na yung babaeng yun. Nagvolunteer kasi siya na siya nalang ang dadagdag sa grupo. Since ayaw naman naming lahat sa kaniya dahil, badluck siya para sa aming lahat, si Hazel nalang yung dinagdag ng principal.

Prinsesa din si Porsh. Stepmom lang niya yung kasama niya sa castle nila kaya siguro pumangit yung ugali kasi pangit din yung ugali nang stepmom niya. Bat kaya ganun noh?





Royal Academy ♚Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon