CHAPPIE 57 ♚

27.1K 821 25
                                    

3rd Person's Pov




Sa mga point of view ng mga tao, mga masasama silang espirito; na nakakatakot sila. Ngunit sa point of view naman nila. Peaceful, at paraiso ang lugar kung nasaan sila. Mukha pa silang mga diwata. Nakatayo silang dalawa malapit sa ilog.

"Bakit tayong dalawa lang ang naririto? Nasaan ba tayo at sino ka?" sunod-sunod na tanong ng espiritong Hazel, at nilibot ang tingin sa paligid.

"Ako si Alyn San Buenaventura. At naririto tayo sa isang paraiso." Then, she smile from ear to ear.

Hazel scowled, "Patay ka na pala?"

"Ika'y nagkakamali.." at umiling siya. "Uhh, teka, paano ko ba ito maipapaliwanag?" Tanong niya sa sarili niya. She finally spoke after a minute.

"Si Alyn ay hindi talaga si Alyn.." She started na mas lalo pang ikinakunot ng noo ni Hazel. "*ehem* Ang ibig kong sabihin ay, yung Alyn na nakilala mo sa mundong iyon ay hindi talaga ang tunay na Alyn. Isa siya sa matalik na kaibigan ng emperatris.

Pinagpalit ng emperatris ang aming kaluluwa gaya ng pagpalit niya sa kaluluwa ni Zake na aking kasintahan. Kaya ganoon nalang ang aking galit sa kaniya... ngunit ako'y wala nang magagawa dahil hindi na ako muling makakabalik pa sa aking katawan. Sinubukan kong pigilan siya noon, nung nasa katawan ko pa ako ngunit bigo ako. Masyado siyang malakas kumpara sa isang katulad ko." Mahabang sabi naman ni Alyn. Ay huwaw, ang unti lang ng tinanong ko tapos ang haba-haba ng paliwanag niya. Isip-isip ni Hazel.

"Huh? Pero music lang naman ang kaniyang mahika kakaunti pa ang kaniyang abilities so, papaanong naging sobrang lakas niya?" Nagtatakang tanong ni Hazel.

"Yun ang alam ng nakararami ngunit hindi iyon ang katotohanan. Musika nga ang salamangka niya.. maliban sa iyon ay mayroon pa dahil may kakayahan siyang magnakaw ng mahika sa kahit sinong gusto niyang nakawan. Eh, alam mo naman ang ugali ng babaeng iyon.. tila nawawalang kapatid ni Satanas." Mahaba nanaman na sambit ni Alyn.

"Pero bakit hindi niya ninakaw ang mga mahika ko sa loob ng maraming taon?" Tanong ni Hazel.

"Hindi kasi siya makahanap ng isang taong may hawak ng mahikang Qty.. iyon ang mahikang may kakayanang nakawin ang lahat ng mahika't kakayanan ng isang tao. Kahit gaano pa karami.." Napangiti naman si Alyn.

"Mukhang alam mo yata kung sino ang may hawak nito?" At dahil sa galing ni Hazel bumasa sa expresyon ng isang tao.. ay parang alam niyang may alam si Alyn tungkol sa taong may hawak non. Sino kaya iyon?

"Kilala ko ba?" Tanong ni Hazel na agad namang tinanguan ni Alyn bilang sagot.

"Kilalang-kilala mo siya, Hazel." Ani Alyn. "Isa ito sa mga matatalik mong kaibigan. Siya din ang kailangan mo para ika'y mabuhay muli." Itinaas naman ni Hazel ang kaniyang kilay.

"Sino?" Naiinis si Hazel dahil ayaw niyang hindi siya diretsuhang sinasagot lalo na kung napakaimportante ang topic na iyon.

"Si Dyana," Parang natigil ang mundo ni Hazel, biglang niyakap ang puso niya ng tinding pag-aalala.

"May sikreto si Dyanang hindi niya pa nasasabi sa lahat... lalong lalo na sa'yo. Gustong-gusto niyang sabihin sa'yo ngunit hindi niya magawa dahil pinangungunahan siya ng takot, hindi lang basta ordinaryong takot ngunit matinding takot at pangangamba." Nagsimula naman si Hazel magtampo sa pinagkakatiwalaang bespren niya.

"Ano naman yun?" Tanong ni Hazel.

"Kaya niyang buhaying muli ang isang tao ngunit may kapalit..." Sinadya naman ni Alyn na itigil iyon. Parang ayaw na nga nitong sabihin kay Hazel dahil ayaw niyang masaktan ito ng sobra.

Pero kailangang malaman niya ang lahat ng katotohanan, walang pabitin at nararapat na walang kulang sa bawat detalye.

"Just tell me already!" Sigaw ni Hazel sa inis. Napakahalagang bagay niyon, at kailangan niyang marinig at malaman ang lahat ng mga bagay na hindi niya nalalaman. Na itinago sa kaniya sa napakahabang panahon.

"... ang kapalit nito'y buhay niya o buhay ng mapipili niyang tao." Patuloy ni Alyn, naawa naman siya kay Hazel nang biglang tumulo ang luha nito.

"Mukhang di na ako makakabalik pang muli." Ngumiti ng mapait si Hazel. "Tsk! Okay na sana e. Kaso sana man lang sinabi niya sakin. Ilang years kaming magkasama... nangako pa na hinding-hindi kami magsisikreto sa isa't isa pero ano palang ginagawa niya?" Nagsimula nang humikbi si Hazel. Ano pa ba? Ano pa bang mga itinatago sa kaniya ng mga taong nasa paligid niya?

Bakit pati ang pinakapinagkakatiwalaan niyang tao, may itinatago rin pala sa kaniyang napakadelikadong bagay na pwedeng ikasanhi ng tuluyan nitong pagkamatay sa kamay ng Empress.

"Sana naman maintindihan mo siya.." Sabay haplos ni Alyn sa buhok niya na tila ipinapakalma siya.

"Naiintindihan ko naman. Pero, nagalit pa siya sakin nung nagtago ako sa kaniya... hindi pa yun importanteng bagay. Pero yung bagay na tinatago niya, napakaimportante sakin. Mabuti nga't hindi nalaman ni Auntie. Kitamo? Papaano nalang kung nalaman ni Auntie yun? Eh nakakasama pa naman niya si Auntie lalo na kapag nagpupunta siya sa bahay. Hindi lang yun.. napakapanganib talaga ng buhay niya. Papaano nalang kapag may umatake sa kaniya? Edi hindi ko siya maililigtas." Mahaba niyang sinabi. Bakas sa mukha ni Alyn ang awa sa dalaga, malungkot siyang nakatingin kay Hazel habang ang malamig na hangin nama'y dumadapo sa pisngi niya. Bigla nalang napatigil sa pag-iyak si Hazel.

Napukol ang tingin nila sa kabilang parte ng paraiso. Hindi nakaimik silang dalawa.

Hazel quickly dried her tears using the back of her hand and took a step forward.

"Omg, is that Cymon?!" Gulat na tanong ni Hazel. Alyn slowly nods and took a glance at Hazel. Hazel was about to go to Cymon ngunit pinigilan naman siya ni Alyn dahil may isang diwatang humihila sa kaniya.

"Oo, naririto na rin ang mga kaibigan mo. Ngunit kabaliktaran ang nakikita nila. Matatakot lang sila't mahihimatay kung lalapit tayo dahil masasamang espirito ang nasa paningin nila sa ating lahat. Tsaka, baka kung anong magawa ng multong tayo sa kanila. Kabaliktaran na kasi ang nangyayari... kung ililigtas mo siya, huwag nalang dahil ang kabaliktaran ng pagligtas mo ay ang paglagay mo sa kanila sa kapahamakan." Hindi na nakaimik pang muli si Hazel at nakatitig nalang sa nangyayari.

Biglang nakita niya yung iba pang grupo na biglang hinablot ng tatlong diwata pataas hanggang sa naglaho ito. Kanina, sa pagtingin niya sa mahal niya, parang nagslow motion ang lahat.

At bumabalik ang lahat ng sakit na nararamdaman niya sa puso niya na parang tinutusok ang kaniyang puso nang paulit-ulit.. sumobra rin ang kaniyang pagkamiss sa binata.

"Teka.. saan sila nito dadalhin?" tanong ni Hazel. Ngunit natigilan siya nang makita niya si Cymon muli na nakikipagkamayan sa isang maamong tikbalang.

"Cymon! Tulungan mo ako!" Sigaw ko at naalarma naman si Alyn..

"Huwag kang sumigaw, dahil baka mawala iyang ilaw na nasa may dibdib mo..." sabi ni Alyn sa kaniya at tiningnan naman ni Hazel iyon nang may pagtataka.

Hinawakan niya iyon nang dahan-dahan, pinapagpag at kinutkot niya ngunit ayaw maalis. Akala niya'y napasama lang iyon sa damit niya ngunit parang nanggagaling sa puso ang ilaw na yun namang ikinataka nilang dalawa.

Kakaiba ang dalagang ito.. isip-isip ni Alyn. Bakit umiilaw ang puso niya? Hindi kaya'y, may pag-asa pa siyang mabuhay? O ito'y tanda na siya'y mapupunta na sa langit kung nasaan naroroon ang mga magulang ni Empress?






Royal Academy ♚Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon