CHAPPIE 11 ♚

63.1K 1.8K 64
                                    

Kakapasok lang namin ni Kodie nang pinto sa room at lahat ng nasa loob, nasa akin yung tingin.

Biglang nagtilian yung mga babae na agad namang sinuway ng ibang naingayan, at yung iba naman nakaglare sakin. Ito na nga ba ung sinasabi ko.

Hindi ko nalang pinansin at umupo na ako dun sa upuan ko. Si Kodie hindi pa umupo at nanatili sa pinto habang nakapamulsa. Wala pa siyang place, biglang dumating yung teacher namin, si Ma'am Coleen.

"Introduce yourself infront," Sabi niya agad kay Kodie sabay lapag nang gamit sa mesa. Nagtilian parin yung mga babae. "Quiet please." Tumahimik naman ang lahat.

"Hey, I'm Kodie Austria. The only white prince." He's a prince!? Tama ba yung narinig ko? Bakit hindi niya sinabi sakin? Nakatingin lang siya sakin habang sinasabi yun. Ngumisi pa siya. Urgh, he's reading my mind again.

Deng it, man.

Tiningnan ko naman yung mga classmates ko. Ang sasama nang tingin ng mga babae sakin, well, except sa dalawang nerds.

"You may take your seat beside, Ms. Jimenez." Nagreklamo yung ibang kaklase ko, kaya umingay. Narinig ko ring mahinang nagreklamo itong katabi ko dahil gusto kuno akong katabi.

"Quiet." Ma-awtoridad na sabi ni ma'am humina pero mayroon paring nagrereklamo, may nagdabog pa at kasalanan ng mukha ni Kodie iyon at yung title niya sa ilalim ng pangalan niya.

"Pero ma'am! Dito po oh! Walang nakaupo!" Sabi nung kaklase kong babae tsaka tinuro ung upuan sa tabi niya.

"No, uupo siya sa tabi ni Ms. Jimenez, Principal's behest." Bahagya naman akong napanganga doon. Principal? Anong kinalaman niya dito? Siya kaya yung nag-utos kay Kodie na bantayan ako? Kung oo, bakit naman?

Umalis na si Alexandra, yung katabi ko dala lahat nung gamit niya, at nakangiting naupo si Kodie roon. Inirapan ko lang siya.

Naputol lang ung titigan namin ni Kodie nang nagsalita na si ma'am about sa lesson.

----

Lunch na, ang bilis nang oras noh? Hay, pang-ilang araw na 'to na hindi ko kasama si bestie na mag-lunch.

Nandito kaming tatlo sa lamesa, kumakain kasama si Andrei. Hays, dapat kasi hindi pumayag si Kodie. Parang ang awkward tuloy. Kanina pa kaya kami tahimik.

"Matagal na ba kayong magkakilala?" Tanong ni Kodie saming dalawa. Hay! Mabuti naman at may nagsalita, ang akala ko mamamatay na ako sa awkwardness at saka sa silence!

Tiningnan ko si Andrei na uminom muna ng tubig bago sumagot.

"Yep, since first year magkaklase na kami niyan," Uh-huh, that's true. "Kayo?"

Nagkatinginan naman kami ni Kodie, pero maya-maya ay binaling ko din yung tingin ko sa pagkain.

"YESTERDAY." Sabay naming sabi ni Kodie at nagtinginan kami.

"JINX." Sabay ulit naming sabi. Tinuro ko pa siya gamit yung tinidor.

"Jinx again." Sabi niya nang mabilis. Aish! Naunahan ako! Anubayan.

Ngumisi si Kodie at binaling ko nalang ung tingin ko sa pagkain habang nakapout.

Hays, naunahan ako. Ano nga pala itong JINX na ito? Para siyang laro na kapag sabay kami ng person na magsalita at parehas yung sinabi namin, doon na magsisimula ang JINX. So that means kapag nasabihan ka ng JINX, bawal kang magsalita until sasabihin niya ang name mo.

Royal Academy ♚Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon