CHAPPIE 24 ♚

51K 1.5K 128
                                    

"Spill it already, pinapatagal mo pa eh." Naiinip na sabi ni Andre kay Rex sabay kamot sa hairline niya. Kakapasok lang kasi nila Cymon.

"Okay ka na?" Tanong ni Cymon. I nodded, his lips made a little curve.

"The good news is, 7 days tayo doon sa training center. The bad news is, nadagdagan daw yung mga kakalabanin natin." Sabi ni Rex saka kami bumuntong hininga. Ibig sabihin, wala kaming pasok for seven days? Kaso nga lang madami kaming kakalabanin at siguradong nakakapagod yun.

"Bukas na ba yun agad?" Tanong ko, sa tingin ko kasi hindi pa kaya ng katawan ko kapag sasabak na agad kami sa laban bukas.

"Ang sabi ni Sir, tsaka nalang daw pag magaling na kayong dalawa." Nagtinginan naman kami ni Luke. Great.

"Yes! Makakapagbeauty rest pa ako!" Masayang sigaw ni Andre. Then he raised his fists with full power kaya nasapak niya tuloy si Cymon.

"Putragis! Langya ka!" Kinwelyuhan na ni Cymon si Andre. Nakasurrender si Andre while looking straight at Cymon.

"Tigil, aksidente lang yun." Pag-awat ko kay Cymon. Mukha kasing handa na siyang gantihan si Andre.

Then, binaba nalang ni Cymon yung kamay niya, nakita kong dumugo yung ilong niya then dali-dali siyang lumabas.

"Hala, lagot ka malakas yun par." Panakot ni Kodie. Natawa naman ako sa reaksyon ni Andre. Nanlalaki yung mga mata niya, nakanganga at parang statue na.

"Putragis daw, hala." Pang-asar naman ni Rex para silang nananakot ng bata may pagesture pa na lagot kuno si Andre. xD

"Little sissy oh!" Then tumabi siya sakin. "Away nila ako oh!" Para siyang bata na nagsusumbong sa nanay niya.

"Good luck kay Cymon, big bro. Hala." Nakigaya na rin ako. Umupo siya sa upuan habang nakapout, at nakapatong yung chin sa kamay.

"Hala! Bulings kayo ha, bulings!" Pouting like a kiddo na parang inagawan ng candy. Binatukan naman siya ni Kodie.

Tapos binalot na ng katahimikan ang silid. Napapabuntong hininga si Rex kada minuto. Siguro iniisip yung mga kakalabanin namin.

"Sino nga pala yung babaeng yun?" Nagfaflashback parin sa isip ko yung mukha nung babaeng nakafusion ko.

"Floren." Sagot naman kaagad ni Luke habang nakakrus ang kamay sa dibdib niya at nakasandal sa puting dingding. Floren? Parang nabanggit na ni Auntie yun noon.

"Floren what?" Tanong ko, baka sakaling maalala ko kung sino siya.

"Teka, bakit parang curious ka naman dun. May alam ka ba?" Tanong ni Andre. Ikinibit balikat ko muna ang tanong niya saka sumagot.

"Deja Vu. I think I heard it before, I just can't remember." I held my chin, inaalala kung saan ko nga ba yun narinig. "From Auntie, I guess?"

Nagkatinginan naman sila. Para silang nag-uusap ngayon sa isip nila hanggang sa tumayo si Kodie saka kinausap si Andre.

"Maiwan ka muna Andre, bantayan mo si Hazel." Nagpout naman si Andre na parang ayaw niyang magpaiwan. Saan ba sila pupunta? Hindi na ako nagtanong kasi mukhang seryoso sila.

"Ako nalang." Pagvolunteer ni Luke. Saka lumipat siya nang upuan, na mas malapit pa sakin, sa pwesto ni Andre kanina.

Nagsilabasan na sila maya-maya, kasama rin si Rex. Binalot nanaman ng katahimikan ang silid. Asa namang kakausapin ako ni Luke hanggang sa makabalik sila noh?

Royal Academy ♚Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon