CHAPPIE 9 ♚

65.8K 1.8K 43
                                    

Nagising na ako at dahan dahan kong minulat ang aking mga mata. Nagulat ako nang mapansin ko na nakayakap ako sa kaniya. Siya din nakayakap sakin.

Pwe!<(>///<)>

Bigla akong umupo nang makitang nakasmirk si Kodie at pumikit. Aish! Bakit hindi niya ako ginising o inusog man lang!

Ang awkward pa ng higa namin kasi nakahug ako sa kanya at yung leg ko nakapatong sa legs nya. Ito naman siya nakahug din sakin! Putahamnida!

Nag-init yung pisngi ko. Gosh, anong nangyayari sakin!? Hindi ko siya tiningnan. Baka namumula na ako ngayon na parang kamatis! ㅠ_ㅠ

"Bakit hindi mo ako ginising?!" Sigaw ko sa kaniya habang pinalo sya nang unan sa mukha. Kinuha naman niya ung unan na pinampalo ko sa kaniya kaya nabitawan ko yun.

Pero, since malaya yung kamay ko, pinalo ko siya sa braso niya.

"Ano ba natutulog yung tao! Binubulabog mo!" Naiinis na acting niya. Oo, halata naman! Ano yun? Natutulog naka-smirk? Nakadilat tapos pipikit!

"Che! Bwisit ka! Feel na feel mo naman yung yakap ko! Langya!" Oo na! Ako na assumera pwe! Bakit kasi hinayaan ko siyang dito matulog? Pwede naman siyang magteleport papunta dun sa room niya sa RA. Ano yun? Tinatamad lang?

Kinuha ko ung towel at susuutin ko. Ayun siya, tawa ng tawa. Nakahawak pa sa tiyan niya! Nagtungo na ako sa bathroom. Kainis!


----


Nakabihis na ako nang uniform, nakamedyas na rin ako. Sapatos nalang kulang. Nandito ako ngayon sa tapat ng salamin, nagsusuklay. Si Kodie, nagpaalam umalis muna, nasa RA. na muna yata siya.

Nagbibihis muna ako bago maglinis ng kaunti para kapag natagalan ako sa paglilinis, tapos kapag tinawag na ako ni Auntie, diretso na ako papunta sa kaniya.

Hay! Mabuti naman at umalis muna siya. Naaalala ko nanaman yung kanina. Kinakain na ako ng kahihiyan! >3<

Wag mo na ngang isipin yun, Hazel! Nakakahiya aba, pramis! Household chores ang kailangan nasa isip ko ngayon, household chores!

Natapos na akong magsuklay at tinali ko na nang papusod yung buhok ko. Tumayo na ako para ayusin yung kama ko. Dinampot ko yung unan sa sahig at inayos yung kumot.

Hay! Buti nalang at hindi pumunta si Auntie dito para i-check kung inayos ko ba agad yung kama. Nagwalis walis ako like what I usually do. Pasasalamat na rin kasi 'tong paglilinis ko kay Auntie. Kasi, pinatitira niya ak dito tsaka pinakakain.

Ano kayang pangalan ng parents ko? Ilang taon na kaya sila ngayon? Patay na nga ba sila? Alam ba nilang nag-eexist ako dito sa mundo?

Wala nga akong maalala tungkol sa pagkabata ko. Hindi ko alam kung sino ung mga magulang ko or iba pang kamag-anak bukod kay Auntie. Wala rin naman anak si Auntie o asawa kaya kami lang dalawa ang nandito sa bahay. Except na syempre sa mga katulong or driver, plus sa mga pinapakilala niya sakin na amigo daw niya.

Pinipilit ko nga minsan alalahanin yung past ko kaso, sumasakit lang naman yung ulo ko.

Natapos na ung paglilinis ko ng kwarto ko. Kay Auntie na kwarto naman, lumabas na ako nang kwarto ko. Nilock ko na at nilagay yung susi sa bulsa ko. Still, dala dala ko parin ung walis tambo.

Kumatok muna ako sa nakasarang pintuan ni Auntie, kung may tao ba o wala.

"Auntie?" Walang sumasagot. Baka tulog? Or baka wala? Pinihit ko yung door knob. Oh, wala pala si Auntie. Mabuti kung ganoon, pero, ang kalat naman! ╮(╯_╰)╭

Nagstart akong ayusin ung kama at nilapag ko muna yung walis tambo ko. Pagkatapos kong ayusin, nagwalis ako. Nang matapos naman akong magwalis, nagtungo ako sa shelf niya. Nakita ko kasi yung tatlong basahan na nakapile sa gilid.

Pinunasan ko yung book shelf niya. Aish! Daming alikabok! Nagtakip nalang ako nang ilong ko. Mabuti nalang at hindi ako allergic sa dust.

Isa-isa kong pinunasan pati ang mga libro. May napansin akong kumikinang kaya kinuha ko yun. Libro siya na may cover na crown. Yung crown nilagyan ng design na mga diamonds.

Ang ganda nang pagkakadesign ah?

First time ko nakakita nang ganitong libro. May nakasulat sa likod ng libro. Ewan ko kung ano nakasulat. Hindi ko maintindihan.

Ibang language, don't tell me na marunong si Auntie magbasa ng ganitong language? Japanese language yata? Bubuksan ko na sana para tingnan kung ano ung nasa loob nang libro nang biglang sumigaw si Auntie.

Muntik ko na ngang mahulog ung libro. Papalapit na yung steps niya kaya dali dali kong binalik ung libro sa place kung saan siya nakalagay.

Lagot ako kapag nahuli niya akong may kinakalikot na gamit sa kwarto niya. Pinagpatuloy ko ung paglilinis nang,

Nakarating na si Auntie sa pinto.

"Bakit po Auntie?" Tanong ko. Pero, tuloy tuloy parin yung pagpupunas ko.

"Pagkatapos mo dyan, bumaba ka na para magbreakfast. One hour nalang at start na ang klase." Sabi niya at bumaba na. I have thirty minutes to clean. Mabuti nalang at laging nakaayos ung bag ko. Magsasapatos na lang ako and done!

25 minutes na ang nakalipas. Niligpit ko na yung mga ginamit ko panglinis. Infairness, masakit na ang balakang ko.

Nagstretch stretch ako, at nagpagpag ng damit. Mabuti nalang at laging bukas ang aircon dito sa kwarto ni Auntie kaya hindi ako pinagpawisan. Aircon din naman sa room ko.

Nagtungo ako nang mabilis sa kwarto ko. Urgh, three minutes left. Sinuot ko na ung sapatos ko at dinala ko na ung bag ko. Tiningnan ko yung wrist watch ko. Two minutes left at sisigawan na ako ni Auntie. Tumakbo ako palabas nang kwarto ko at nilock na ung pinto dali dali akong bumaba nang hagdan nang bigla akong natalisod.



~Slow Motion~~




Pinikit ko ung mga mata ko at hinintay na gumulong ako pababa ng may kataasang hagdan. WAAAA! Hindi pa naman siguro ako mamamatay sa ganito ano? Ma-o-ospital lang naman siguro ako?

Hala, baka sumabog ang ulo ko kapag gumulong ako sa hagdan! Nako, hindi naman siguro, huwag naman sana.




Royal Academy ♚Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon