CHAPPIE 39 ♚

38.5K 1K 9
                                    

"Why? Kilala mo ba siya?" I quickly nodded, I surely do know her. Nakailang meet ko na sa kaniya dahil madalas niyang kasama si Auntie.

"She's the mother of Porsh, Auntie's closest friend." Nagtatakang tiningnan naman nila ako nang nagtatanong na mukha.

"Eh yung apilyedo? Magkaiba sila e." Andre asked.

"Sa pagkakaalam ko, her parents are not married." Sabi ko saka pinagsiklop ang kamay sa batok ko. Akala ko mabait yung mother ni Porsh kasi never naman niya akong tinarayan or what. Mali pala ako.

"Ang sabi ni Porsh, wala na siyang parents at sa stepmother na niya daw siya nakatira." Sabi ni Cymon na ikinapagtaka ko. Huh? Sigurado naman akong hindi niya stepmother si Alyn.

Paanong nangyaring may stepmom siya e, nandiyan naman ang totoong mom niya at wala naman akong balita na nag-asawa ng iba yung tatay ni Porsh at Leah—yung older sister niya.

"Ayun yung sinabi niya at marami kaming proof doon..." Siya naman ngayon ang nagkakalikot sa laptop.

After a while, ipinakita niya sakin yung lahat ng pictures na magkasama sila at mukhang si Porsh lang ang masaya. Parang badtrip silang lahat kaya, natawa naman ako.

May isang shot na may kasama silang mukhang 30s na ang age. Kaya, hinablot ko sa kaniya yung laptop at zinoom-in ko yung picture... and now... isang tao nalang ang nakikita ko... isang taong kilalang-kilala ko.. 

"This is her older sister," Paninimula ko. Tumingin ako sa kanila. Tumingin na ulit ako sa picture. Kilalang-kilala ko siya, dahil, kasabwat siya ni Porsh sa pambubully sakin dati sa loob at labas ng mansion ni Auntie.

Tapos yung feeling na ako pa yung may kasalanan kapag nilabanan ko sila. Mas kinakampihan pa nga ni Auntie ang dalawang yun. Ayos diba?

Ang sabi kasi nila, weak ako at sila ang malalakas. Ilang beses na nilang napatunayan yun kaya ito, nawalan ako ng tiwala sa sarili ko. "I guess, kaya lang nila pinakalat na si Xyrie ang stepmom dahil sa tingin ko may pinagtatakpan sila pero hindi ko naman alam kung ano..." May napapansin ako noong kakaiba talaga between doon sa tatlo—Alyn, Porsh, and Leah.

"Pinagtatakpan? Paano mo naman nasabi yun kung hindi mo alam yung rason?" Tanong naman ni Rex. Napahawak nalang ako sa batok ko. Hayyssst... feeling ko talaga may mali, promise.

"Basta, feeling ko may mali. Hindi normal ang pagkilos nila tuwing kasama si Auntie,  talagang parang may tinatago sila lalong lalo na si Alyn." Napakamot nalang kami sa ulo. Gulo naman nito!

"SRG, pwede na kayong pumasok. Ayos na ang lagay niya. Kailangan nalang niyang magpahinga." Napangiti naman kami at nakahinga na ng mabuti nang sabihin yun ng doktora. Except pala kay Luke na laging blanko lang ang mukha na parang nag'I don't care' or 'Whatever' sa utak niya.

Kung nakakabasa lang sana ako ng utak. :<

Pumasok na kami at nagpaalam na rin yung doktora. May kakalabas din na nurse at nginitian ako na agad ko namang sinuklian ng tipid na ngiti.

Nakapasok na kami at si Andre na ang nagsara ng pinto. Umupo sila Cymon and Rex doon sa upuan at nilapag yung mga dala nilang laptop sa mesa. Saka kinalikot iyong muli.

Nilapitan ko si Kodie na mahimbing na natutulog.

'Sorry, nagalit kita kanina.' Pagpapasensya ko sa kaniya sa isip ko. Hindi kami umimik nang ilang minuto. Nakatitig lang ako sa kaniya. Nag-uusap na nga sila nila Rex and Cymon pero, wala akong balak makinig mamaya nalang.

'It's fine. Kasalanan ko rin naman, sorry din.' Nagulat nalang ako mukhang napansin nga nila Andre at Luke kaya saglit na lnapatingin silang dalawa sakin.

"Anmeron shatin beshi?" Pagirly na tanong ni Andre na mahina kong ikinatawa. Lumapit si Andre kaila Rex at Cymon saka nakipagdaldalan.

'Pfft, you almost looked like a tarsier.' Ang sarap kurutin sa KAMAY si Kodie! Doon sa kakagaling niya lang na sugat! Tsk. I rolled my eyes, then, he continued laughing sa isip ko hanggang sa maubo na siya. Oh ayan, ang bilis ng karma! Buti nga! :P

Then, nagsilapitan silang apat dito sa amin.
"Okay ka na par? Sayang puputulin ko na sana yung kamay mo na may sugat para mawalan ka na ng--" Bigla namang sinenyasan ni Kodie sila Rex at Cymon saka bigla nalang nilang tatlong binatukan si Andre.

Napasimangot ito saka hinaplos ang kakawang batok nito.

"Yeah mukhang may napasok kanina sa katawan ko pero, hindi ko malaman kung ano yun, siguro poison." Napatango nalang ang ilan ng ilang beses.

"When? Nung nahiwaan ka ni Empress?" Cymon asked as he turn around at bumalik sa pwesto niya at may kinalikot ulit doon.

"Yes, paano mo nalaman?" Tanong ni Kodie kay Cymon. Napatingin kaming lahat kay Cymon na saglit na kinalikot yung laptop at nagtungo na dito sa pwesto namin habang dala-dala yun. Hinarap niya sa aming lahat yung laptop. Mariin namin iyong tiningnan.

"Teka, papaanong may poison din na itim sa knife niya? Akala ko ba wala pang nakakagaya sa bago nating poison sa gold weapon?" Tanong ni Rex.

"Iba," Napatingin kaming lahat kay Luke. Ang akala namin ay magsasalita pero, tinanguan lang niya si Cymon na parang nagsasabing siya nalang mag-explain. Tinatamad talagang magsalita ang isang 'to. Kailangan niyang maghire ng taong tagapagsalita niya.

"May punto si Luke par. Iba 'tong poison niya base sa research na ginawa ko kanina lang, mas matindi ito kaysa sa atin. Tatlong minuto nga lamang ang pagkalat nun." Pagexplain ni Cymon. Napukol ang atensyon namin sa nagbukas ng pinto ang doktora lang pala. Tuluyan itong pumasok saka sinara ang pinto ng walang ingay.

"Mabuti na nga lang at hindi yaon kumalat sa puso o sa utak niya. Dahil kapag ganoon, kahit hindi pa siya abutin ng tatlong minuto matitigok na siya," Bigla nalang akong kinabahan. Tama sila, mas matindi ito sa mga bago naming mga armas.

Hindi kaming lahat nakaimik sa sinabi ng doktor. Huminga ng malalim ang doktora saka ipinagpatuloy ang pagsasalita, "Ang galing ng ginawa mo Kodie, hanga ako sa'yo." Nginitian niya si Kodie saka lumabas na rin naman agad na parang narinig niya ang pag-uusap namin at hindi niya mapigilang hindi makisawsaw.

"I'd tried to stop the poison from passing through my veins and arteries mabuti at tumulong yung doktor plus may pinainom siya saking kung anong mapait." Napangiwi si Kodie na parang naalala nanaman yung lasa ng gamot na nainom niya. Napatango nalang kami. I'm glad na hindi nagkalat yung poison. Muling bumukas ang pinto at hindi ako natinag nang gulat na napasigaw si Andre.





"Porsh?!"





Royal Academy ♚Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon