CHAPPIE 42 ♚

37.8K 1K 49
                                    

Dedicated to : BryanCapili3





"Luke..." Tawag ko sa kaniya. Tiningnan niya ako saka bigla siyang nagkwento.

"Once I had a lover, but then she left me. Love hurts. Hazel, mahal kita." Naalala ko naman yung sinabi niya sa akin noon. Na may gusto daw sakin si Kodie na hindi ko naman agad pinaniniwalaan.

Parang mas masarap pakinggan ang tagalog ng I love you. Damang-dama ko habang hinawakan niya yung pisngi ko saka inilapit niya ang mukha niya sakin.

Napapikit ako nang maduling sa sobrang lapit na ng mukha niya sakin. Saka ko naramdaman yung labi niya sakin. Ramdam ko yung pagmamahal niya sakin.

Saglit lang yun at nang ilayo na niya yung mukha niya sakin, dumilat na ako at nginitian niya ako ng malungkot. Sana balikan siya ng nang-iwan sa kaniya, dahil magulo ako. Ayoko rin namang saktan siya kung sakaling darating ang araw na mamimili na ako.

He deserved better, yung siguradong mahal siya. Yung walang pag-aalinlangan. Mabait si Luke, hindi lang siya basta-basta nagbibigay ng iba't ibang emosyon.

"Mahal mo pa ba siya?" Tanong ko kay Luke. Ibinaba niya yung kamay niya saka nag-iwas siya ng tingin. Hindi siya sumagot at ipinagpatuloy ko ang pagsasalita. Bigla kong napansin na parang galit siya. Siguro naaalala nanaman niya yung noon. "Luke, kung sakali bang balikan ka niya at nawala na ang galit ng puso mong yan... tatanggapin mo ba siya ulit?" Tanong ko ulit.

Pero hindi siya sumagot. Bumuntong hininga lang siya. Ilang minuto kaming nagtitigan bago ko naisipang umalis na. Kailangan niyang magpahangin, mag-isip isip.

Bumalik na ako sa kwarto ko kahit ayaw ko pa siyang iwan doon, pero kailangan talaga niyang mag-isip. Malay mo, natabunan lang pala ng galit ang puso niya at mahal niya pa ang babaeng tinutukoy niya.

Biglang may kumatok at dahan-dahang bumukas yung pinto. Si Rex lang pala, bakit siya nandito?

"Anong problema?" Tanong nito saka sinara na niya yung pinto at tuluyan nang pumasok.

Umupo siya sa tabi ko. Tiningnan niya lang ako like he's waiting for me to respond. Few minutes passed when I finally spoke.

"Choosing between two different people. Who to pick?" Nakarinig ako ng pagpitik ng finger saka bigla niyang tinuro yung heart ko.

"Wag mo nang problemahin yan, let that heart choose." Medyo na gets ko naman siya pero--

"How? When?" Mahinang tanong ko, pabulong na nga. Hinawi ko yung buhok ko na nakatakas sa mukha ko at sinabit sa tainga. Nasa harapan ko siya ngayon.

"Walang nakakaalam kung kailan titibok yan sa isang tao. Basta kapag naramdaman mo, grab that man and kiss him without hesitation." Natatawang sabi ni Rex saka natawa na rin ako.

"Alam kong minsan lang tayo mag-usap ng ganito pero gusto ko sanang sabihin na masaya ako na nandito ka. Kababata ko si Luke at once in a blue moon ko lang siyang nakikitang naglalabas siya ng emosyon at madalas na magsalita. At yun ay kapag nagmamahal siya." Tumigil muna siya para bigyan ako ng matamis na ngiti. "Dalawang beses ko palang nakita siya ganiyan." So mahal nga ako ni Luke?

'Attention, SRG please proceed to the portal. May mga bago kayong mission.' Rinig namin ang boses ni ma'am Zoe. Saka biglaang may portal na lumabas sa harapan namin. Nagkatinginan muna kami ni Rex bago kami pumasok sa portal.

"Ano naman kaya yun?" Tanong nito na ikinibit balikat ko lang dahil wala rin akong alam sa missiong binanggit ni ma'am Zoe kanina lang. Split seconds lang at nahuli nalang namin ang sarili namin na nakaupo sa parang private airplane.

Royal Academy ♚Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon