CHAPPIE 33 ♚

40.9K 1.1K 24
                                    

"Bagong villans yun ma'am noh?" Paninigurado ko. Kakatapos lang nang training at napuruhan yung kaliwang balikat ko.

"Yes. Actually marami pa nga yun, pero since matagal kayong magees-stay dito. Iisa-isahin namin." Hindi ko nga magalaw yung balikat ko kasi sobrang sakit. Didiresto sana ako kay Hazel nang pigilan ako ni Kodie.

"Teka, par." Hinawakan niya yung balikat ko at napangiwi naman ako sa sakit. Leche, gagamutin na nga lang didiinan pa. ARAY!

'Wag ka ngang maingay.' Naiinis na sabi niya. Umiling nalang ako at napangiwi ulit. After some minutes, tinanggal na rin niya yung kamay niya sa balikat ko.

Tiningnan ko at wala nang dugo. Tinuro niya yung sugat sa may bandang paa ko at napangiwi ako dahil, may nilagay siya nang kung anong liquid kasama nung mahika niya at sobrang hapdi. Parang nilagyan nang alchohol na sobrang tapang.

Maya-maya'y tumigil na rin siya at wala na yung sugat dun. Ginalaw ko yun at yung balikat ko. Yes!

'Salamat.' Sabi ko sabay tapik sa balikat niya. Tumango lang siya sabay abot sakin ng towel saka dumiretso na ako kay Hazel.

Nakarating na ako doon at hingal na hingal parin ako dahil sa laban, plus tumakbo pa ako. Huk huk huk :( Pinapagod nila ang gwapong tulad ko.

Sinipa ko yung pinto at bumukas na ito—biro lang xD—Pinihit ko yung door knob saka dahan-dahang tinulak pabukas yunga pinto at nakita ko si Hazel na natutulog.

Nagflaflash back parin sa isipan ko, yung tanong niya kanina. Nakita kaya niya yung kapatid ko doon? Sana naman :(

Gumalaw yung kamay niya at dali-dali ko naman yung hinawakan at sa wakas ay dumilat na siya. Kinusot niya yung mata niya saka ako nginitian.

"Okay ka na?" Tumango naman siya agad. Sinubukan kong basahin yung isip niya at nakakapagtataka dahil hindi ko mabasa.

'Ma'am, bawal na gamitin yung mahika?' Paninigurado ko, naupo ako sa gilid ng kama sa tabi ni Hazel.

'Bawal niyo muna siyang basahin. Ako ang nagharang sa isip niya.' Mas lalo naman akong na-curious doon, may tinatago ba sila sa amin? Kung mayroon nga, ano naman?

Pakiramdam ko talaga ay mayroon. Iba yung kinikilos nila.

"Ang lalim yata ng iniisip mo, kuya." Tsaka lang ako natauhan at natigil sa kakaisip nang magsalita siya.

"Hindi, nag-aalala lang ako sa'yo."

"Kuya, okay na ako e ikaw? May dugo yung damit mo oh, kwento naman diyan." Hinawakan niya yung dulo ng manggas ko saka tiningnan kung may sugat.

"Napuruhan ako kanina, pero, okay na rin ako." Ibinaba na rin niya yung kamay niya saka tumingin na sa akin.

Natigil naman kami sa pag-uusap nang may kumatok. Tiningnan lang namin yun at natahimik nang binuksan ng kung sino yung pinto.

Si Luke lang pala.

Isa pa 'to, silang tatlo nila Kodie parang may tinatago pa sila sa amin sa hindi ko naman malaman na dahilan. Leche, makausap nga muna yung kumag na yun.

"Teka, maiwan ko muna kayo, kausapin ko lang muna si Kodie." Tumango silang dalawa pero, tahimik parin sila. Napailing nalang ako saglit at lumabas na ng kwarto.




Hazel's Pov






Napatigil naman kami at natahimik nang may kumatok. Pagkabukas nang pinto, nakita ko si Luke. Pumasok na siya at dahan-dahang sinara yung pinto at nakatitig lang sakin.

'What?' Tanong ko sa kaniya na nakatigil lang sa pinto. Nakatitig lang siya sakin kaya ilang minuto din kaming nagtitigan. Naputol naman iyon nang tumayo si Andre.

"Teka, maiwan ko muna kayo, kausapin ko lang muna si Kodie." Hindi ko alam kung sinadya ba niya ang pag-alis o hindi. Pero wala na akong pake doon.

Ang tanong, kung bakit nandito si Luke. Ilang minutong titigan saka niya naisipang maupo sa upuan malapit sakin, sa kaliwang banda.

"Gusto mo ba si Kodie?" Naubo naman ako dun sa tanong niya. Huwaw, hindi man lang ako nainform! Diretsuhang tanong! Amp. "Sorry, just asking please tell the truth."

Ilang minuto din akong napatitig sa kisame at hindi nakaimik.

"To be honest, Idunno. Bakit?" Hindi niya ba alam na nakakagulat yung tanong na yun? Tinuturing akong kapatid ni Kodie, pati na rin si Andre. Kaya hindi ko naisip ang ganung bagay.

"Sorry for making stuffs complicated or something. Pero, confirmed na gusto ka nga ni Kodie." Mahina niyang sinabi saka napaiwas ng tingin. Bakit ang honest niya?

Siguro dadating ang panahon na pipili ako, ano? Pero huwag muna ngayon. Kailangan ko munang magpa-chill chill at iwasan muna ang mga ganiyan para hindi magkagulo.

Bigla nalang may bumukas sa pinto kaya, napatingin kami doon, si Kodie. Bigla nalang siyang tumakbo paalis nang makita kaming dalawa dito. Nagkatinginan kaming dalawa ni Luke.

"Anyare dun?" Tanong ko at nagkibit balikat lang si Luke.





Luke's Pov
>>




'Luke, ikaw na next.' I heard ma'am said. Tumayo naman ako at tiningnan lang ako ni Hazel.

'Goodluck.' Nagpaalam na ako kay Hazel na aalis na at tinanguan lang niya ako habang nakangiti ng tipid. Nakapamulsa lang akong naglakad papunta doon sa gitna. Si Vieve yung kasama ko ngayon sa laban.

"And, now." Sabi ni ma'am Zoe na nakatingin sa wrist watch niya at bigla na lamang nag-iba ang paligid.

Maraming nagdadatingan na puros nakatakip yung mga mukha at nakadark red na cloak silang lahat.

Kinalaban ko sila with my bare hands. Mano-mano na muna.

Biglang may sumipa sa likod ko kaya, napadapa ako dito sa lupa. Tumayo naman ako agad, pinagpag yung damit ko at nilingon siya.

Nanlaki yung mga mata ko saglit—siguro mga segundo lang—nang makita ko yung mukha niya. Takte, siya nga talaga pero hindi na ako nagbigay nang emosyon. Wearing my usual poker face, niready ko na yung espada ko.

Nginisian niya ako, "Long time no see, loser." Itinaas ko lang yung kilay ko at pinatatamaan yung mga binabato niya sa aking mga bato na galing dito sa paligid. Bakit kasi ang daming kalat na bato dito?

"Porsh." Naiirita ako sa mukha niya, pati sa paraan ng pagtawa niya pero hindi ko nalang iyon pinansin.

Malala na ang babaeng 'to. Ang dating nagvolunteer na mapasama sa grupo ay kasama na ngayon sa isa sa mga kalaban. Nasobrahan na sa paghithit ng rugby.

"Oo, ako nga *evil grin."





Royal Academy ♚Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon