CHAPPIE 48 ♚

33.3K 971 109
                                    

Dedicated to : ms_pink_ella

-------





Nagtaka naman ako where's mine?

"Ay, oo nga pala.. Si Kodie, mamaya nalang daw siya." Sabi ni Kuya. Napatango nalang ako. Idunno but, parang bigla nalang ako nakaramdam ng miss? Sabagay, kababata ko nga naman kasi.

"Si Empress nga pala, we need to grab her down to hell." Nakangising sabi ko. Mukhang nagets naman nila ang binabalak ko, then, nag-apir kaming lahat.

"Dapat lang noh, kaso baka masira nanaman ang beauty natin." Sabi ni Kuya flipping his invisible hair then binatukan siyanila Cymon. "Sissy oh! away nila ako." I just chuckled when he pouted.

"Labas na kami. Babyeee~!" Tumango lang ako nang nagpaalam na sila isa-isa and after some few minutes. Si Kodie naman ang pumasok. He locked the door nang nakapasok na ang lahat ng butterflies na may hawak na isang malaking tarpoline na white. Nagplay na yung video doon sa tarpoline na hawak ng butterflies. My tears just keep escaping while watching it. Hindi ako natinag. Nakatulala nalang ako nang matapos na yung video.

Kaming dalawa yung nasa video nung childhood times namin. Nagtatakbuhan, harutan.. tayaan, at iba pa. Nagpi-picnic naman yung isang scene at pinakita dun yung madungis naming mukha at, pinunasan naman niya iyon. Tawa lang kami ng tawa kasama na si Reyna... my mom. I love the way she laugh, napaka-angelic... parang ang bait bait niya. Pero, naalala ko, sumanib nga pala siya sa mga kalaban.

Then, si Kodie Austia. Ang white prince ng kingdom niya. Nakakatawa lang dahil alam kong siya ang first crush ko noon pa.

Binigyan naman niya ako ng isang palumpon ng mga rosas. Napangiti naman ako nang punasan niya ang luha ko gamit ang thumb niya.

"Tsk, crybaby." Natawa naman ako and then, lumuhod siya hawak hawak ang kamay ko.

"Huy, anong ginagawa mo?" Gulat na tanong ko sa kaniya. May kinuha siyang something sa pocket niya at saglit akong tiningnan.

"Will you be my girlfriend?" Napaisip naman ako doon. Pinipigilan ko ngang matawa kasi parang kabado siya.

"Mahal mo ba ako?" Tanong ko muna sa kaniya pabalik. Mabilis naman siyang nakasagot doon.

"Oo, at hayaan mo akong patunayan yun sa'yo." Sabi niya sakin saka ako nginitian. Ang corny ko ba kapag sasabihin kong ang gwapo niya sa tuwing nginingitian niya ako?

"Hindi mo ba ako iiwan?" Sunod na tanong ko naman sa kaniya. Gusto ko lang manigurado. Agad siyang umiling.

"Ang tagal kitang hinintay, tapos mapupunta lang pala sa wala?" Bigla namang parang natunaw sa kilig ang puso ko doon. Yuck, nakakacorny nga talaga kapag nagmamahal.

"Sasagutin mo ba ako o hindi? Kahit yes or no lang, please wag mo nang patagalin, mamamatay na ako sa kaba dito--" Hinila ko siya palapit sakin saka saglit na hinalikan siya para matahimik na, bago ko ibinigay ang sagot ko.

"Yes, I love you." Tama sila, magugulat ka nalang at bigla mong masasabi sa taong mahal mo siya ng walang pag-aalinlangan sa puso mo. Bigla nalang pala itong titibok sa isang tao sa hindi mo malamang dahilan.

Magkadikit ang noong isinuot niya sa akin ang kwintas na nakalagay sa hawak niyang maliit na box. Lumayo siya sakin nang tingnan ko yung bigay niyang kwintas. May nakasulat doong 'mine'.

Royal Academy ♚Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon