CHAPPIE 19 ♚

51.1K 1.6K 54
                                    

Hahakbang na sana ako palayo sa room ko nang dumating yung SRG.

"Kodie, please! Payagan mo na akong sumama sa inyo. Kaya ko namang lumaban." Nagpunch ako sa harap nang mukha niya. Hindi ko naman siya sinuntok. Well, almost.

Nakataas parin yung kamay ko sa harapan ng mukha niya. Huminga siya nang malalim at binaba yung kamay ko. Nasa likod niya yung groupmates namin. Si Andre and Rex pala wala, inutusan nang teacher kanina lang. Ewan ko kung anong inutos, pero mukhang importante.

"No. Gusto mo bang mapatay ka nang maraming babae?" Tanong niya. Hinipan ko yung strands ng buhok ko na tumakas papunta sa mukha ko.

"For the nth time, I can handle myself bruh, I really do!" I yelled at him saka sinamaan siya ng tingin. Nagpamulsa siya. Aba, wala ba siyang tiwala sa lakas ko? Is it because of my gender or is it because he don't fully trust me?

"Fine, bahala ka kapag mapatay ka nila. Ikaw may gusto niyan." Sabi niya at tinalikuran ako. Napa'Yes' naman ako. Alright.

"Psh, as if namang hahayaan niya akong patayin ng mga fans niya kung papatayin nga nila ako." Bulong ko sa sarili ko. Nakasunod lang ako sa kanila habang naglalakad. Nilingon naman niya ako, naka-kunot yung noo.

"Ano?" I tried my best not to laugh at his funny questioning face.

"Wala po!" I giggled and nilagpasan siya sa paglakad. Nahagip ng mata ko si Andre and Rex. Patungo sila sa amin. Nakasmirk naman ako habang nakatitig kay Andre. Tiningnan niya ako at mukhang nagets naman niya yung mukha ko.

He just chuckled. I point Kodie, using my thumb. Tiningnan namin si Kodie. He looks pissed. Hindi kasi narinig yung sinabi ko kanina plus pinilit ko pa siya na pumayag na sumama ako sa kanila in public.

Nakalapit na silang dalawa sa amin at tumabi sa akin si Andre.

I whispered, "Ang cute niya pala pag ginagalit." Ngumisi naman si Andre. Maya-maya nabaling ang tingin ko kay Luke. Teka, pinag-aaralan na naman ba niya ako?

Tinitigan ko rin siya wearing my poker face. I raised my eyebrow that made him look away. Okay, that's creepy.

Nakarating na kami sa room. Based on the papers na binigay ng principal, isang section lang daw yung Special Royalty Group (SRG)—sino naman kaya ang mag-imbento ng pangalan na iyon?—Wew, atleast hindi ako mamomroblema sa mga tilian ng mga babae kapag nasa classroom.

Nakarating na kami sa room at isa-isa kaming pumasok. Hinila ako ni Andre papunta sa gilid na part. Sa tabi nang bintana. Tumabi siya sa bintana at ako naman yung katabi niya. On my right side, si Luke yung umupo. Hays! Bakit siya pa ang kailangan kong makatabi? He sure is freaking me out.

Hindi ko nalang pinansin si Luke. Ayan nanaman kasi siya titig nanaman sakin.

'Wag mo nang pansinin yang si Luke. May gusto lang yang kumpirmahin.' Kausap ni Andre sa akin sa isip. Tiningnan ko siya, so does that mean na may kailangan din siyang masagot na tanong sa isip, gaya ko?

'He's creepy. Ano bang kailangan niya sa akin? He should've ask me than find answers on his own by staring at me. Can someone please stop him?' Tanong ko sa kanila.

'You know, you can't stop Luke from doing that.' Nainis naman ako sa sinabi ni Kodie na nasa harapan ni Luke. Nakalingon siya sa amin ngayon.

'Amoy na amoy, is it real? is it real? Nesfruta! Kitang-kita! Real na real! Dandandan dalandan!' Bigla ko namang narinig na kumanta si Andre.

Ayan nanaman, narinig ko nanaman ang nesfrutang yan. Hindi ko nga alam kung endorser ba ito noon ng nesfruta kasi mukhang kabisado niya yung lyrics.

Maya-maya bigla nang dumating yung prof.

"Annyeong este good day, SRG!" Biglang bati ng lalaking teacher. Siya siguro yung first teacher namin. Marunong siya magkorean! Ang cool naman niya.

"Well thank you, Miss Jimenez." He can read minds too? Aish. Nakakahiya naman! >•<

"Good day Sir/Annyeonghase--I mean good day, Sir." Ops. I probably should reply in english pala. Mianhae na, marunong din kasi ako mag korean. Nadala lang ako kay Sir. (^^)7

"O? Mukhang may makakasundo ako dito ah." Tingin ko mid 40's na siya. Medyo may puti-puti na nga ang itim na buhok niya.

Tiningnan ako ng kagroupmates ko. Pero maya-maya rin ay binaling na nila ulit ang tingin kay Sir.

"Okay, let me introduce myself first since hindi pa ako kilala ni Miss Jimenez, I'm Sir Erik. Now, Miss Jimenez, stand up and introduce yourself to me." Tumayo ako. Walang kaba o kung anong bumabalot sa akin. Mukhang mabait naman kasi si Sir, mahinahon siyang magsalita at maamo ang mukha niya.

"Hallo, I'm Alzea Hazel Jimenez. Most peeps call me Hazel. 17. I live with my Auntie since my both beloved anonymous parents already passed away." Magsasalita pa sana ako nang magtaas ng kamay si Luke. Pinatayo naman siya ni Sir Erik. He'll probably ask questions.

"Sinong may sabi na patay na yung parents mo?" Gusto ko sanang tanungin kung bakit siya curious doon pero ikinibit balikat ko nalang iyon.

"My auntie." Tipid na sagot ko, looking at him. Rex raised his hand and pinatayo din siya ni Sir but hindi naman siya tumayo.

"Ano daw cause nang pagkamatay nila?" Tanong naman niya. Bakit sila nagtatanong tungkol sa mga parents ko? Hindi ba yun masyadong personal na since kakakilala ko lang sa kanila?

"I don't know." Kailangan pa ba nang explaination? Sunod na nagtaas naman si Cymon ng kamay.

"Bakit hindi mo alam?" Oh pinagtutulungan ba nila ako sa pagtanong sa parents ko? Akala ko ba si Luke lang ang may tanong na nasa isip niya na sa tingin ko ay nasagot ko na kanina lang.

"Ayaw sabihin sakin ni Auntie." Nakayuko kong sabi. Pero inangat ko na rin yung ulo ko maya-maya at tiningnan si Sir. Nakahawak siya sa chin niya na parang may iniisip.

"Curious ata kayo sa parents ni Hazel? Bakit, may alam ba kayo tungkol doon sa topic na 'yon? O sadyang mga chismoso lang kayo?" Tanong ni Sir sa kanila sabay ngisi. Naggesture siya na pwede na akong maupo na ginawa ko naman agad.

Napansin din pala ni Sir na curious sila. Why so curious? Possible kayang may alam sila tungkol doon? Pero, bago ko lang naman sila nakilala. Hindi pa ganun katagal. Wala din naman kaming past. Dahil kung mayroon man, matatandaan ko naman sila agad. Hindi naman ako gurang na mabilis na nakakalimot.



Teka, wala nga ba kami talagang PAST?

Royal Academy ♚Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon