CHAPPIE 63 ♚

24.7K 711 36
                                    

Dedicated to : HolyAdolfo

-----




Hazel's Pov


Pasikreto akong nag-iipon ng malaking enerhiya. Habang si Zake naman, ay nakatutok parin ang Black magic sa akin.

"Tama yan! Patayin mo na siya, Zake! *evil grin*" I heard Empress said. Nag-aalangan pa ako nung una kung papatayin ko na ba ng tuluyan si Zake na kontrolado lang naman ni Empress at walang ka-alam alam sa lahat ng nangyayari. Pero bigla ko nalang kasi narinig si Alyn, ayos lang naman daw sa kaniya para daw magkasama na sila sa langit.

Mabilis ang pangyayari. His black magic suddenly ran towards me like a flash of light. Split second and I immediately let go my power. Umikot ito sa kaniya, at tinamaan ang puso niya. Pati na rin ang lahat ng kalaban na malapit sa amin... marami sila.. maraming natamaang kalaban kaya nakaramdam ako ng katiting na tuwa ngunit nakakaramdam na rin ako ng panghihina.

Habang kumakalat ang White magic ko, nakakaramdam ako ng sobrang laking enerhiya. Medyo masakit sa pakiramdam, namamanhid ang kamay ko, kaya'y bigla ko nalang napatigil ang ang aking mahika.






3rd person's Pov





Puno na ng usok ang kapaligiran. May invisible barrier din silang ginawa sa Royal Academy dahil baka masira ito, na ayaw mangyari ng lahat. Pinakaiingatan kasi ito noon pa. Ngunit ang malaking lupain na nasa paligid ng R.A., malapit nang magsara ang invisible barrier. Patuloy parin ang pagpasok ng mga kalaban sa space sa tuktok. Pabilog ang ginawa nilang barrier, sinama nila ang underground dahil baka may dumaan sa baba ng hindi nila nalalaman.

Yung mga bata, naroroon lang sa loob ng R.A., kasama ang tatay ni Kodie at ilan pang mga guro.

Hindi na namalayan ni Kodie na napapalayo na siya kay Hazel. Dahil focus siya ngayon sa pakikipaglaban. Sipa dito, lazer doon.. sapak dito, siko doon. Nagulat siya nang makitang nakahandusay na si Floren na kanina lang ay kinakalaban niya. Doon lang niya napagtanto na ginamit na pala ni Hazel ang mahika niya.

"Hindi mo pa nalalabas ang lahat, Hazel." Bulong niya sa sarili niya at napasinghap ng may sumapak sa kaniya.

Si Empress, lumipad ng mabilis papunta kay Hazel at sinakal siya ng malakas. Halos hindi na makahinga si Hazel, at namumula na ang mukha. Pinilit ni Hazel na tanggalin ang kamay ni Empress sa leeg niya. Sinipa niya ito, at napatalsik naman si Empress sa isang putol na puno. Naumpog ang ulo nito sa isang bago nang bumagsak ito. Napangiwi pa ito sa sakit at dahan-dahang hinawakan ang ulo niyang nagdurugo.

"Pakyu, bitch!" Malakas na sigaw ni Empress. Rinig ito hanggang sa malayo. Kaya'y napatakip si Hazel. Muntikan lang naman siyang mabinging muli. Nagpalabas si Empress ng purple magic na galing sa puso niya. Kumislap ang mga mata nito and gave Hazel a death glare. Tinaas lang ni Hazel ang middle finger niya kay Empress na mas lalo pang ikinainis nito.

Bigla nalang lumitaw ang mom at dad niya na may itim na lubid na nakatali sa leeg nila. Napatakip naman si Hazel ng bibig. Nagdilim ang buong paligid. Tanging naririnig lang ni Hazel ngayon ay ang bunganga ni Empress noong nasa Mansion pa nito sila. Nakakabingi ito ngunit hindi si Hazel natinag. Nakatakip lang ang kamay nito sa bibig niya at naluluhang nakatitig sa mom at dad niya.

"No!" Biglang nag-iba ang backround. Forest na putol ang lahat ng puno except sa isang puno na tanging nakatayo sa ilalim ng liwanag ng buwan. Bigla nalang lumitaw muli ang nanay at tatay niyang nakabigti at patay na... na ikinagulat naman niya. Sa gulat niya, napahawak siya sa puso niya at napaatras. Mas lalo niyang ikinagulat at ikinaiyak nang lumitaw si Kodie na parang kabute—duguan ito at may saksak ng itak sa ulo, gutay-gutay pa ang damit nito—at bigla siyang nakarinig ng..

"Fragile." Familiar ang boses na yun. At dun niya naalala yung boses nung sinira niya ang libro. Boses ito ng Lolo niya.

Fragile...

Iyon ang papatay sakin. At ayoko nang matigok pang muli. Sayang ang buhay ng bestfriend ko kapag sasayangin ko ang pangalawang buhay ko. Isip ni Hazel.

Masayang nakangiti si Empress sa labas ng ilusyon habang nakatingin sa kaniyang relo. 2 minutes nalang at mapapatay na niya si Hazel.

Sa loob ng ilusyon, nagbago ang scenario. Nakapalibot sa kaniya ang lahat ng malalapit sa puso niya. Lumitaw ang mahabang espada sa kamay niya. Umikot siya para tingnan ang lahat ng nakapalibot sa kaniya. Naroroon si ang SRG, ang parents niya, atbp. Biglang may kumanta sa kung anong tono, at alam ni Hazel na si Empress iyon. "Kailangan mong patayin silang lahat~"

At doon, nanghina ang tuhod ni Hazel. Kung hindi siya nakakalipad, ay matagal na siyang nahulog sa malaking wishing well sa ilalim nila. Yumuko si Hazel para tingnan ito, ngunit nagsisi rin siya kung bakit pa niya ito tiningnan. Masyadong nakakatakot.

Naalala niya ang sinabi ng Lolo niya kanina lang. Ang salitang iyon ang nagpatatag sa kaniya. Tiningnan niya ng isa-isa ang lahat ng taong nakapalibot sa kaniyang muli. Ang mga mukha niya, nakangiti at nakatitig lang sa kaniya. Na mas lalo namang nakakirot sa puso niya. Nakikita niya ang glow ng light na papalapit na sa puso niya, kaya't mabilis niyang pinagsasaksak ang lahat ng naroroon. At sa wakas, ay nakalabas na siya ng ilusyon.

Gamit ang White magic niya, tinutok niya agad yun sa puso ni Empress at pinatamaan ito ng malakas, since nakalabas ang purple magic ni Empress dahil sa paggawa ng ilusyon kanina, nasira ito at napunta ito sa puso ni Hazel. Napangiwi pa nga si Hazel dahil medyo masakit. Napaluhod siya, pero nakatingin parin siya ng masama kay Empress. Nagiging matanda na ang mukha nito, namumuti na ang buhok, dali-dali siyang tumanda—nagsisisigaw siya at akmang sasabunutan si Hazel nang maging abo na siya—at nilipad na ang abo na iyon ng hangin.

Humugot ng malalim na hininga si Hazel. Wala na ang Empress, Zake, Floren, at Alyn. Ang mga leader ng kasamaan ay wala na. Siguro naman ay hindi na muling mangyayari ang War na 'to.

Marami din namang namatay na estudyante ng R.A., ngunit nabibilang naman ito hindi gaya ng mga kalaban na hindi na mabilang kung ilan ang natanggalan ng buhay.

Unti-unting tumayo si Hazel, binuksan ang kaliwang palad niya, lumabas dito ang mahika ng Empress. At sa kanan naman ay ang puting mahika niya. Napangiti nalang siya sa hindi malamang dahilan. Medyo guminhawa na rin ang pakiramdam niya dahil nawala na ang taong may dahilan kung bakit napunta sa ganito ang lahat.





****
A/N :

Feeling ko kaunting chapters nalang at matatapos na...

Royal Academy ♚Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon