CHAPPIE 59 ♚

25.4K 750 29
                                    

Dyana's Pov

"Dyana?!" agad naman akong napalingon sa likod ko, si Cymon.. ngunit agad din naman akong tumingin sa harap ko.

"C-cymon..! C-cy...mon!!" sigaw ko at agad akong tinayo ni Cymon.. sinubukan kong tumayo ngunit, nanghihina talaga ang binti ko. Mabuti pa ang bf ko, malakas na malakas parin at binuhat ako.

"Hoy kayo! Subukan niyong lumapit sakin at hindi ako magdadalawang isip na ibuhos sa inyo 'to." Seryoso at malakas na banggit ni Cymon. Napahawak naman ako ng mahigpit sa damit ni Cymon at tinago ang mukha sa dibdib niya. Ayoko nang makakita ng multo. Oo, gusto kong makita si Hazel pero hindi naman sa ganitong multo siya! Ayoko! Sino namang may gusto ng ganun di buhhh?!

"Wahhhhh!!!" Sigaw ko naman nang hawakan ako ni multong Hazel. Nakahawak parin siya.. nararamdaman ko. Naisipan kong dumilat dahil hindi ko nararamdaman na gumagalaw sila. Pagdilat ko, parehong nakangiti sakin ang dalawang diwata, kasama si Hazel. P-pero p-papaa...nong--??

Dahan-dahan akong bumaba kay Cymon, nakahawak ako ngayon sa braso ni Cymon na hindi natinag sa kinatatayuan niya. Nakahawak parin si Hazel sakin, tatanggalin ko sana ang hawak niya, pero, hindi ko magawa.. hinawakan ko lang ang kamay niya at nakatitig sa mala-anghel niyang mukha. I missed her.. namiss ko nang hawakan at mahaplos ang malambot na kamay niya, namiss ko nang makita ang mala-anghel niyang mukhang nakangiti sakin, na makita siyang hindi naliligo sa sarili niyang dugo.. I missed our moments together... and everything! Na ang akala ko ay hindi ko na siya mahahawakan o makikita pang muli. Bigla nalang tumulo ang aking mainit na luha. Totoo ba ito? O baka nama'y nahimatay na ako sa takot? If this is a dream, I don't wanna wake up! Ayoko! Nanginginig ang mga labi ko, nagpipigil na humagulhol at yakapin siya but... I did.

Fresh parin sakin ang sakit... ewan ko but, I can't believe na mangyayari 'to.. Unexpected.

Kumalas siya sa yakap. Tiningnan ko namam ang mga mata niya.. at isa lang ang nakikita ko.. PAIN. Ngunit nakangiti naman siya. There's something wrong. Hindi ko na nilingon si Cymon, nararamdaman kong nasa likod ko lang siya at hindi umiimik.

"Best?" tawag ko sa kaniya. Tumikhim naman siya nang may ibulong ang babaeng kasama niya sa kaniya na rason nang pagkapawi ng ngiti niya.

What's happening.. I can't understand.

"Best, bago ako mawala ng tuluyan.. gusto ko sanang sabihin mo ang pinakaiingatan mong sikreto.. kahit ibulong mo lang saakin para hindi marinig ng iba." Biglang tumulo ang luha ko, namumula naman ang mga mata niya at mukhang paiyak na.

Kinabahan naman ako. Alam kong darating ako sa puntong sasabihin ko rin ang pinakaiingatan kong sikreto na tinatago ko for sooo many years, sa kaniya. Pero, hindi ko naman inexpect na sa ganitong sitwasyon ko sasabihin..

"P-pero.. mukhang," tiningnan ko siya at pinag-aralan ang galaw niya. "muk..h-hang... alam mo n-na..." naguguluhan na ako sa pangyayari. "Teka, mawawala... *sob* k-k..a.. ulit....." Hindi siya nagsalita na animoy naghihintay for me to answer.. Huminga muna ako ng malalim kasabay ng pagkabog ng dibdib ko na parang gusto ko nang tumakbo palayo at magtungo sa isang tagong lugar at umiyak nang umiyak.

"Kaya kong bumuhay ng tao, ako rin ang may hawak ng mahikang Qty," panimula ko sabay punas sa luha ko but, para itong gripong hindi mapigil pigil ang pagbuhos kung hindi isasara. "I'm sorry!" I cried. "Ginawa ko lang naman kasi yun, because I was scared na baka kumalat ang tungkol sa bagay na yun." pagpatuloy ko.

"Ang gusto ko lang naman ay sabihin mo sakin.. hindi mo ako pinagkakatiwalaan." she said, straight to the point.

'hindi mo ako pinagkakatiwalaan'

'hindi mo ako pinagkakatiwalaan'

'hindi mo ako pinagkakatiwalaan'

'hindi mo ako pinagkakatiwalaan'

That hit me, hard.

"Hindi sa ganon per--" she cut me off.

"Ganun yun, best... yeah, galit ako sa'yo.. Bestfriend kita but what did you did? Hindi mo ko pinagkakatiwalaan gaya ng pagtitiwala ko sa'yo.. mag-ingat ka.. paalam. I love you all so much." Then, bigla nalang tumulo ang luha niya hanggang sa bitawan na niya ako at nag-iba na ang lugar.. nandito na kaming lahat muli sa labas ng kweba.

Agad kong niyakap si Cymon, hinagod naman ni Andre ang likod ko.

"Anong nangyari?" Tanong naman ni Kodie.

"We saw Hazel, Nag-usap sila ni Dyana.." sabi ni Cymon.

"Oh? Bakit siya umiiyak.. anong sabi?" tanong naman ni Rex. Kumalas ako.. nagkibit balikat lang si Cymon.

"Teka, hindi mo narinig?" Tanong ko kay Cymon sabay punas ng luha ko. Umiling naman siya. How is that?

"Ano ba yun, Dyana?" Tanong ni Kodie.

"Natakot yata sa pwet ng white lady dun." Sabay chuckle ni Andre. Kahit kailan talaga, hindi magawang magseryoso.. but, that's a good thing, I guess? Kaysa naman siguro umiyak siya ng umiyak? *shrugs*

"Ako lang ang tanging paraan para mabuhay siyang muli." I said, tinitigan naman nila ako.

"How?" Tanong ni Cymon. Humugot ako ng malalim na hininga. Okay, here I go.. sasabihin ko na.

"I have the magic Qty.. and kaya kong bumuhay ng patay..." panimula ko at ngumiti ng mapait. "pero may kapalit.." sabi ko. Nakatitig lang sila at hindi nagbigay ng reaksyon, tahimik lang sila and they won't mind to respond.

"Magic Qty.." finally, nagsalita na rin si Kodie. Pero, nanatili paring tulala ang iba. "Yun yung mahikang patuloy na hinahanap ng Empress.. tama ba?" Tanong ni Kodie, at napahawak sa baba niya. Napatango naman ako ng mabagal.

"I'm scared." sabi ko. Naputol ang pag-uusap namin nang magsalita ang matanda. Palabas palang siya ng cave at nanlaki ang mga mata niya.. hindi sa gulat kundi sa pagkamangha.

"Oh? Hanga na ako sa inyong lahat. Ang tatapang niyo, hindi ko alam kung papaano kayo nakabalik ng buhay ngunit.. hangang hanga ako sa inyo, tunay kayong ma--" Hindi ko na narinig ang iba pa niyang sasabihin nang umikot ang view ko and everything turned black.

Someone's Pov



HAHAHA! Ang akala mo'y matatago mo ito sa akin habang buhay? Hindi! Ngayon, malapit ko nang mapasakamay ang lahat.. maghanda kayo sakin losers.

Ang secret kingdom ay mapapasakamay ko na.. *grin* Maghanda kayong mga peste sa buhay ko.. papatayin ko kayong lahat, except sa'yo.. Dyana Flores. *grin*



Royal Academy ♚Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon