CHAPPIE 31 ♚

39.4K 1.3K 39
                                    

Umalis ako sa pwesto ko para makita yung buong katawan ni Auntie. Shocks, bakit may dala si Auntie na kutsilyo!? Dahan-dahan niyang sinara yung pinto at dahan-dahan ring nagtungo sa likod ng hari.

Tinapat na niya sa likod ng hari yung kutsilyo kaya naalerto ako. Hindi, ilusyon lang 'to. Kahit ganun ugali ni Auntie, hindi niya magagawa 'to.

"Wag!" Sigaw ko then bigla nalang nagblack ang buong paligid at narinig ko yung evil grin ni Auntie. H-Hindi, hindi kaya ni Auntie pumatay nang tao di ba?

Bigla nalang may tumulong luha sa mga mata ko, at sumakit yung ulo ko. May nagfaflashback sa isip ko pero hindi ko alam kung ano malabo kasi.

Bigla nalang akong napunta ulit doon sa kwarto. Nakita kong pinigilan nang isang batang lalaki si Auntie by holding the knife tight. Sinubukan kong agawin yung kutsilyo sa kamay niya pero hindi ko magawa.

"Auntie!" Sigaw ko pero pilit niyang kinukuha yung kutsilyo.

Pinaalis na nung hari yung reyna at yung sanggol palabas ng kwarto nang mapansin niya yung gustong gawin ni Auntie.

Pero, bigla nalang binitawan ni Auntie yung kutsilyo bumagsak sa sahig yung batang lalaki. Then, hinablot niya yung umiiyak na sanggol sa reyna at tumalon na sa bintana.

Agad naman akong pumunta sa bintana at hinanap sila Auntie. Pero, hindi ko na nakita. Sumakit ulit ang ulo ko, biglang dumilim at napunta nanaman ako sa ibang scene.

Nasaan ba ako? Teka, sino ba yung pamilyang yun? Sino yung sanggol? Sino yung batang lalaki? Kaninong palasyo ba yun? Bakit kinuha ni Auntie yung baby?

Mas lalo pang sumakit yung ulo ko kaya napaluhod ako. Biglang may humawak sa balikat ko. Agad ko naman siyang nilingon. Nanlaki yung mga mata ko.

"Hello po! Bakit po ikaw nandito? Alis ka na po, baka po kasi magalit si Auntie." Mariin kong tiningnan yung batang babae. This is..me? "Ano pong nangyayari sa'yo?" Hindi ko siya sinagot. Tapos, tinawag na siya ni Auntie.

Ang ibig kong sabihin ay ako yung tinawag kasi ako nga yung babaeng yun nung seven yata ako. Yung scene kanina, baby girl yung kinuha ni Auntie. Teka, teka don't tell me na--

Bigla nalang nag-iba yung scene. Nandito sa baba nang castle, wait ito yata yung karugtong nung scene kanina. Tumayo ako at nakita ko si Auntie, blinack mail niya yung isang tao para gawan siya nang portal. Hinawakan ko yung puno, yes mabuti nahawakan ko.

Tumakbo ako papunta kay Auntie, makakapasok na sana siya sa portal nang hilain ko siya pabalik. Lumiit na yung portal at hinagis niya dun yung baby. Nanlaki yung mga mata ko, HINAGIS LANG NIYA YUNG BABY PAPASOK SA PORTAL?

Bigla niyang inespada yung balikat ko. Agad ko naman siyang pinatamaan ng apoy sa balikat niya.

Nakaramdam ako ng sakit sa pagespada niya sakin. Tumulo yung dugo at tumayo kaming dalawa. Mariin niya akong tiningnan. Nawala na yung apoy sa balikat niya pero nasunog ko ang damit niya at balat.

"Sino kang babae ka?" Naiinis na sabi ni Auntie.

"Auntie?" Si Auntie nga 'to, younger version lang.

"Wag mo nga akong ma-auntie auntie diyan, sino ka nga!?" Inespada niya naman yung kabila kong balikat.

Napangiwi naman ako sa sakit, dahil parang may kung ano na kapag inespada niya ay kasama yung lahat nang ugat na parang nahiwa rin.

Hindi ko yata kayang patamaan ang auntie ko ng apoy.

"Ano yung pangalan ng baby na kinuha mo?" Tanong ko habang blanko na ang mukha at nakahawak sa mga balikat ko. Sana hindi ito totoo, ilusyon lang 'to diba?

Royal Academy ♚Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon