Chapter 1

15.8K 381 14
                                    



"Bwesit ka talagang bata ka! Malas ka talaga sa buhay namin. Lumayas ka dito!! Di kita kailangan dito. Isa kalang palamunin.. lumays ka.., Layas!!" at isang malakas na tulak palabas sa pinto ng bahay ang natanggap ko mula sa aking Butihing ina. Na wala nang ginawa kundi ang magsugal at uminom sa kapitbahay namin, at ako na nag- iisang anak niya sa labas ang palagi niyang sinasaktan at sinisisi sa lahat ng mga kamalasan na naganap sa kanyang buhay.

Tumayo ako at pinagpag ko ang alikabok sa aking kupas na pantalon at inayos ko ang aking maluwang na t- shirt na itim at tumalikod sa bahay na iyun at naglakad paalis. Nasasaktan ako, oo pero sa palaging pag- iyak ko at pagmamakaawa ay naubos na ata ang lahat ng luha sa aking mga mata na kahit isang patak ay wala nang lumabas.

Isa akong anak sa labas ng nanay ko, isang pagkakamali at isang bastarda na ayaw kunin at alagaan ng aking ama na hindi ko naman kilala. Sa araw- araw kong pamumuhay ay himala na ata na masampal ako ng tatlong beses sa isang araw.

Paggising sa umaga sermon, tadyak at sampal ang almusal ko, Isang malakas na balya at ngudngud sa sahig naman ang aking pananghalian at isang malutong na mura, sigaw, sampal, tadyak at untog sa pader ang aking hapunan. May additional sabunot at tadyak sa tiyan naman kung wala akong maidalang pera at pagkain sa bahay sa tuwing umaga pagkatapos kong mag almusal ng pagmamahal ng aking ina.

Sa buong 17 yrs ko nasanay na ako sa ganung routine kahit noong bata pa ako. Swerte ko lang noong maliit pa ako dahil may taga tanggol ako pero di nman tumagal ay nawala ang taga tanggol ko, dahil namatay si lola ely dahil sa kanyang sakit na cancer.

"Parj, san ka pupunta?" napahinto ako sa paglalakad ng marinig ko ang boses ni tasyo. Si tasyo ay isang kabarkada ko dito sa squatters area ng baranggay namin. May isang maliit kaming grupo na binuo namin kasama din ang ilang mga kabataang lalaki ng baranggay namin.

"pwedi ba ako sa inyo, tasyo? Kahit isang gabi lang.." sambit ko dito, bigla naman siyang napakamot sa ulo niya at alanganing tumingin sa akin. Tsk,. Alam ko na ang sasabihin neto sa akin. Gabi na kasi eh at wala akong matutulugan ngayon dahil nga sa pinalayas ako ng mabait kong ina dahil sa wala akong naibigay na pera sa kanya ngayon dahil binili ko ito ng aming hapunan.

"Sige,. Maghahanap nalang ako." Sambit ko dito at nilagpasan nalang siya.

"Pasensya na parj,. Alam mo namang maliit lang naman ang bahay namin at hindi nga kami magkasya doon eh, pasensya na talaga parj." Tumango nalang ako sa kanya at nagsimula nang maglakad ng biglang hawakan neto ang aking braso. Tinapik ko naman ang kamay niya sa braso ko dahil nawakan niya ang isang pasa ko doon.

"may alam akong lugar na pwedi mong matulugan parj,. Nandoon lang sa kabilang kanto." Nakangiting sambit neto sa akin. Di na niya ako hinintay sumagot at naglakad na ito kaya sinundan ko nalang siya. Wala din naman akong choice eh dahil sa kailangan ko ng lugar.

Habang naglalakad kami sa kanto ay dakdak naman ng dakdak si tasyo. Di naman ako nakikinig sa kanyang pinagsasabi. Bahala sya diyang maubusan ng laway sa kakasalita. Iniisip ko kasi kung saan ako kukuha ng mga damit na susuotin ko at iniisip ko kung hanggang kalian ako, kami magiging ganito.

"Nandito na tayo parj." Bigla akong napahinto ng malakas na sinambit ni tasyo iyun, napakunot- noo nalang ako ng makitang halos walang mga bahay ang nakatirik dito pero may iilan din naman.

"Ako ba, pinagloloko mo tasyo?" galit na turan ko dito pero mabilis naman siyang umiling na may kasama pang pagtaas ng mga kamay na parang sumusuko.

"Eh, anong ginagawa natin dito? Hindi ako magnanakaw sa mga bahay na iyan. Isang lugar na libre at pweding tulugan ang hinahanap ko ngayon, gago!" malakas na sambit ko sa kanyang mukha. Napa atras naman siya at alanganing tumingin sa akin habang nakatingin ako ng matalim sa kanya.

"Parj naman,. Ito na nga yung hinahanap mo." Kinakabahang sambit neto sa akin sabay turo doon sa isang medyo kalakihang bahay na walang ilaw na naka sindi at medyo hindi pa tapos ang paggawa pero pwedi na itong matirahan ng isang pamilya.

"Matagal nang walang tao ang bahay na iyan at wala namang pumupunta diyan kaya siguradong safe at pwedi ka diyan parj. Yun nga lang nag- iisa kalang, pero alam ko namang kayang- kaya mo ang sarili mo.. Ikaw pah.,'" sambit neto ng nakangiti sa akin. Tiningnan ko lang at sinuri ang bahay. Pwedi na siguro..

"Humanda kalang sa akin kapag pumunta ang may- ari ng bahay." Sambit ko dito bago ako maglakad palapit sa isang mataas na pader ng bahay. Napakamot naman sya sa kanyang ulo at Sumenyas lang ako sa kanya ng "alis na" bago ko sya tinalikuran, napakamot na naman sya sa ulo niya at pabulong- bulong na naglakad pabalik. Di ko na tinanong kung paano niya nakita ang bahay na ito dahil alam ko naman ang rason. Lagpas dalawang tao ang taas ng pader pero makikita mo pa din sa labas ang upper part ng bahay. Two storey ang bahay at medyo may kalakihan, walang pintura at ang ilang bahagi ng pader ay di pa natapos.

Mabilis akong umakyat sa pader at tumalon pababa, sanay na ako sa ganitong mga Gawain kaya keri lang. Naglakad na ako palapit sa pinto at pinihit ang seradura pero naka lock ito.

Kinuha ko naman ang dalawang hairpin na nasa bulsa ng pantaloon ko at pinasok ito sa susi-an at sinimulang kalikutin. Limang Segundo lang at nag click na ang lock neto at bumukas. Ang galing ko talaga.. tinago ko na ulit ang hairpins ko at pumasok sa loob.

-------------------------------------------------------------------

Hello sa inyo guys., New story po!!! Sana magustuhan nyo din ito.

Warning lang po, maraming mga mura, at eksenang hindi maganda ang nasa storya na ito. Kung masyado po kayong perfectionist at ayaw sa mga gawaing masama mas okay na po kung itigil nyo na ang pagbabasa dito. Hehehehehe.. Joke lang po!!!

Pero seriously., hindi po ito bagay sa mga "bata".. Rated PG po ito o kahit rated SPG!!., :D Be open- minded guys., thanks!!!..

Themesong: Inside out by: Nightcore (the chainsmokers)

Do comment and vote guys',. Thanks!!!..

The Outlaws (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon