Zelos POV
"Bwesit,.." di ko talaga mapigilang hindi mapamura. Napaka kulit talaga nang babaeng iyun. Saan na naman kaya pumunta ang isang iyun?
Nakakainis talaga, bakit pa ba kasi ako ang magiging tagabantay ng isang iyun?.
"Tol,. Sino daw yung babaeng bumugbog sa dalawang underlings ng red basilisk?" napalingon ako sa kanan ko ng marinig ko ang sinabi ng isang estudyanteng lalaki sa kasama neto.
"hindi daw nga nila kilala tol eh,. Pero ang sabi kulay asul daw yung buhok nang babae tsaka baguhan lang daw."
"Talaga?? Ang lakas naman ng loob ng babaeng iyun. Sigurado akong babawi ang red basilisk sa kanya.. Kawawang babae." At humalakahak silang dalawa. Mabilis akong pumunta sa pwesto nila at hinawakan ko ang collar ng isang lalaki at tinaas.
"Babaeng kulay asul ba ang sabi mo?" tanong ko dito, at nanlalaki naman ang kanilang mga mukha at nanginginig.
"Tol,. Anong nangyayari sayo?" rinig kong tanong ni Sheldon sa akin.
"Sagutin mo ako kung ayaw mong malibing ng buhay." Sambit ko sa lalaki,. Tila nawalan ng kulay ang kanyang mukha at napatango nalang. Peste,. Sabi ko na nga ba at magiging ganito ang kalalabasan eh.. Pahamak talaga na babaeng iyun.
Binitawan ko na ang lalaki at nagmadaling naglakad papunta sa kabilang hallway. Nakasunod naman sa akin sina Sheldon at keito.
Kailangan ko nang magmadali at baka makaharap na niya ang mga red basilisk, siguradong malaking gulo ang magaganap dito. Aghh.. Peste talaga!!
----------------------------------------------
Die's POV
Mga ulol na iyun, ako ba talaga minamaliit nila? Anong akala nila sa akin maliit na bata na hindi kayang pumatay ng lamok? Tsk.. Nakakainit ng ulo hah...
Flashback:
"Hoy, batang paslit.. anong ginagawa mo dito sa teritoryo namin??" napalingon ako sa likod ko ng marinig ko ang isang malaking boses. Tumaas ang kilay ko ng makitang may isang malaking mama na maraming tattoo sa katawan ang nasa unahan at may anim na lalaking mukhang ma- aangas sa likuran niya.
"Aba't,. Wala ka bang bibig hah? Sumagot kang bata ka kapag kinakausap ka!" sigaw naman ng isang lalaking nasa kanyang likuran.
"Hoy,. Mga asong ulol.. may bibig po ako, hindi niyo ba ito nakikita hah?" sabay turo ko sa aking bibig.
"Aba't.,. pilosopo ka hah!"
"Hindi ba pweding mapadaan dito sa lugar na ito? Tsaka kung teritoryo nyo nga ito, bakit wala akong nakikitang anumang signage dito o pangalan manlng na nakalagay na "Keep- out!!" o kaya ay "no trespassing" mga gunggong nato oh.." sambit ko at humalukipkip at tina- tap- tap ko ang kanang paa ko sa lupa.
"Aba't.. turu-an nga ng leksyon ang paslit na yan at nang magtanda." Galit na sambit ng mama na nasa harapan.
"Bakit mga guro ba kayo para turu-an ako?? Oh my gosh.. hindi nga ako pumasok sa klase ko kasi ayaw kong magpaturo sa mga walang kwentang guro doon tapos tuturu- a niyo lang ako!,. aba.. hindi ito fair.." pag ta- tran- trums ko.
"Hindi daw peyr tol.. ha-ha- ha.. pinapatawa ata tayo ng paslit na ito eh."
"Sinong paslit ang tinatawag niyo mga ulol?"
"Sino ba pa edi ikaw..," malakas at sabay- sabay na sambit nila sa akin at humalakhak.. ako isang paslit?? Peste tong mga ito hah..
"Tama nang tawanan,. Turu-an na yan ng leksyon!" sambit ulit ng mama at sumugod na sila sa akin.
Paslit pala hah,.. tingnan natin..
Sabay- sabay silang sumugod sa akin pero lahat sila at iniwasan ko lang at pinagsusuntok sa mukha at panga ayun lahat sila tumba at walang malay.. Mga weak naman pala eh,.
Akala ko nga malakas yung malaking mama na iyun,. Display lang pala ang katawan. Tsk..
End of flashback..
"Nakakainis!!!" malakas na sambit ko at nagpapadyak sa lupa.
Bigla nalang akong napahinto ng maramdaman kong lumutang ako at tila bumaliktad ang mundo.
"Pasaway talaga.." napabusangot ako ng mukha ng marinig ko ang boses ng taong bumibit sa akin.
"Zelos!!!!!!!" malakas na sigaw ko.
"Argh.. peste.." sambit neto at bigla nalang akong binusalan sa bibig at sinampa ulit sa kanyang balikat ng patiwarik at naglakad, habang ako ito.. kumakuwala sa unggoy na ito. Nakita ko naman sina Sheldon at keito na nagpipigil ng tawa sa likuran ni zelos.
"hmmm.. hmmm.." ahhh, peste talaga itong si zelos.
"Ayan,. Tumahimik na din., sige, kahit magsisigaw ka diyan at magpalag hindi ka parin mananalo sa akin." Rinig kong sambit ni zelos, napatahimik nalang ako at napatingin ng masama sa dalawang unggoy na nakasunod sa amin at tumatawa.
------------------------------------------------------------------
How's this chappy guys??
Do comment and voteguys., thanks.. :)
Sorry sa napakatagal na UD guys., sorry talaga', masyado na po kasi akong busy sa ngayon,. haist',.
Kento Yamazaki as Sheldon Anthony
BINABASA MO ANG
The Outlaws (Complete)
ActionGenre: Action, Adventure, Random, (chaos, war, gangster, academy, university, red, blood) Language: tagalog, English Date started: April 30, 2016, 11:11pm Rated PG This is a work of fiction, any resemblance to any other stories are pure coin...