"maligayang pagdating sa Branwar. Sa impyernong lugar dito sa ibabaw ng lupa." Napatingin ako sa isang malaking mama na mukhang kapitan ng mga military ang itsura na naka camouflage ng over all. Hindi ko alam kung saan na kami at kung ilang oras ba ang byahe dahil sa lutang ako sa mga oras na iyon.
"Hahaha.. hindi ko akalain na ang isang maliit na batang ito ang makakapatay sa pinuno ng puting dragon. Oh siya, sige.. ilalagay ko siya sa high detention cell. Wag kayong mag- alala sigurado akong mag- e- enjoy siya dito." Rinig kong sambit ng mama na yun kay zelos. Hindi ko alam kung ano ang high detention cell at kung ano klaseng lugar ang Branwar dahil sa ngayon ko lang ito narinig.
Hindi na ako lumingon pa kay zelos ng hawakan ng malaking mama ang aking kadena na nakakabit sa kamay ko at hinatak na ako papasok sa mataas at malapad na building na ito.
Para siyang isang malaking kulungan minus lang sa mga bintana. Puro metal, cement at mga wire ang nakikita ko sa paligid at madaming mga bantay na naka camouflage ng overall na may dalang mga armalite at m16 ang nakikita ko.
Mukhang wala ni isang makakatakas sa lugar na ito ah..Napahinga nalang ako ng malalim habang nakasunod pa din sa mamang ito na sumisipol habang naglalakad papasok.
Marami kaming dinaanang mga scanner na pinanggamitan sa akin. At may dinaanan din kaming encoder para sa aking files hanggang sa mapasok kami sa malawak na building.
May malaking elevator sa gitna at puro mga railings na ng mga floor ang makikita pataas. May mga ilang naka orange overall akong nakikitang malayang naglalakad sa loob ng building na to at tila tinitingnan lang kami ng mga ito habang sumisipol pa din ang mamang ito.
Mukhang presinto ata ito ng mga most wanted people pero bakit parang kutob ko ay hindi lang isang simpleng present ito?
Sumakay na kami sa elevator at pinindot ng mama ang hf button. Napakunot noo ako, bakit hf? High floor ba ang meaning nun?
"150 floor lahat ang meron sa building nato. At kung iniisip mo na makakatakas ka dito ay nagkakamali ka at kung iniisip mong mapapatay mo lahat ng mga tao sa building nato diyan ka talaga mamamatay. Kaya kung ako sayo mapakabait ka dito.." hindi ako sumagot at hindi din ako tumingin sa mamang ito. Napakagat lang ako ng aking labi..
"Labas na." Sambit neto at medyo tinulak ako ng kaunti palabas sa elevator. High floor nga ang ibig-sabihin ng hf..dahil sa nakasulat ito sa pader sa harap ng elevator.
Naglalakad na kami diretso at lumiko sa kanan.. doon ko nakita ang sunod- sunod na mga pintu-an na may maliit na bintana sa itaas na bahagi para makatingin ka sa loob.
Nasa hallway kami ng section d- 13 at magkabilaan ang mga pintu-an dito na parang katulad ng mga sa apartment sa tingin ko ganito din ang itsura ng lahat ng mga silid dito.
Ang ilan sa mga pintu-an dito ay nakabukas ay may naka- upong naka stripe ng black and white na overall at naka tingin sa amin ng dumaan kami. Ang ilan naman ay naka sarado. Iba ba ang mga damit dito sa kada floor?? Madami akong katanungan pero hindi ko magawang magtanong manlang.
Huminto kami sa silid na may nakasulat na D- 13 room 13. Galing 13 talaga eh noh? Ito na ata ang silid ko.
"So little girl. Ito na ang bago mong silid, may damit sa loob at mga gamit. Magbihis ka at kung ano pa man ang gusto mong gawin at kapag tumunog ang bell ay pumunta ka ng dining hall at kumain, bawal ang ma late dito at basahin mo ang maliit na libro na nasa mesa mo. Nagkakaintindihan ba tayo?" napatango nalang ako sa kanya at pumasok na ako sa loob, kinuha niya naman ang susi sa bulsa niya at binuksan ang aking mga posas at kinuha niya ang mga kadena dito.
BINABASA MO ANG
The Outlaws (Complete)
AcciónGenre: Action, Adventure, Random, (chaos, war, gangster, academy, university, red, blood) Language: tagalog, English Date started: April 30, 2016, 11:11pm Rated PG This is a work of fiction, any resemblance to any other stories are pure coin...