Chapter 5

6.7K 234 6
                                    


Die's POV

"Maupo ka akira." Nanayo lahat ng mga balahibo ko sa katawan ng banggitin ni phoenix o primo ang aking second- name. Naninibago kasi ako na tinatawag ako sa aking pangalawang pangalan, di kasi ako sanay. Dahan- dahan akong umupo sa upu-an na nakaharap sa kanya sa harapan ng mesa.

"A- anong.. p-pag- pag u-usapan n-natin.. pri- primo?" shit,. Shit na shit talaga. Nakakakaba pala talaga kung harap- harapan na talaga kayo ni primo. Masyado siyang nakaka- intimidate. Bahagya siyang yumuko at binuksan niya ang drawer niya at may kinuha siyang isang maliit na libro.

May lock ang libro na iyun pero kinuha niya ang susi sa kanyang table at binuksan ang lock neto. Binuklat niya ang libro at may kinuha siya doong isang maliit na box na kulay silver. Nilagay niya naman ang libro sa mesa niya kaya kitang- kita ko ang isang maliit na hollow na lagayan ata ng maliit na box na iyun doon sa gitnang bahagi ng right side ng libro.

"Take this akira, Gusto kong ikaw ang maghawak at mangalaga sa mahalagang bagay na ito." Alanganin ko namang kinuha ang silver box na iyon at napatitig ako dito. Isang maliit na simbolo ng puting dragon ang naka ukit sa itaas ng silver box.

"Pero.., bakit ako?? Bakit??" mahinang tanong ko sa kanya ng humarap na ako sa kanya. Medyo naumid pa nga ang dila ko dahil naka titig pala siya sa akin ng mariin.

"I'm not getting any younger akira.." mahinang sambit neto at tumayo siya sa upuan niya, sinundan ko lang siya ng tingin habang papunta siya sa kanyang bintana at tumanaw doon.

"This mansion, the people in here, this empire.. Ito, sila ang aking buhay. At di ko hahaya-an na masira at mawala ang buhay kong matagal nang pinapangalaga-an. Wala akong anak, akira.. matagal na silang pinatay kasama na ang aking apo kaya walang magmamana ng aking buhay." Sambit neto habang nakatingin pa din sa bintana. Napatingin naman ako sa silver box na hawak ko at binuksan ito.

"ito.. ito..ang heir emblem ng kushimoto empire,. Primo??" nanlalaki ang aking mga mata ng Makita ko sa loob ng silver box ang heir emblem ng empire. Isa itong kwentas na ang pendant ay puting dragon na may corona sa ulo. Maliit lang naman ang emblem pero kitang- kita talaga na napaka detalyado ang pagkagawa neto.

"Ahh.. ang heir emblem ng kushimoto empire ay sa iyo na, akira. Alaga-an at protektahan mo ang buhay ko akira dahil sa araw na ito ay binibigay ko na ito sa iyo. Hindi kana si Die Akira Soliman kundi magiging si Die Akira Arwan Kushimoto kana." Napatingin ako sa kanya ng sabihin niya iyon habang nanlalaki pa din ang aking mga mata. Lumakad naman siya papunta sa akin at kinuha ang kwentas sa box, pumunta naman siya sa likuran ko at ramdam na ramdam ko ang malamig na bagay sa leeg ko at rinig ko din ang mahinang pag click ng lock neto.

"Bakit??" nagtatakang tanong ko dito at hinawakan ko ang pendant, humarap naman siya sa akin at ngumiti. Yung ngiting tunay at walang halong pagpapanggap.

"Ikaw ang napili ko na magpapatuloy ng buhay ko at sigurado akong di mo ako bibiguin. May tiwala ako sa iyo akira.. at sana tama nga ang desisyon ko."

"Pero.., kakakilala mo lang sa akin,. Tsaka.. wala akong alam sa mga ganitong bagay. Pagnanakaw, Pag- aakyat bahay, Pagtakas sa mga pulis at tanod, pagmumura at pagtambay lang ang alam ko. Ang pagiging tagapag mana ay ibang usapan na. Kunin niyo itong emblem sa akin., Di ako karapat- dapat dito." Wala na akong pakialam kung siya ang bigboss, pero ayaw ko talaga sa ganitong bagay., Natatakot ako oo, natatakot akong baka mabigo ko lang siya, at natatakot akong isipin na may isang tao pa palang naniniwala at nagtitiwala sa akin.

"Kung ang kinakabahala mo ay ang mga Gawain sa empire na ito wag kang mag- alala matutunan mo din ang lahat. At akira.., kung iniisip mo na di ka karapat- dapat para maging tagapag mana pwes,. Ipakita mo sa akin." Yun lang ang sinabi neto at tinalikuran na niya ako at naglakad papunta sa pintu-an, pero tumigil muna ito at lumingon sa akin.

"Hindi na mahuhubad ang kwentas na iyan hanggat di ka namamatay, naka program na iyan sa maliit na chip na nasa pendant." Napanganga nalang ako sa sinabi niya bago niya ako ewan sa loob ng silid aklatan na ito.

Isang malaking shitt..., so kailangan ko pang mamatay para mabuksan ang lock ng kwentas na ito. Ayoko pang mamamatay!!!!!!!!


----------------------------------------------------------------------------------------------


How's this chappy guys?? Do comment and vote',. :) Thanks.. :)

The Outlaws (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon