Chapter 7

6.3K 228 1
                                    


Die's POV

"Focus, die.. focus.. iisipin mong nasa puno pa din ang red apple na iyan at kailangan mo siyang matama-an para mahulog." Malakas na sigaw sa akin ni Mr. Keido habang ini- aim ko ang red apple na 500 meters ang layo sa akin. Oh no,. Paano ko siya patatama-an kung takam na takam na talaga ako sa red apple na iyon. Oh my red apple you are truly my weakness. Pero sabi daw ni Mr. Keido overcome my weakness daw.

Wew,. Nag e- English na din ako. Nagbubunga na yung pagtuturo sa akin ni butler hans. Si butler hans, siya yung lalaking naka tuxedo na nakasunod palagi kay primo. Siya ang nagtuturo sa akin ng basic English at ilang mga lenggwahe. Siya din ang nagtuturo sa akin ng mga Gawain ng empire kasama na doon ang pang ha- hack. Sa physical abilities naman at capacity., si Mr. Keido ang trainor ko.. Mabuti nalang nga at sa isang buwan na pagtuturo niya sa akin ay di pa naman ako naputulan ng mga kamay at paa.

Yup, isang buwan na po akong nagtre- training sa empire na ito. At tungkol naman doon sa pag –aaral ko, na extend kasi nga.., kulang ang dalawang linggo para sa akin. Mabuti lang nga at fast learner daw ako.

Pumupunta naman dito si zelos para lamang asarin at awayin ako. Gago talaga ang lalaking iyon, ang alam ko pa naman ay isa sa malalakas na grupo ang grupo niyang pinamumunu-an..

"Good., keep it up, die." Di ko alam kung ano ang nangyayari sa akin at parang enjoy na enjoy ako sa kakabaril. Mabilis kong ibinaba ang m45 ko at kinuha ko ang isang armalite sa gilid at bumalik sa posisyon ko.

"hahahahaha.. rock n roll!!" parang sinasaniban ako ng di ko alam at enjoy na enjoy ako sa kakabaril. Di ko na din nga alintana ang sinasabi sa akin ni Mr. Keido at ang maingay na tunog ng pagbabaril ko.

Exciting pala talaga ang pagbabaril,. Nakakatuwa at nakakaexcite. Nang maubos na ang bala ng armalite ay binaba ko na ito at lumingon kay mr. Keido na nakanganga na nakatingin sa akin at sa mga shooing targets ko.

"T- that's p-perfect.." sa tila di makapaniwala at naguguluhang sambit sa akin ni Mr. Keido. Ngumiti lang ako sa kanya at nag bow bago umalis sa shooting range. Sa isang buwan na pagsasanay ko ang shooting range ang pinaka na gustuhan ko sa lahat.

----------------------------------

"Primo., delikado ang batang iyon. Mahirap mang paniwala-an pero sa isang buwan na pagtuturo ko sa kanya ay nalaman kong meron siyang split personality disorder. Lumalabas ang isang bahagi niya kapag nag e- enjoy siya sa kanyang ginagawa at sa mga panahong iyon ay nakikita ko iyun sa tuwing makakahawak siya ng mga baril, kahit anong klase neto." Napahinto ako sa paglalakad papunta sa grand library ng mansion ng marinig ko sa maliit na siwang ang boses ni Mr. Keido.

"Sa tingin mo Keido, masama ba sa atin ang nalaman mo?" kahit di nila sabihin ay alam ko naman na ako at ang pagiging abnormal ko ang pinag- uusapan nila ngayon. So tama pala ang hinala ko na meron nga akong sakit. Matagal ko nang tinatanong sa sarili ko kung ako ba talaga ang gumagamit ng katawan ko. Napansin ko kasi ito noong mga panahon na enjoy na enjoy pa ako sa kakabasag ulo sa mga kanto noon, di nga ako makapaniwala na natumba ko noon ang isang grupo ng mga tamby sa kanto dyes na puro malalaki ang katawan na parang mga bouncer sa bar.

"Hindi naman masama primo,. Makakatulong pa nga ito sa atin pero, sana wag siyang tuluyang mawala sa sarili niya at baka pati tayo ay di na niya makilala." Sambit ni mr. Keido kay primo, grabe pala ang isang bahagi ko. Mukhang nakakatakot pero okay na iyon. Atleast, ngayon alam ko na ang sakit ko. Split personality disorder pala ang tawag sa sakit ko., hmmm.. nakakahawa kaya ito??

"Kung ganun,. Wala naman palang problema ang problema nalang natin ay sana di malaman ng ibang mafia na meron na tayong tagapag mana." Sambit ni primo at ilang sandali ay narinig ko nalang ang mga yapak na papunta sa pintu-an. Di ako umalis sa pwesto ko hanggang sa mabuksan ito.

"mr. Keido." Sambit ko kay mr. Keido nang makaharap ko siya dahil siya ang nagbukas ng pintu-an.

"Die." Sambit din neto at yumuko siya sa akin, binuksan niya naman ng malaki ang pintu-an at pinapasok na ako sa loob. Nakita ko doon si primo na naka upo na naman sa kanyang upu-an sa harap ng mesa.

Dumiretso lang ako sa isang upu-an habang lumabas naman si Mr. Keido.

"Akira,. Magsisimula kanang mag- aral sa Travenson University bukas. Nasabihan ko na si zelos at handa na din ang lahat. Nasa Junior high kana at senior high naman sina zelos. Kung may kailangan ka concerning sa university ay puntahan mo lang si zelos." Tumango naman ako kay primo. Ano pa bang sasabihin ko? Eh wala naman akong alam diyan at sumusunod lang ako sa kanya.

"At gusto ko ding sabihin na, congratulations.. malaki na din ang improvements mo." Nakangiting sambit neto sa akin at ngumiti din ako sa kanya. Naisip ko kasi, bakit pilit ko pang inaayawan ang naka tadhana na sa akin kung pwedi ko naman itong tanggapin at mahalin? Kahit sa ganitong sitwasyon lang atleast naramdaman kong may silbi din pala ako at pinagkakatiwala-an. At kahit ganitong klase sila ng mga tao, naramdaman ko na isang pamilya na ang turing nila sa akin kahit di nila ito ipakita at sabihin.

"Ahh.., nga pala, you can use any car or motor in the garage. And don't be late in class tomorrow. You can go now." Yumuko muna ako sa kanya pagkatapos kong tumayo at tumalikod na at naglakad palabas sa grand library. Yes, atlast.. makakahawak na din ng isang kotse.

Lamborghini Sesto Elemento,. Here I go......!!!!!!



-----------------------------------------------------------------------------------------------

Sensya sa matagal na UD',. do vote and comment guys',. thanks.., :)

The Outlaws (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon