Die's POV
"Bwesit, dumating pa yung gagong zelos na iyun. Di ko tuloy nasakyan yung baby sesto ko!, kainis.." pagmamaktol ko habang nagmo- motor sa kahaba-an ng highway na papuntang Travenson University.
"Haist., mabuti nalang at doon kita naiwan kahapon sa likod ng mansion baby monster." Hehehehe.. mabuti lang nga talaga at hindi ko nabalik ang ducatti monster sa garage noong e test drive ko ito at inayusan ng makina. Maayos naman ang makina ng baby monster na to,. Ini- accelerate ko lang at sinet sa maximum rate ang capacity neto na mas nahigitan pa ang karaniwang bilis neto.
Marunong kasi akong mag upgrade ng mga makina ng mga motor, isa sa mga natutunan ko noong nangdidikwat pa kami ng mga bagong kotse at motor. Pero.. hindi na mauulit iyun,. Patay na silang lahat.., patay na..
At dahil sa galit ko,. Mas bumilis pa ang pagpapatakbo ko sa motor dahil sa aking pagpipiga dito.
"Humanda sila sa akin,. Pagbabayaran nila ng malaki ang pagkamatay nina tasyo at aloy."
-----------------------------------------
Isang mataas at malapad na blue gate ang bumungad sa akin na may naka ukit na Travenson University sa pinakamataas na naka- arc na disenyo ng gate. Malalaman mo agad na pang mayaman at makapangyarihan mga estudyante lamang ang napapasok dito dahil sa disenyo at itsura.
Di ko nga alam na may ganito palang university ang nakatayo dito. Sabagay tago din kasi ang university na ito at masyado itong restricted para sa mga normal na mga tao lamang. Ang travenson ay nag- eexist lamang sa mga taong may connection at alam sa mundo ng karahasan.
Hindi din naman lingid sa kaalaman ng gobyerno ang university na ito, hindi lang talaga nila ito pina- pakielaman. Dahil sa oras na nangialam ang gobyerno, doon na magsisimula ang malakihang gyera. May mga ilang rules lang na pinatupad ang gobyerno na tinanggap naman ng grand trinity o yung tatlong makapangyarihang mafia empires na siyang humahawak sa lahat. Syempre,. May ilang kondisyon ding pinatupad ang grand trinity na sinang- ayunan din ng gobyerno.
Pi- nark ko ang baby monster ko sa isang sulok ng malaking parking lot ng university. Pinili ko talaga yung malayo sa mga walang kwenta nilang kotse at motor. Sinabit ko lang ang black plain helmet ko sa baby monster ko at naglakad na patungo sa class building.
Mabuti nalang nga at na- hack ko kagabi ang blueprint ng buong university na ito. Nahirapan pa nga akong pasukin ang data base nila dahil sa higpit ng kanilang security. Naka tatlong oras din ako sa pagkukulikot sa laptop ko hanggang sa mapasok ko ang pesteng security nila. Nilagyan ko lang ng virus ang data base nila at bli- nock ko sila para di nila malaman ang ip address ng laptop ko at para di nila ako ma trace.
Nag ha- hum- hum pa akong naglalakad sa hallway habang nag swe- sway- sway ang dalawa kong kamay sa gilid ko. Naka backpack ako ngayon ng itim na may disenyong puting malaking bungo sa harapan neto. Habang naka tirintas sa dalawa ang mahaba kong skyblueng buhok na merong maliit na side bangs (Jinx of league of legends hairstyle).
Room III- B ang classroom ko, hindi naman kasi ako matalino na mapupunta sa III- A. Kumatok ako sa pintu-an ng classroom at ilang sandali lang ay binuksan ito ng isang medyo katandaang lalaki na merong eyeglass sa mga mata.
Ngumiti ako dito at pinapasok niya ako sa loob. Nakangiti akong bumaling sa buong kaklase ko. Lahat ng mga kaklase ko dito ay tahimik ngayon at nakamasid lamang sa akin. Pero may ilan din namang walang pakialam at may nagbubulungan na hindi ko naman marinig kung ano, syempre bulong nga diba? Ang tanga ko talaga.
"Miss Arwan, magpakilala kalang at pwedi kanang maupo pagkatapos." Tumango lang ako sa sinabi ng guro namin at pumunta sa pinaka gitna. Kailangan kong magpakabait sa ngayon..
"Hello sa inyo, Die Arwan 17 yrs old." Ngumiti ako pagkatapos kung magpakilala at naglakad na papunta sa isang upu-an na nasa pangalawa sa pinakahuling row. May dalawang lalaking nakaupo sa likuran ko na nakaubob lamang. Di ko na sila pinansin at naupo ako doon.
Nag umpisa nang magsalita ang guro sa harap ng ilang Segundo lang ay narinig ko ang isang babaeng nagsalita sa kanan ko, bintana na kasi ang nasa kaliwa ko.
"Ang boring naman,. Himala ata at wala ngayon si trixie- di siguro pumasok si xerxes." Xerxes?? Teka, parang familiar ang pangalan na iyun hah. Well,. Wala naman akong paki sa kanila. Kinuha ko yung bubblegum ko sa backpack ko at kumain nalang.
----------------------------------------------------
Sensya sa matagal na Ud.,
Dedicated to you: MaidenIca
Thank you kasi inadd mo lahat ng stories ko sa reading list moh',.!! Arigato, Gozaimasu!!!! :)
BINABASA MO ANG
The Outlaws (Complete)
ActionGenre: Action, Adventure, Random, (chaos, war, gangster, academy, university, red, blood) Language: tagalog, English Date started: April 30, 2016, 11:11pm Rated PG This is a work of fiction, any resemblance to any other stories are pure coin...