Chapter 28

4.7K 182 2
                                    


Third Person's POV

Hindi alam ng apat na lalaki kung bakit sila takot na takot sa nakangiting demonyong si Die. Eh, isang dagger lang naman ang hawak neto at kung titingnan ito ay parang isang bata lamang ito dahil sa liit ng katawan neto na hindi mo aakalaing makakapagbigay ng malakas na sipa at suntok at aabot sa ganitong kahabang labanan.

"Kill her!!" malakas naman na sigaw ni Jena sa apat kaya biglang bumalik sa kanilang mga sarili ang apat at sabay- sabay na sumugod sa nakangiting Die. Bigla namang nag twinkle ang mata ni Sebastian sa kanyang nakikita.

Oh, this will be good. Another bloodbath. Sa isip neto habang tuwang- tuwang nag- aabang sa mangyayari. Habang seryoso namang tumingin sa dalaga si Ares.

What happened to you Akira? Yan ang nasa isip ni Ares habang nakatingin pa din sa dalaga.

Mabilis na sumugod ang apat kay Die habang nakangiti at nakatayo lamang ito sa kanyang pwesto habang si Mang Tobin naman ay tila nagpapanik na sa lagay ni die. Pagkarating ng isang lalaki sa tabi ni Die ay sinuntok ito, mabilis lang na nakaiwas si Die at ginilitan ang lalaking iyon. Yumuko naman ng mabilis at umikot si Die sa isang lalaki ng susuntukin din sana siya at mabilis niyang sinaksak mula sa likod ang lalaki na nasa parte ng puso neto kaya napasuka ng dugo ang lalaki at nanlalaki ang mata neto.

Inikot pa ni Die ang handle ng dagger neto bago bunutin at natumba na ang walang buhay na katawan ng lalaki.

Pumalakpak naman sa tuwa si Sebastian ng Makita neto ang nangyari habang napakuyom naman ng kamay si Jena at galit na galit na nakatingin sa direksyon ni Die na ngayon ay pinupugutan na ng ulo ang isa. Natumba lang ang pugot- ulong katawan ng ikatlong lalaki at gumulong naman sa harapan ni Sebastian ang ulong pugot.

"Bitch!" malakas na sambit ni Jena at dahil sa kanyang galit ay mabilis niyang hinugot ang kanyang katana sa scabbard neto at sinugod si Die na nakangiti habang pinapanood niya ang tumutulong dugo sa kanyang dagger.

Mabilis namang napatayo si Sebastian sa kanyang kinauupu-an ng makitang sumugod si Jena sa nakatayong si Die. Ayaw niyang may makialam sa palabas na pinapanood niya kaya mabilis niyang sinangga ang katana ni Jena na ihahampas sana kay Die gamit ang kanyang dagger. At sa hindi inaasahan ay may pumigil din sa kanilang armas kaya sabay na napatingin ang dalawa dito.

"Go back to your posts." Malamig na wika ni Ares sa dalawa pero tila bingi si Jena at nangingitngit pa din sa galit at inis, gusto niyang patayin si Die dahil sa ginawa neto sa kanyang kasintahan. Gusto niyang maghigante dito kaya niya din inutusan ang apat na pahirapan at patayin ang babae.

"No, I won't!! I will kill her." Galit na sambit ni Jena.

"Sorry but I can't let you do it. As I am currently enjoying the show." Nakangiting sambit naman ni Sebastian sa galit na si Jena.

"And you old man. Just go back to your comfort zone, your not invited in this party." Nakakalokong sambit ulit ni Sebastian habang nakatingin na ngayon sa walang reaction si Ares.

"Damn you Sebastian, I will kill you along with that demon girl." Galit na sambit ni Jena at nilakasan niya ang pagdiin sa kanyang katana at umikot ng mabilis dahilan para lumayo ang dalawa sa kanya.

Isang malakas na sigaw naman at pagmamakaawa ang nakapukaw sa tatlo dahilan para mapatingin sila sa isang direksyon. Nakita nilang inuundayan na ngayon ng saksak ni Die ang malaking mama na parang winawakwak ang tiyan neto. Mabilis namang sumugod si Jena kay die na hindi na nagawang habulin ng dalawa.

Nakita lang nila ang mabilis na pagsangga ni Die sa katana ni Jena. Napatalon naman atras si Jena ng sisipain sana siya ni die. Nagkatinginan naman ang nakangiting mukha ni Die sa galit at inis na mukha ni Jena. Habang napatayo naman ang lahat ng myembro ng council ng org sa kanilang nakikita sa loob ng arena pero nanatili pa ding nakatanaw ng seryoso ang head boss. Habang ang announcer at ang mga manager naman ay nalilito kung bakit hindi pa din tumutunog ang buzzer na signal para tapos na ang laban kasi apat na silang natitira.

The Outlaws (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon