Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakagapos dito sa loob ng madilim at masikip na silid na ito at tanging ang mga malalamig na kadenang nakagapos lamang sa akin ang aking kasama.
Wala na nga akong lakas pa para igalaw kahit ang mga daliri ko lamang sa mga kamay. At uhaw na uhaw na ako at nagugutom, tsk.. ganito ba talaga sila dito magparusa?
Kaya naman pala tinaguriang impyerno ang lugar na ito dahil kahit sa isang maliit na bagay lamang ay sobra- sobra na ang pagparusa dito.
Naka ilang oras na siguro ng marinig ko ang kalansing ng mga susi at ang pagbukas ng pintu-an, at sa ganoong oras ko din nasilayan ang liwanag na nanggagaling sa aking likuran.
"Tapos na ang oras ng parusa mo. Makakaalis kana dito, bata." Narinig kong sambit ng isa sa mga pumasok sa loob ng silid na to. Binuksan na nila ang mga kadenang nakagapos sa akin kaya napasalampak ako sa sahig ng mawala na ang mga ito.
Hinawakan na naman nila ako sa magkabilang braso at hinigit palabas sa silid, shit, wala na talaga akong lakas pa kahit manlang ang tumingin sa dinada-anan namin o di kaya kahit na maglakad manlang.
Pagka- ilang minuto ay narinig ko nalang ang pagsipa pabukas ng isa sa mga humahawak sa akin sa isang pintu-an. At naramdaman ko nalang ang malambot na higaan sa aking mukha. Fuck, binitawan lang nila ako dito sa ibabaw ng kama ko siguro.
"Ito ang pagkain mo, natuto ka sana sa iyong leksyon." Yun nalang ang huling narinig ko bago ako lamunin ulit ng kadiliman.
-------------------------
Napamulat ako ng aking mga mata ng makaramdam ako ng pangangalay sa buo kong katawan. Napakunot- noo ako ng makitang kalahating katawan ko lang ang nakahiga sa kama at tila kumikirot ang aking likuran, inabot ko ang aking likod at ganun nalang ang paglukot ng mukha ko ng maramdaman ko ang kirot at hapdi dito.
Napasinghap ako kaagad ng maalala ko ang nangyari sa akin mula sa dinning area hanggang sa parusahan ako at hanggang sa palabasin na nila ako.
Tumayo ako at dumiretsong pumunta sa cr ng silid ko at dahan- dahan kong hinubad ang aking wasak na overall at nagsimula nang maligo. Napapakagat labi nalang ako sa tuwing masasagi ng malamig na tubig ang mga sugat ko sa likuran.
Matapos kong makapagbihis sa ingat na paraan ay tiningnan ko naman ang isang bowl na nasa itaas ng aking maliit na mesa. Malamig na ang sabaw dito kaya pinabaya-an ko nalang ito at naglakad na palabas sa silid ko at dumiretso na sa dinning area at sa pagkakataon na ito ay sisiguraduhin ko nang hindi ako masasangkop sa anumang gulo. Hindi pa kasi ako handa para sa ikalawang parusa.
Nakakita ako ng isang mesang walang tao sa pinakagilid kaya doon ako dumiretso pagkatapos kong kumuha ng pagkain ko. Pinagtitinginan na nga ako dito ng mga ilang inmates.
Hindi ko lamang sila pinansin at nagpatuloy nalang ako sa pagkain ko.
"Oy, baguhan.. pagkatapos mo daw kumain dumiretso ka sa training area. Magtratraining ka doon para sa darating na tournament." Napahinto ako sa pagsubo ng may biglang nagsalita sa gilid ko, isang mama itong nakasuot ng kulay orange na overall. Napakunot- noo ako sa kanyang mga sinasabi, anog magtre- training? Anong tournament?
"Tsk,. Hindi mo ba nabasa ang maliit na libro? Sa likuran nun nakasulat ang tungkol sa tournament." Pahayag neto sa akin at napailing nalang itong naglakad palayo sa akin. Sa likuran ng libro? Eh parang wala namang nakasulat doon? Matingnan nga ulit yun kapag nakabalik na ako sa silid ko.
Matapos kong kumain ay dumiretso na ako sa sinasabi nilang training area. At katulad ng mga nasa gym o mga training area ng mga organisasyon ay katulad niya din ang training area dito.
Napataas nalang ako ng aking kilay ng makitang completing- complete ang mga gamit dito. Shit, talo niya pa ata ang training area doon sa white dragons.
Bigla naman akong nalungkot ng maalala ko si master at ganun na din ang pagsiklab ng galit ko ng maalala ko ang ginawa sa akin ng trixie na iyon at ni zelos. Mga walang kwentang tao.
At sa hindi ko inaasahan ay biglang sumagi sa aking isipan si jin, ang aking gwapong dragon. Kamusta na kaya siya? Hinahanap niya kaya ako?
---------------------------------------------------------
Hi guys,. Pasensya na po sa matagal na UD. Masyado lang po talaga akong busy sa ngayon. Sana magustuhan niyo po ang chap na to.
At nga po pala, baka po matagalan na naman ako sa pag u- ud dito.
Do comment, vote and share guys,. Thanks.,
BINABASA MO ANG
The Outlaws (Complete)
ActionGenre: Action, Adventure, Random, (chaos, war, gangster, academy, university, red, blood) Language: tagalog, English Date started: April 30, 2016, 11:11pm Rated PG This is a work of fiction, any resemblance to any other stories are pure coin...