Chapter 3

7.2K 251 6
                                    


"Parj,. Ikaw daw doon sa kulay pulang Ferrari." Bulong sa akin ni tasyo ng makarating na kami sa aming destinasyon. Kasama ko dito ang grupo namin na pinamumunu-an ni aloy. Anim kaming lahat, limang lalaki kasama na sina tasyo at aloy at ako na nag- iisang babae sa grupo namin.

Mas mabuti na ito kesa sa naging prosti ako katulad ng mga babae sa baranggay namin. Kahit 13 yrs old ay marunong na sa panlalake, talamak talaga ang ganyang mga Gawain sa amin dahil diyan lang naman kami kumikita ng pagkakabuhay namin.

Tumango lang ako sa kanya at sinuot ko na ang hood ng maluwang kong itim na jacket na binili ko kahapon sa ukay- ukay.

Sumenyas na sa amin si aloy kaya naglakaran na sila patungo sa kanilang mga target na sasakyan. Kung tinatanong nyo kung saan kami ngayon ay nandito kami sa urban lane. Ang urban lane ay isang parti ng syudad kung saan dinarayo ng mga mayayaman na tao upang mag enjoy. Nandito kasi ang ilan sa mga sikat at pinagkaguguluhang mga bar at ilang establishemento na buhay tuwing gabi.

Ang urban lane din ang tinaguriang lugar ng mga gangsters o mga taong delikado pero kahit ganun wala kaming pakialam dahil pare- pareho lang kaming masasama dito ang pinagkaiba lang naman ay sila mayayaman habang kami ay mahirap lang.

Dahan- dahan kong kinuha ang pins sa aking bulsa ng marating ko na ang kinaroroonan ng pulang Ferrari. Tinted ang salamin neto kaya di ko masyadong Makita ang nasa loob, sinubukan kong buksan ang pintu-an sa driver's seat pero naka lock ito. Pinasok ko na ang pins ko at kinalikot ang lock neto., magaling ako sa pagbubukas ng mga pintu-an kaya di problema ito sa akin.

Ilang Segundo lang at nabuksan ko na ito pero bago ko pa mapihit ang pintuan pabukas ay bigla nalang nag alarm ang isang kotse kung saan kinakalikot ni arno, ang isa sa mga ka grupo ko.

"Puta., sibat na tayo.. bilis!!" malakas na sigaw ni aloy sa amin kaya dali- dali kong binitawan ang pintu-an ng kotse at tumakbo. Narinig ko din ang ilang sigawan sa likod namin at ang mga yapak. Napalingon ako sa likuran namin at nakita ko ang ilang mga kalalakihan na hinahabol kami at sinisigawan.

Napahinto ako sa pagtakbo at napaharap sa likod ng Makita ko ang baril sa isang kamay ng lalaki na nakatutok kay arno na siyang pinakahuli sa amin.

"Arno,. Tasyo.., bilis.., may baril sila!!!" malakas na sigaw ko dahilan para manglalaki ang kanilang mga mata at napatakbo pa ng mabilis. Mabilis din akong tumakbo uit habang nililingon ko pa din sina tasyo at arno.

Nanlalaki ang aking mga mata ng makitag nakatutok na ang baril kay tasyo.,

"Tasyo!!!" malakas na sigaw ko dahilan para mapatingin sa akin si tasyo at mapahinto sa pagtakbo si aloy na siyang nangunguna kanina. Mabilis akong tumakbo sa direksyon ni tasyo pero huli na ako nabaril si tasyo sa dibdib.

"puta.., tasyo!!" malakas na sigaw ko at tumulo ang mga luha sa aking mga mata. Mabilis naman akong hinawakan at kinaladkad ni aloy paalis sa lugar na iyon habang umiiyak ako.

Kitang- kita ko pa ang pagtumba ni tasyo at ang pagtulo ng dugo at luha sa kanyang mga mata. Pinalibutan siya ng mga lalaki at pinagbabaril habang nakatingin pa din sa akin si tasyo., Habang ako ito,. Umiiyak lang at kinakaladkad ni aloy paalis..

Isang malakas na tunog ng sasakyan na pumreno ang nagpahinto sa amin sa kakatakbo. Mabilis naman akong tinago ni aloy sa likod niya ng maharangan kami ng tatlong mga sasakyan.

Isang lalaking matangkad at puro tattoo ang lumabas sa itim na Ferrari, lumabas din ang isang lalaki sa dilaw na Ferrari at binaba naman ng isang lalaki ang bintana ng pulang Ferrari na target ko kanina.

"Ang lakas naman ng mga loob nyong nakawin ang mga kotse namin." Sambit ng lalaki na puro tattoo. Nakakatakot naman ng boses niya,. Masyadong malalim.

"mga piptsuging grupo naman kayo., ang dapat sa inyo ay tinitiris na katulad ng mga lisa!." Sambit neto at kinasa ang dala niyang baril at pinaputukan ang tatlo naming kasama.

"Puta., mga demonyo! Bakit mo sila pinatay?" malakas na sigaw ni aloy. Nanginginig na nakahawak ako ngayon sa jacket ni aloy., habang tumutulo ang mga luha sa aking mga mata,. Nakita ko din ang tatlong katawan na nakahandusay ngayon sa aming harapan. Dalawa nalang kami ni aloy ngayon..,

"oh., may babae pala!!" mapaglarong sambit ng isa ng mapatingin siya sa akin dahil naibaba na ang aking hood kaya kitang- kita ang mahaba kong buhok. Humigpit ang pagkawahak ni aloy sa braso ko at mas lalo akong tinago sa kanyang likuran.

"Pagbilang ko ng tatlo,. Tumakbo ka ng mabilis at wag lilingon.," mahinang bulong sa akin ni aloy na hindi ko magawang magreklamo at magsalita dahil sa kaba at takot na nananalaytay sa akin nagyon.,

"1,. 2.. 3.. takbo!!!!" malakas na sambit neto dahilan para mapaigtad ako at mapatakbo ng mabilis., Narinig ko pa ang pagputok ng baril at sigawan sa likuran ko. Patuloy lang ako sa pagtakbo habang umiiyak.

Napasok ko na ang kagubatan na nasa gilid ng high way habang patuloy pa din ako sa pagtakbo kung saan. Naririnig ko pa ang kanilang mga boses at yapak kaya napatakbo pa ako ng mas mabilis.

"Arghh.." daing ko ng magkasabit- sabit ang aking mga braso at paa sa ilang mga tinik ng mga halaman.,

"Lintek.," daing ko ulit ng matapilok ako at mapagulong sa lupa., kahit sumasakit na ang aking katawan ay patuloy pa din ako sa pagtakbo. Di ko na alam kung may nakasunod pa ba sa akin o wla na.

"aray.." daing ko ulit ng matapilok ako ulit at madapa sa ilang mga bato dito. Kahit nahihirapan na ako ay patuloy lang ako sa pagtayo at paika- ikang tinatahak ang kagubatan ngayon, nagpapasalamat lang ako dahil gabi ngayon at medyo madilim, sanay lang talaga ang aking mga mata sa dilim at mabuti nalang ay mabilis akong tumakbo.

"Highway!!" sambit ko ng Makita ko ang isang cementong daanan, nagdadalawang isip pa ako kung lalabas ako sa gubat o hindi. Pero tuloy- tuloy lang ang aking mga paa sa paglakad- takbo na pa ika- ika papunta sa highway. Dahil na din sa pagod, sakit ng katawan, kaba at takot ko ay bigla nalang bumigay ang katawan ko na nasa gilid lang ng highway.,

Isang nakakasilaw na liwanag ng kotse ang huli kong nakita bago ako mawalan ng malay..


---------------------------------------------------------

Okay,. So how's this chappy guys??

Do vote and comment,. Thank you!!

The Outlaws (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon