Damn, nakatulala lang ako habang nakatingin sa loob ng ring. Kaya naman pala siya tinaguriang mabangis na babaeng reaper noon dahil sa kanyang kakayahan at lakas.
Parang baliwala niya lang binabalibag at pinagsusuntok ang kalaban niyang mas higit pa na mas malaki kesa sa kanya. Kung titingnan mo kasi ng mabuti ang katawan ni Jena ay medyo maliit pero sexy hindi siya bulky. Parang isa siyang modelo sa kanyang pangangatawan at mukha pero medyo may pagka strikta ang kanyang mukha.
Napa wooah naman lahat ng manonood ng sa ikalimang beses ay natumba na naman ang kalaban netong si Aldrin at sumuka ng dugo. Napatingin naman ako ng mabuti sa kanya ng lumapit siya sa kanyang kalaban at sinipa ito sa mukha dahilan para mawalan na ito ng malay.
Tumalikod na ito at tinaas niya ang dalawa niyang kamay na parang kumakaway sa mga nanonood, bigla namang nagsi- cheer ang mga manonood sa kanyang ginawa. Nag- uumpisa na din kasing mag countdown para malaman kung babangon pa ba o hindi ang kalaban ni Jena.
Mag wa- one na sana ng biglang mapatukod ang lalaki at unti- unting bumangon kaya napatahimik ang buong stadium. Napalingon naman si Jena sa kalaban niya at gumuhit ang pagka- irita sa kanyang mukha.
"Tsk, so you still have the strength hah." Iritang sambit neto at lumapit naman siya dito.
Isang malakas na sipa ang ginawa ni Jena sa lalaki at napatumba na naman ito pero hindi na ata siya natutuwa. Kinuha niya ang kwelyo ng lalaki at pina- upo ito. Bigla naman siyang pumunta sa likurang bahagi ng lalaki kaya nakaharap na talaga si Jena at ang lalaki sa akin.
Nakita ko pa ang kanyang pag- smirk sa direksyon ko habang unti- unti niyang hinahawakan ang ulo ng lalaki. Napatingin nalang ako ng malamig sa kanya ng walang ano- ano'y mabilis na pinilipit ni Jena ang ulo neto at rinig na rinig ko ang tunog ng nabaling leeg ng lalaki.
Sumilay naman ang pangdemonyong ngiti sa kanyang labi bago siya tumayo. Nagsisigawan na naman at nagpapalakpakan ang mga nanonood.
"Hindi parin siya nagbabago, pinapatay niya pa din ang mga kalaban niya." Hindi ko na masyadong marinig ang boses ni mang Tobin ng sabihin niya iyon dahil sa mga boses ng mga nanonood at ng announcer.
And of course, dahil sa nasa top 3 si Jena ay dapat mataas talaga ang expectation nila sa kanya. Kaya dapat expected na talaga na ganito ang magiging reaction nilang lahat.
Tumalikod ako at naupo sa maliit na parang quarters namin ni mang Tobin ng magsimula nang lumaban ang ikalawang set ng kalahok. Hindi na ako nanonood dahil tatlong tao lang naman ang gusto kong panuorin sa ngayon para makapag handa ako kung sakaling isa man sa kanila ang aking makakalaban sa hinaharap.
Kahit papaano ay gusto kong Makita kong paano sila lumaban. At para na din malaman ko kung talaga bang dapat kong mag- ingat kung kakaharapin ko na sila dahil ngayon wala akong planong magpatalo sa kung sino man. Kahit na pilitin ko ang sarili kong lumaban sa aking limitasyon ay gagawin ko.
Bigla ko namang naalala lahat ng mga training namin ni mr. Keido. Kaya biglang nagkaroon ng pag- asa ang aking dibdib at sigurado ako ngayong makakalagpas ako hanggang semi, basta hindi ko lang muna makaharap ang tatlong iyon.
"Ang ikawalong set ng mga kalahok, Die vs Alex." Napatingin ako sa malaking screen ng lumabas ang aking pangalan at ang pangalan ng makakalaban ko.
Tahimik namang pumunta sa direksyon ko si mang Tobin kaya napatango ako sa kanya at nagsimula nang maglakad papunta sa ring. Nagsisisgawan naman at nagpupustahan ang mga manonood kung sino ang mananalo sa labanang ito.
"Goodluck, bata." Mahinang sabi sa akin ni mang Tobin at tinap niya lang ang aking balikat kaya lumingon ako sa kanya at ngumiti. Napaharap naman ako sa kanang bahagi at nakita ko kung paano maghalikan sina Jena at ang isang lalaki na may magandang pangangatawan.
BINABASA MO ANG
The Outlaws (Complete)
ActionGenre: Action, Adventure, Random, (chaos, war, gangster, academy, university, red, blood) Language: tagalog, English Date started: April 30, 2016, 11:11pm Rated PG This is a work of fiction, any resemblance to any other stories are pure coin...