Chapter 30

5.8K 167 1
                                    


Die Akira's POV

It's been 2 months nang matapos ang tournament at ipatawag kaming tatlo ng head boss ng scorpion Org. At 2 months na din akong nagtratrabaho bilang scorpion 13 eraser. At isa ako sa mga kinatatakutan at ginagalang na eraser sa loob ng org. Kasama ko din dito ay ang bwesit na si Sebastian na kilala bilang scorpion 7, na katulad ko ay kinakakatakutan na din at ginagalang kahit na hindi siya mukhang ka galang- galang at habang si Ares naman? Ayun hiniling na bumalik sa Branwar, ayaw na niya atang lumabas doon pero may special privilege din pala ang matandang iyon. Pweding- pwedi daw siyang lumabas kahit kailan niya gustuhin pero sa ngayon ay ayaw niya pa.

At speaking of him, nakapag- usap na din kaming dalawa. At shit lang, grabeng pasabog ang mga sinabi niya sa akin. Gusto ko noong magwala at pasabugin lahat ng mga building na Makita ko. Umabot pa nga kaming dalawa sa isang madugong labanan kung saan kamuntikan na kaming mamatay na dalawa, pero hindi ko siya masisisi sa kanyang mga ginawa.

At si Mang Tobin? Syempre pinalaya na siya at hinanap na niya ang kanyang mag- ina. I am so happy that finally makikita na niya ang mga ito at makasama. Sinabihan niya din ako noon na kung gusto kong sumama sa kanya pero I decline his offer because may kailangan pa akong tapusin at pagbayarin at mas lalong hindi ko mapapatawad ang aking sarili kapag may masamang mangyari sa kanyang pamilya dahil sa akin.

Everything on my life was a big lie, a freaking lie. My existence, my life, and my name it is all a big lie. And thanks to Ares I finally know the reason of my existence.

I just never thought that I'm not what I know I am before. And damn this,.. pagbabayarin nila ang ginawa nila.

"Die!!" napabaling naman ang ulo ko sa aking likuran ng may tumawag sa akin. Napaismid naman ako ng Makita ang lalaking nakangiti ng nakakaloko at naglalakad papunta sa akin.

"Anong kailangan mo?" mas lumawak naman ang ngiti neto sa akin at umakbay pa pero mabilis ko lang na hinawakan ang kamay niya at pinilipit ito.

"Damn, okay- okay di na nga aakbay. Tsk,." Reklamo neto agad at binitawan ko naman siya. Hinaplos- haplos niya lang ang kanyang braso bago tumingin ulit sa akin ng nakangiti pa din.

"Pinapatawag tayo ng head." Ngiting sambit neto kaya napatango naman ako at sumunod na sa kanya habang pasipol- sipol pa siyang naglalakad papunta sa office ng head. Yumuyuko naman sa amin ang ilan sa mga staffs at eraser din na naglalakad sa hallway.

Diretso niya lang binuksan ang pinto ng office ng head at pumasok na din kaya sumunod nalang ako sa kanya at sinirado ang pinto. Nasanay na din kasi sa amin ang head kapag pupunta kami ng office niya na hindi na kumakatok at diretso lang sa pagpasok.

As usual napailing nalang ito ng Makita si Sebastian na sumisipol pa at biglang umupo sa sofa habang nakasunod naman ako at seryoso lang na nakatingin at umupo na din sa tabi ni Sebastian na naka dekwatro na ngayon.

"Anong kailangan mo?" malamig na tanong ko dito at napailing nalang ito ulit sa inasal ko and yep, nasanay na din siya sa akin na malamig makitungo at parang walang mga modo.

"Another mission for the two of you. And this one will be in your favour Die." Malamig din na saad neto sa amin at binigay na ang dalawang folder na may mga files. Binuksan naman ito agad ni Sebastian at napasipol ulit siya pero this time ay yung sipol na parang nakakita ng maganda at seksing chicks.

"When?" tanong ko sa kanya ng binuksan ko na ang folder at sumilay sa aking mga labi ang isang pangdemonyong ngiti.

"mamayang gabi kayo mag- uumpisa at wala akong pakialam kung kailan niyo ito matatapos. Ang mga target lang ang gusto kong patayin niyo at dapat walang mga sibilyan ang madamay. Masyado nang gahaman ang clan na iyan at may plano pa itong sakupin ang isang clan sa hindi patas na laban kaya dapat niyong gawin ang mission na iyan. At nga pala, may isang clan din ang gustong sumalakay sa clan na iyan kaya dapat niyong alamin kung sino lang ang mga target. You two can take all the things you want as long as the mission will be successful. Goodluck to the both of you." Mahabang sabi neto kaya napatango nalang kaming dalawa ni Sebastian at lumabas na ng kanyang office.

The Outlaws (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon