Chapter 32

4.9K 164 0
                                    


"Boss!!" malalakas na tawag ng buong itim na dragon na nagsisipagtakbuhan sa loob ng mansyon para sakaling tulungan at tingnan ang kalagayan ng pinuno nila pero napahinto lang sila ng Makita nilang nakatayo pa ng maayos ang boss nila at hindi ito nag- iisa.

Nandoon ang dalawang myembro ng secret org, napalakad naman pauna si Mr. Keido at lumapit kay Jin at ganun na din si Davin na may ilang sugat at pasa at bali sa balikat. Habang lumapit naman si Sebastian kay Die.

"So, all along ang secret org talaga ang may gagawan ng ibang pagsabog at pagpapatumba sa mga business nila." Basag katahimikan na sambit ni Davin ng makarating na ito kin Jin at mr. Keido.

"Total Annihilition ang mission namin at wala kaming pakialam sa gyera niyo pero itong kasama ko ata ay may pakielam." Ngiting pahayag ni Sebastian habang hinuhubad na niya ang kanyang mask. Siniko naman siya ng kanyang kasama at napangiwi naman ito.

"gago talaga." Utas ni die. At nang marinig ni Jin ang boses na iyon ay dali- dali siyang lumapit kay Die at yinakap ito nagulat naman ang lahat sa ginawa ng boss nila.

"Akira." Mahinang bulong ni Jin na ngayon ay lumuluha na. Akala niya kasi ay hindi na nya makikita at makakasama si Akira.

"Teka- teka.., ano sa tingin mo ang ginagawa mo sa partner ko?" malamig na tanong naman ni Sebastian kaya mabilis na napabitaw si Jin at napaharap kay Sebastian.

"Partner mo? Reyna ko naman siya!" malamig na sambit din ni Jin dahilan para mangunot noo ang mga ito.

"Anong?? Hoy,. Anong reyna hah? Akin yan, partner ko yan!" malaks na sigaw ni Sebastian at bigla niya binitawan ang katana neto at hinawakan sa kamay si Die at hinigit papunta sa kanya. Naningkit naman ang mga mata ni jin at hinawakan din sa kabilang kamay si Die.

"Anong sayo?? Akin ang reyna ko!" at hinigit din ito papunta sa kanya habang napapatingin nalang ang lahat sa ginagawa ng dalawa na tila naglalaro lang ng tag of war.

"mga besit kayo!! Bitawan niyo ako!" mabilis na napabitaw ang dalawa ng sumigaw ng malakas si Die at pabalang na kinuha ang kanyang mask, kaya kitang- kita na nila ang mukha neto. Bigla namang napahalakhak si Davin na sinabayan ni Mr. Keido kaya napatingin sila sa dalawa.

"Ang epic!" malakas na sambit ni Davin habang tumatawa pa din ang mga ito at napapangiti nalang ang buong itim na dragon.

"tapos na kayo?" malamig na tanong ng tatlo kaya napatahimik nalang bigla at napaubo ng peke sina mr. Keido at Davin at tumango nalang ang mga ito.

"Nga pala, buhay pa ang mga myembro ng puting dragon sa mga hQ na nilusob namin kanina. Nakatulog lang ang mga iyon kaya pwedi niyo na silang mabalik sa mansyon." Malamig na sambit ni Die sa lahat.

"narinig niyo ang reyna,." Sambit naman ni Jin kaya mabilis lang na nagsipag tanguhan ang mga ito at pinagtulungan na nilang buhatin ang mga puting dragon na walang malay at nilagay sa isang sulok.

"Akira," sambit naman ni Jin makalipas ang isang minuto. Tumango lang si Die dito at bumaling na kay Sebastian na nakangiti na ngayon.

"Alam ko na ang gagawin ko, wag kang mag- alala. Salamat at magpakasaya ka, tandaan mo nandito lang ako." Sinserong sambit neto at niyakap niya si Die at ganun na din si Die kay Sebastian.

"Salamat." Sambit ni die bago sila maghiwalay. Humarap naman bigla si Sebastian kay Jin.

"Alagaan mo yan ng mabuti pag yan umiyak puputulin ko talaga lahat ng daliri mo isa- isa."sambit neto kay Jin na napangiti na din.

"Wag kang mag- alala di ko siya pababaya-an." Sambit naman ni Jin at nag bro hug sila ni Sebastian. Nakipag kamay naman sina Davin at Mr. Keido kay Sebastian bago neto isuot balik ang mask niya at umalis na ng mansyon.

"Ngayon, marami kang ipapaliwanag sa akin, gwapong dragon ko." Malambing na wika ni die at napangiti nalang ito at mabilis na yumakap ulit kay jin na nakangiti sa kanya.

"marami talaga tayong pag- uusapan." Sambit naman neto sa kanya.


------------------------------------------------------------------------

Hi guys,. The end is near, very very near dahil last chap na po sa susunod.

Gusto ko lang pong magpasalamat sa lahat po ng bumabasa at sumusuporta sa story kong ito. Maraming salamat po,. Thank you, thank you po talaga.

The Outlaws (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon