Chapter 9

5.8K 205 3
                                    








Zelos Xerxes's POV

Pesting babae talaga, tumakas na naman sa akin at ginamit niya pa ang ducatti monster. Pahirap talaga, paano ko siya masasabihan at mababawalan sa mga gagawin niya kung sa tuwing lalapitan ko siya at kausapin umaalis siya.

Nakakainis talaga, bwesit.. lagot na naman ako neto kay primo kapag nalaman ng black phoenix at red basilisk na yung babaeng yun ang tagapag- mana.

"Bat nakabusangot ka diyan, tol?? Chillax lang makikita din natin sa university ang babantayan mo." Napahawak ako ng mahigpit sa manubela ng Lamborghini Estoque ko. Nang marinig ko ang sinabi ni Sheldon sa akin. Sheldon Anthony, senior high din katulad ko at isa sa mga bumubuo sa grupo o gang ko.

"Sana nga, Makita natin siya at makausap bago pa siya may gawing katangahan." Pasaway pa naman ang babaeng iyun, di ko tuloy maisip kung bakit sa dinami- dami ng pweding maging heir eh yung babaeng pang yun ang napili ni primo.

"Hahaha.. kaya pala, kanina kapa nakabusangot diyan." Pang- aasar pa ni Sheldon sa akin. Gago neto ah- eh pasaway din ang isang ito eh.

"Alam naman natin na ayaw na ayaw ni xerxes ng mga pasaway." Cool na sambit naman ni keito. Tama, ayaw na ayaw ko sa mga makukulit at pasaway. Kaya nga, nabwi- bwiset ako dahil masyadong pasaway at makulit ang babaeng yun. Keito Takamuri, senior high din at kasama din sa grupo.

"Nga pala, xerxes.. anong gagawin mo dito sa red apples? Eh, di ka naman mahilig sa red apples hah." Napallingon ako kay Sheldon na nakaupo sa frontseat at mabilis na dinikwat ang maliit na supot na may lamang red apples sa kanyang mga kamay.

"Woah.., nagtatanong lang naman eh." Reklamo pa neto na hindi ko naman pinansin.

"Keito, ipasok mo nga sa backpack ko." At tinapon ko palikod ang supot. Sigurado namang masasalo yan ni keito.

Mas pinabilis ko pa ang pagpapatakbo sa kotse,. Kailangan kong maabutan ang makulit na babaeng yun bago pa mag breaktime.

------------------------------------------

Die's POV

"Ang tagal naman mag breaktime.. nagugutom na ako!" mahinang reklamo ko habang nakahalumbaba ako sa mesa ko at tinitingnan ko ang nakasabit na wallclock. "Isang minuto nalang.." excited na sambit ko ulit, di ko maiwasang di mag day- dream na kumakain ako ng isang masarap at mapula- pulang mansanas na nasa canteen o cafeteria.

"Yess!!!" sambit ko nang tumunog na ang bell, hudyat na breaktime na. Nagsilabasan naman ang mga kaklase ko at paunahang umalis, at sa kabutihang palad ay ako lang ang natira sa loob.

Tumayo na ako at nagsimula na ding maglakad palabas, mangilan- ngilang mga estudyante na lamang ang nasa hallway kaya cool na cool lang akong naglalakad.

"hala tol,. Panu ba yan.. naabutan tayo ng breaktime." Tumayo ata ang dalawang tenga ko ng marinig ko ang pamilyar na boses, Peste.., sana hindi silang tatlo iyun.

"Tingnan mo sa loob ng classroom nila,. Pag wala siya diyan siguradong pupunta yun ng canteen o di kaya ng cafeteria." Napahinto ako sa paglalakad ng marinig ko ang tinig na iyun. Fuck,. Nandito na nga sila,. Bat ang bilis naman nila..

"Kyaaahhhh!!!! Xerxes!!!,. "

"Oh my Gosh,. Nandito din si papa Sheldon!!"

"Keito, mylabs!! Kyaahhhh!!"

Napasilip ako sa kanang bahagi ng hallway ng marinig ko ang ilang hiyawan at tili-an ng mga junior girls., Nanlalaki ang aking mga mata ng Makita ang tatlong unggoy na dinudumog ng mga kababaihan.

Maglalakad na sana ako ulit palayo sa pwesto ko ng mahagip ng mga magaganda kong mga mata ang isang maliit na supot sa loob ng isang backpack na nakabukas..

"Red Apples!!" masayang sambit ko habang kumikinang na naman ang aking mga mata. Pero napatitig ako ng masama sa taong humahawak ng backpack.

"Zelos!" mahinang sambit ko at luminga- linga sa paligid ng pweding magamit para makuha ko ang red apples sa kanyang mga kamay.

Pero wala akong Makita kaya pasimple akong pumunta sa mga nagtitili-an at nagkakagulong mga babae na iyun at pumuwesto ako sa kanang bahagi ni zelos malapit sa backpack niya na hawak- hawak niya.

Isa, dalawa, tatlo... hahawakan ko na sana at itatakbo ng may biglang umepal...

"Anong ginagawa ng mga knights sa junior building na ito? Nasa kabila naman ang seniors hah." Biglang tumahimik ang lahat ng mga kababaihan at tumingin sa isang lalaking tirik na tirik ang buhok at ngumunguya ng isang buble gum.

"May hinahanap lang.." seryosong sambit naman ni Sheldon sa lalaki. Pero napaismid naman ang lalaki., tsk,. Bakit pa ba ako makikinig sa kanila? Kung pwedi ko nang makuha ang red apples..,

"What the???" gulat na sambit ni zelos ng biglang dikwatin ko sa kanyang kamay ang back pack at tumakbo ng mabilis paalis sa lugar na iyun.

"Fuck,. Sheldon, Keito.. habulin yung makulit na iyun. Bilis!!" rinig ko pang sambit niya bago ako tuluyang makalayo sa kanila pero naririnig ko din ang mga boses at yabag nilang tatlo na humahabol sa akin. Ano ba yan,. Ang bibilis naman ng mga unggoy na ito kung tumakbo.

Lumiko ako sa isang hallway at mabilis paring tumatakbo, mabuti lang nga at walang masyadong mga estudyante dito.

Nakalabas na ako sa building at mabilis na tumatakbo pa din patungo sa likurang bahagi ng university na ito. Kailangan kung makahanap ng isang pagtatagu-an.

"Perfect" sambit ko nang Makita ko ang isang puno. Mabilis akong umakyat sa puno na iyun at pumwesto. Sa wakas makakakain na din!.








-------------------------------------------------------------------------------------------

Soji Seto as Keito Takamuri..,

Pic above guys,. :)

The Outlaws (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon