Chapter 33: The Finale

7.8K 304 35
                                    




       

Die Akira's POV

I really never thought na magiging ganito ang buhay ko. Hindi ko inaasahan na ganito pala talaga ang tunay na buhay ko. Akala ko noon ay wala na akong silbi pero mula ng mangyari ang mga trahedyang iyon sa buhay ko ay napag alaman ko na madami pa pala akong responsibilidad at silbi sa mundong ito.

Naging reyna ako ng yin- yang dragon clan at tinanggap ko na ito ng buo. Dahil nalaman ko na isa talaga akong Kushimoto. Ako ang nawawalang anak ni Darryl kushimoto ang anak ni Phoenix Arwan Kushimoto.

Sinabi kasi ni Ares na siya ang naglagay sa akin sa squatters area na iyon para ilayo sa mga kaaway ng pamilya namin. Kinuha niya ako sa aking ina noong mga panahon na nag aagaw- buhay ito kasama ng aking ama na lumalaban. At dahil marami ang aming kalaban ay nakita nila si Ares na tinatakas ako kaya mabilis lang akong ibinilin ni ares sa isang bahay para isakripisyo ang kanyang buhay.

Napag- alaman ko din na itinakda pala kaming ikasal ni Jin mula pa noong bata pa kami at ngayon na nalaman na ng lahat na ako ang tunay na nawawalang kushimoto at tagapagmana ay napagdesisyunan na niyang magpakasal na kami.

At dahil sa mahal na mahal ko siya at ganun din sa akin ay nagpakasal nga kami. Tanging si Mr. Keido nalang ang nghatid sa akin sa altar dahil pareho na kaming wlang mga magulang. Madami din kaming naging bisita kasama na doon sina Sebastian, Davin, Ares, Mang Tobin, yung head boss namin sa org at ilan pang mga mafia heads.

1 taon na ang nakalipas at masayang- Masaya na ako. Hindi ko na iniisp pa ang mga nakaraan dahil kontento na ako ngayon sa buhay ko kasama ang mga myembro ng dragon clan at ng asawa ko.

Ako si Die Akira Arwan Kushimoto Akanishi at dito na magtatapos ang kwento ng buhay ko.

Everything happens for a reason ika nga.. at syempre, it's really good to be bad!

The end!!!

Huhuhu.. tapos na po ang "The Outlaws, maraming- maraming salamat po sa lahat ng mga tumatangkilik sa storya ng buhay ni Die. Sana po nagustuhan niyo poi tong story.

Pasensya na po talaga at hindi po ako marunong gumawa ng goodbye speech. Basta than you po talaga sa lahat- lahat.

The Outlaws is signing off.
Ps: Kung gusto nyo pong mabasa at makasama ulit ang makulit na sebastian, iisang settings lang po ang The Outlaws at Untamed Fire. Although, hindi po sya kasama sa mga main characters may iilang scene po doon si sebastian at Die. Konekted din po ang secret Org at mafia famiglia ng mga bida, so expected po na may ilang settings at char pong familiar sa inyo.

Pps: Naka mature po ang Untamed Fire.

Thank you po ulit, godbless po!

The Outlaws (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon