"Die, nakikinig ka ba sa akin?" napabalikwas ako ng bangon sa sofa sa mansion ng sumigaw tong si zelos.
Ano na naman kaya ang problema ng unggoy na to? Ayan tuloy naputol yung pag de- daydream ko sa gwapong dragon na yun,. Ano nga pangalan nun? Jan? Jay?? Ahhh.. Jin.., yes, jin.
"Die!! Sinasabi ko sa iyo layu-an mo yung tatlong lalaking nakasama mo sa detention room. Kahit anong mangyari wag na wag kang lalapit sa kanila. Lalong- lalo na kay Jin Akanishi. Maliwanag ba?" Sambit neto sa akin sa seryosong mukha.
"Bakit? Bakit ako lalayo?" napatingin nman siya sa akin ng masama at humalikipkip naman ako.
"Dahil delikado silang tao.. At.. basta, wag na wag ka nang lalapit sa kanila! Nagkakaintindihan ba tayo?"
"Eh,. Hindi naman ako nalapit sa kanila ah.. sila naman yung lumalapit sa akin. Teka, bat nasama si jin sa kanila? Eh.. hindi naman siya parti ng trio ah!" tumayo ako at humarap sa kanya.
"Kasi.., Basta.., basta, delikado siya. Hindi ko lang alam kung gaano siya ka delikado. Basta wag kang lalapit doon." Napata-as naman ang isang kilay ko sa sinabi niya.
"Paano mong nasabi na mas delikado pa siya sa dalawa kung di mo naman pala alam." Hindi siya nakasagot sa tanong ko.
"Basta!!" napapikit ako at napa- atras ng sigawan niya ako sa mukha ko. Pesting unggoy na to kala mo naman ang bango ng hininga!
"Ang baho ng hininga mo unggoy ka!! Peste!!" Sigaw ko pabalik sa kanya habang uma- akyat na siya sa hagdan. Lumingon naman siya sa akin at binigyan ako ng dirty finger. Pesteng unggoy talaga..
Bahala siya diyan, basta ako magde- daydream kay gwapong dragon.. hehehehe..
------------------------------------------------------------------------------
Hmmm.. Bakit ganito ang aura ng academy na to? May nangyari ba? Masyadong tahimik at hindi magulo ang estudyante ngayon. Hindi sa magandang pagka- tahimik kundi sa tahimik na biglang magkakaroon ng gyera. Yun yun..
Parang ilag ang ilang mga estudyante ngayon at wala akong masyadong nakikitang mga pusang- galang mga estudyanteng nagrarambolan.
Bakit nagka- ganito tong mga to?
Hanggang sa mga hallway medyo ilag sila. Ano ba kasing nangyayari?? Nman eh, bat ko ba iniisip to? Mas maganda na nga ang ganito eh, tahimik..My kind of comfort zone.
"Sigurado ba kayo, darating na talaga siya?"
"oo, bumalik na daw siya."
"naman, bakit pa ba kasi siya bumalik? Magiging arena na naman tong academy."
"kaya nga eh, nandito na din daw ang prinsesa."
"Oh? Edi complete na silang tatlo?"
"oo.. naman, maraming dugo na naman ang masasayang dito."
Napahinto ako sa paglalakad sa hallway nang marinig ko ang usapan ng tatlong babaeng nasa gilid ng kanilang mga lockers. Di naman nila malalamang nakikinig ako dahil medyo malayo na ako sa kanila at nasa likuran ko silang bahagi.
Sino kaya yung dumating?? At sino naman ang prinsesa? Fuck!! May royalty palang nag- aaral dito? Seryoso., ano to England lang??
BINABASA MO ANG
The Outlaws (Complete)
ActionGenre: Action, Adventure, Random, (chaos, war, gangster, academy, university, red, blood) Language: tagalog, English Date started: April 30, 2016, 11:11pm Rated PG This is a work of fiction, any resemblance to any other stories are pure coin...