"Musta ang tulog mo sa bagong bahay mo parj?" yan agad ang bungad na tanong sa akin ni tasyo ng Makita nya ako dito sa tambayan namin malapit sa overpass ng riles ng tren. Wala akong balak na sabihin sa kanya ang naging pagtulog ko doon sa malamig na sahig ng malaking bahay na iyun na kahit isang karton ay wala akong Makita.
"Tumahimik ka diyan tasyo,. May dala ka bang pagkain?" walang ganang sabi ko sa kanya mabilis niya namang binigay sa akin ang isang maliit na supot na may lamang tatlong maliliit na pandesal.
"Kinupit mo na naman ito sa bakery ni aling osang noh?" tanong ko dito habang kinakagat ko na ang unang pandesal.
"Ano pa ba.. alangan naman bilhin ko? Alam mo namang wala akong pera at isang kahig isang tuka din naman ang buhay ko.. Nga pala, may bago daw tayong target., malaki- laki daw yun sabi ni aloy sa akin noong isang gabing pabalik na ako sa bahay." Umupo naman siya sa isang upuang plastic dito at humarap sa akin habang kumakain pa din ako ng tinapay.
"Kailan daw??" kinuha ko naman ang isang mineral water na dala neto na siguradong kinupit niya din sa isang tindahan. Binuksan ko ito at ininom..,
"Mamayang gabi daw., doon sa kabilang kanto ang kita-an natin." Sagot neto sa akin kaya napatango naman ako sa kanya. Pagkatapos kung uminom ay tumayo na ako at naglakad, tumayo na din siya at sumunod sa akin.
"San tayo ngayon?" excited na tanong neto sa akin kaya napalingon ako sa kanya at ngumiti ng nakakaloko.
" Sa sakayan ng mga bus." Sambit ko dito at sumabay na siya sa akin sa paglalakad. Di naman gaanong malayo ang sakayan ng mga bus dito, tsaka sanay na kami sa lakaran kaya okay lang sa amin.
Pagkarating namin sa sakayan ng bus ay maraming mga tao na ang nagkalat dito. Nilibot lang namin ang paningin namin at pasimpleng humanap ng mga target. May ilang mga pulis at guwardya pa akong nakita sa paligid pero wala kaming pakialam sa kanila.
Naglakad ako sa isang mga kumpulan ng mga tao at humiwalay na din sa akin si tasyo. Pumwesto ako sa likuran na bahagi ng isang lalaki at pasimpleng kinuha ang kanyang pitaka na nakasuksok sa likuran ng pantalon niya. Di niya naman naramdaman ang ginawa ko at isa pa nagkakadikdikan ang mga tao dito.
Pasimple kung binuksan at kinuha ang ilang paper bills sa pitaka niya at pasimple ko ding binalik ang kanyang pitaka sa likuran niya, pinasok ko lang ang dalawang kamay ko sa loob ng bulsa ng maluwang kong jacket at umalis sa likuran niya na parang walang nangyari.
Habang naglalakad ako ay pasimple ko pa ding hinahanap ang susunod kong target. Isang babaeng bumili ng bottled water ang nakita ko at nakita ko din ang perang nasa kanyang mga bulsa. Pasimple kong binilisan ang paglakad ko para mabangga ko sya habang naglalakad din siya pabalik sa mga kasama niya.
"Sorry" sambit ko dito ng mabangga ko na siya at mabilis kong pinasok sa kanyang bulsa ang aking kamay, hinawakan ko din ang isang braso neto para di siya matumba. Tumango naman siya at nagsabi din ng sorry bago tumalikod sa akin at naglakad. Pinasok ko lang ulit ang aking kamay sa bulsa ng jacket ko at naglakad na papunta sa silong.
Ilang minuto lang at nasa tabi ko na si tasyo at malaki ang ngiti sa kanyang mukha.
"Mukhang nakadami ka ngayon hah." Sambit ko dito at tumango naman siya at umalis na kami sa lugar na iyun.
---------------------------
"Naka 3k ako ngayong araw parj,. Ikaw?" masayang sambit neto sa akin ng makarating na kami sa tambayan namin. At binibilang na niya ang perang nakupit niya kanina.
"Naka 5k ako.., marami- rami kasi ang nakuha ko sa pitaka ng mama kanina,. Mukhang mayaman eh.." sambit ko naman,.
"Sige,. Uuwi muna ako parj,. Ibibili ko pa ito ng pagkain namin eh." Sambit niya sa akin pero bago pa siya maka alis ay tinawag ko siya at binigay ang isang libo sa kanya.
"Salamat parj.." masayang sambit neto sa akin at napatango naman ako sa kanya. Hindi niyo naman kasi kami masisi kung ganito ang Gawain namin. Mahirap lang kami, walang tumatanggap sa amin para magtrabaho noong umaapply kami dahil hindi kami nakapag aral kahit na kinder at elementary. Ganitong Gawain na kasi ang nakamulatan namin simula pa noong bata pa kami kaya kami magaling dito. At isa pa,. Kung sakaling may trabaho nga kami ay di din naman ito magtatagal dahil sa mga magulang namin na wala nang ginawa kundi mag eskandalo at pahirapan kami kapag wala kaming naibigay na datung sa kanila.
Mabuti lang nga at wala na ako doon sa bahay namin.., Wala nang mananakit sa akin.
BINABASA MO ANG
The Outlaws (Complete)
ActionGenre: Action, Adventure, Random, (chaos, war, gangster, academy, university, red, blood) Language: tagalog, English Date started: April 30, 2016, 11:11pm Rated PG This is a work of fiction, any resemblance to any other stories are pure coin...