Napabuntong hininga ako at tahimik na kumakain ngayon sa cafeteria. Mamayang gabi na ang secondary round ng tournament at halata naman ngayon na mataas na ang tensyon sa aming mga kalahok habang yung iba naman ay nag- uumpisa nang mag pustahan.
Mabuti nalang nga at sa mga nakaraang mga araw ay tahimik lang akong nakakapag ensayo at ganun na din ang ibang mga kalahok. Mabuti lang nga din talaga at sumusunod ang mga ito sa rules ng tournament. Kung hindi ay sigurado akong sa unang araw palang ng pag- eensayo ay magkakaroon na ng away. Although, sa tuwing magkikita kami ni Jena o magkakasalubong ay masakit pa din ang tingin neto sa akin.
Sigurado akong ako ang tatargetin niya mamaya, mukhang hindi niya talaga gusto na natalo ko ang kanyang kasintahan. Haist, mukhang kailangan ko talagang mag- ingat mamaya ah.
"Hey, bitch see you later in the ring. I will make sure that this is your last supper." Napalingon ako sa aking kaliwa ng marinig ko ang malamig na boses na may kasamang inis at galit.
Seryosong tiningnan ko lang si Jena hanggang sa tumalikod siya sa akin at umalis na doon lang ata ako nakahinga ng malalim eh.
"Wew, that was intense." Napatingin naman ako bigla sa aking harapan ng may magsalita ulit. Napakunot- noo ako ng makitang nakangiti ang lalaking ito sa akin habang may buto pa ng manok na nginangatngat ito. Teka, wala namang tao kanina dito sa harapan ko ah.
"For a newbie, you're pretty interesting and strong. I wonder if you can make it to the top. Well, I might say goodluck to you to survive this round." Nakangiting sambit neto sa akin habang hinahawakan na niya ang buto ng manok na nasa bibig niya.
"And oh, I think you should be careful too because you got ares's attention too. That guy is dangerous, very dangerous so if I were you, you better run when he strike you." Biglang seryosong sambit neto sa akin at bigla naman siyang tumayo sa inuupu-an niya at tumalikod na sa akin at nagsimulang maglakad paalis pero napatigil ito dalawang hakbang palang at lumingon sa akin.
"Ahh, I forgot to say. You should better win in this round cause I place a bet on you. Damn, I even bet high price that you will survive in this round so you better survive it kid but if you can't you will pay back my money..double." at tumawa pa ito ng malakas dahilan para mapatingin sa kanya ang lahat ng mga nandito sa cafeteria. Napakunot- noo naman ako sa sinabi niya. Baliw ba ang isang iyon?
At bakit nga ba ako kinakausap ng isang Sebastian? Damn, napakamot nalang ako sa aking ulo at tumayo na din at naglakad palabas sa cafeteria pero bago yun ay napahinto ako malapit sa pintu-an at lumingon sa isang direksyon at tiningnan ang nilalang na iyon na nakayuko lamang at kumakain ng kanyang pagkain.
Ares.
-------------------------------------------
"Ladies and gentlemen, this is what we have waiting for.. the second round of the tournament!!" nakakabinging sigawan at cheers ang namumuo sa buong stadium na ito. Napapikit lang ako ng mariin habang nakaupo ako dito sa aking quarters. Bawat kalahok na mayroong manager ay mayroong quarters, kung marami kayo sa isang manager ay sama- sama kayo at malaki ang inyong quarters. Pero, kung wala ka namang manager ay mayroon ka namang quarter pero maliit lamang na tamang- tama lang para sa dalawang tao o tatlo.
Mayroong maliit na kama at isang bench at isang table na lagayan ng mga gamit niyo. Tubig, towels, first aid kit at ilang pagkain lang na pweding dalhin sa loob ng quarters kung sakaling magutom at isang maliit na banyo sa gilid.
"bata, ilagay mo to sa loob ng boots mo." Napatingin naman ako sa hawak ni mang Tobin ng lumapit ito sa akin. Napakunot- noo naman ako ng Makita ang binibigay niya sa akin.
BINABASA MO ANG
The Outlaws (Complete)
ActionGenre: Action, Adventure, Random, (chaos, war, gangster, academy, university, red, blood) Language: tagalog, English Date started: April 30, 2016, 11:11pm Rated PG This is a work of fiction, any resemblance to any other stories are pure coin...